I.L.Y.P.B.M. || TwentyOne

113 2 0
                                    


"Talagang may contact kayo ni boylet huh? Sa tingin mo hindi naman sya scammer? Baka mamaya nagvolunteer lang yan maging tour guide para makaporma sayo tapos hindi naman pala alam ang gagawin" sabi ni Ronnalyn.

Lahat kami ngayon ay nasa waiting area habang inaantay ang aming tour guide na si Ringo. Sya nalang ang kulang dahil dumating na din ang sasakyang gagamitin namin.

"What is his name again?" Tanong ni Ethan.

Agad ko naman ibinaling ang tingin ko kay Ronnalyn    habang tinatawagan si Ringo sa telepono.

"Relax lang kayo guys, wala ba kayong bilib sa gutfeel ko?" Sagot ko sa mga ito.

"WALA!!!!" sabay na sagot ng magjowa na bully sa tabi ko.

Tinaasan ko naman ng kilay ang sagot ng mga ito.
Bahala nga kayo dyan!

Bago ko pa man sila gantihan ay nagsalita na sina Dimple at Joana.

"Pogi ba yung Ringo, Doc Mia?" Tanong ni Dimple na sinegundahan ni Joana.

Sasagutin ko na dapat sila ng bigla akong nakaisip ng kalokohan.

"Ask Ronnalyn" sagot ko sa mga ito.

They turned their heads to Ronnalyn's direction and repeat the same question.

"Doc Ronnalyn, pogi ba sya? Anong itsura? Pa describe naman dyen" excited na sabi ni Joana.

Ang walang kamalay malay na bruha ay sinagot naman ang tanong ng walang pagdadalawang isip.

"Well, he is a good looking native here. Papasang hearthrob sa bansang ito kung nag-artista man yun. Tapos he is tall-dark-handsome. Then mukha din syang friendly. Medyo charming sya guys, madaming baon na joke. Biruin mo english na nga yung joke pero nakakatawa pa rin." natatawang sagot ni Ronnalyn.

Agad namin ibinaling ang tingin namin kay Ethan. And his face? He looked like he will gonna explode in a minute.

"Bat kayo natahimik dyan? Wait, bat nyo pa ba sya pinapa describe sa akin, hindi nyo ba naalala yun tao? Naalala nyo ba na pinag-uusapan pa natin sya nung medical mission?" Ronnalyn said.

We saw Ethan clenched his jaw while frowning. I smiled a little while containing my laugh.

Wagi naman naman ako.

"Ronnabels. Itigil na natin yung topic kay Ringo. Any moment may mage-erupt na bulkan na dito gawa sa selos." i whispered to Ronnalyn the reason why her eyes widened on the realization.

"Pakshet, Miabels! Dont tell you did it on a purpose? Gaga ka, anong gagawin ko dyan sa kuya mong hilaw?. Lechugas ka talaga, Miabels!" Gigil na sabi nito bagay na ikinatawa ko.

Bago pa man ito tumingin kay Ethan ay kinurot muna ako nito ng napaka diin bagay na ikina-aray ko.

"Miss Doctor!" Sigaw sa malayo ng isang lalaki.
Mukhang si Ringo na itong dumadating.

I raised my hand for him to know that i saw him already. Then he slightly run towards my direction.

"Hey!" Sagot ko dito ng makalapit ito sa akin.

"Good morning Miss Doctor, am i late already? Im really sorry for waiting too long" sagot nito ng nakangiti.

"No worries Ringo, you're just in time. That will be our service van." Sagot ko dito.

Tinitingnan ko naman ito ng maigi, mukha naman syang mabait at kwela, pero bakit parang may pinaplano? Ewan. Baka imagination ko lang.

"Wooh, i thought i was late, someone turned off my alarm this morning so i woke up a little late. So i moved as fast as i could.
But dont worry Miss Doctor, i managed to take a bath before coming here." Biro nito na syang ikinatawa ko.

I.L.Y, Please Be Mine!Donde viven las historias. Descúbrelo ahora