Beki 6~

2K 73 1
                                    

Samuel's POV

"Bibigyan namin kayo ng 30 days para makilala pa ang isa't isa.So ang kasal niyo ay next month pa." Sabi ng mama ni Sam.Andito kami ngayong lahat sa sala sa bahay namin ni Sam.

Ngayon pa nila naisip yan ah!Pero sabagay 'better late than never' nga daw.

1 week na rin ang nakalipas mula nung pagsapak niya sakin sa section ng mga napkin.Ako pa ang pinag bayad niya ng mga pinamili namin.Siya na nga tong nanapak.Pag uwi ko nun tatlong araw ata akong di nakapasok sa trabaho dahil nilagnat ako.

"Thank you mommy.You may leave now." Inaantok na sabi ni Samantha.Pano ba naman!It's only 5 in the morning.Sakin okay lang kasi gantong oras talaga yung gising ko.Pero si Samantha!Mukhang 10 years na hindi natulog.Eww.So haggard.

"Pinapalayas niyo na ba kami mga anak?Ano bang meron at atat na atat kayong palayasin kami?" Medyo madramang sabi ng mama ni Samantha.

"At talaga pong tinanong niyo kami niyan ah?It's only 5 in the morning tapos po mambubulabog kayo para lang dito?Pwede niyo naman po kami itext.Gusto niya mag twitter na lang o mag status kayo sa fb." Tuloy tuloy na sabi ni samantha.

"Ganyan ka na ngayon Samantha!Wala kang basketball for a month!" Sabi ng papa niya.

Mukha namang nagising ang itsura niya.Ano man ang itsura niya panget pa rin siya.Di siya tumulad sa isang dyosang katulad ko.

"Pa!Ano ba naman yan!Sa lahat pa ng pwede niyong tanggalin!Basketball pa!" 

"Syempre.Yun ang kahinaan mo eh.Wala ka namang pakialam kung gadgets mo ang tanggalin sayo.Kaya basketball na lang." Seryosong sabi ng papa niya.

"You're so Unfair!" Sabi na lang ni Samantha saka padabog na umakyat.

Si Samantha ba talaga yun?Bakit parang babae kung umasta yun?Baka naman may espiritong sumapi sa kanya!Nako!Sana forever na lang yung Espirito sa kanya!Wag na niyang ibalik si Sam!

"Pagpasensyahan mo na Samuel ang anak namin.Ganyan lang talaga yan kapag nawala sa kanya ang isang bagay na importante sa kanya talagang nag iiba ang ugali."

Nakikinig lang naman ako sa mga pinagsasasabi ng magulang niya.Like i care?

"Alam mo ba dati yang si Sam.Laging suot niyang dress tsaka heels.Then one day,bigla na lang siyang nag bago at ayan naging baduy na." Sabi ng mama niya.

OMG!Nag heels si Sam!?Unbelieveable!

"Sige iho,mauna na kami.Pinapalayas na kami ng anak namin.Wala yang utang na loob eh." Natatawang paalam ng mama ni Sam.

"Sige po tita.May topak lang po yun kasi maaga pa.Alam niyo naman po iyon leader ng mga tamad.Siya po founder nun." Nakangiti kong sabi.

Tumawa naman sila at umalis na.Phewww!

Umakyat muna ako at pupunta na sana sa room ko.Kaso bigla akong nakarinig ng hikbi.

O to the M to the G!May multo ba ditey!?Grabeee!Pero kung gwapo naman yung multo sige sama na ako.Alam ko namang pag aagawan nila ang beauty ko.

Teka?Bakit parang galing sa kwarto ni Sam yung hikbi?Nako gurl!Minumulto ka na.

Tinapat ko ang tenga ko sa may pintuan ni Sam saka pinakinggan.Lumakas lang ng lumakas yung hikbi.

OMG!Hindi kaya multo si Samantha at ang buong pamilya niya!?

When The Beki Marries a Leslie Where stories live. Discover now