I.L.Y.P.B.M. || Five

156 2 0
                                    


Another jampacked day again for our medical mission.

We tried our best to accomodate all patients but 1 day is not enough for people that lined up today.

"Doc, hindi pa po gumagaling ang ubo ng anak ko po, ano po kaya ang dapat gawin?" Patient said.

"Cetirizine lang po nay, 2x a day for 5 days. Then observe nyo lang po if may iba pang symptoms na madevelop, punta nalang po kayo sa nurse area para sa libreng gamot" nakangiting sabi ko dito at nagpasalamat naman ito.

"Dra, ilang araw na po masakit ang lalamunan ko, lagi nalang po akong nagkakaganito sa taon na ito." patient said.

"How many times?" Tanong ko dito.

"Pang 7 na po ata this year" patient said.

Agad akong tumayo upang icheck ang lalamunan nito at pagkatapos ay pinakinggan ang dibdib nito.

And right now, i dont like the sound I am getting from my stethoscope. The consequences of her multiple tonsilitis in a year is starting.

"May nakakain ka ba or naiinom na nakapag-trigger ng mga sore throat mo, or tonsilitis? Kasi pag umabot ka sa 4 instance ay madami na yan for a year. 7 is not normal. For now, I will recommend you to go to the doctor specialized to it which is an ENT. For now, i'll prescribe you this and please watch out your food. Punta ka nalang sa nurse area para sa libreng gamot" sabi ko dito at nagpasalamat ito bago umalis.

Habang nakayuko ako ay may pumwestong pasyente agad sa harap ko.

"Doc, masakit ang dibdib ko" sabi nito.

Agad akong tumingala at nakita na ang pasyente pala na ay si Uriel Simon na dala ang isang ngiti para sa akin.

"Masakit dito Doc Ganda" he said while pointing his finger on his chest near the heart.

Tumayo naman ako at umupo sa tapat nito.

"Patingin" i said to him. Im trying my best not to show any emotions. Professional to no!

Unti unti nyang ini-angat ang suot nyang black tshirt bagay na kinagulat ko. Paano ba naman kasi ay mga nag-tilian ang mga girls at girls at heart sa paligid dahil sa maagang pa-abs nito.

Agad naman ngumiti si Uriel Simon sa mga ito bagay na lalong ikina-tili ng mga tao sa paligid.

Ang ingay! Lecheflan! Umiiyak na naman ang introvert self ko!. Be Quiet!

Ng lumapat ang kamay ko sa dibdib nito ay tila may kuryenteng dumaloy sa katawan ko pero naputol din ito ng may magsalita.

"Doc, itabi mo na, ako na dyan!" hiyaw ng isang beki sa patients area na may kasamang tili pa.

Agad ko namang inalis ang kamay ko dito at ibinaba ang damit nito sa sobrang kainisan. Ayaw nyong tumahimik huh?, then the show is over!.

And he went near to me.

"Ang bilis naman? Nakita mo na agad ito? As in?" He asked while pointing his finger to his chest.

"I'll check that later, after this mission or in dinner time. Doon nalang kina Mang Tonio, tutal sabi naman niya ay doon ka naman din kumakain." Sabi ko dito at tumayo na.

"Tapos na ba 'ko agad? Hindi pa nag-iinit yung pwet ko dito." Nakasimangot na tanong nito.

"Oo, bingi ka ba? Diba sabi ko mamaya nalang.
Next!!" Sagot ko dito at sumigaw para tumawag ng kasunod na pasyente.

Nakarinig naman ako sa paligid ng mga panghihinayang kasi umalis na daw yung pogi kuno.

--

It is almost 3pm ng matapos ang aming medical mission sa araw na ito.

I.L.Y, Please Be Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon