Beki 16~

1.8K 73 3
                                    

Samantha's POV



"KASI NAGSESELOS AKO!" Bigla naman akong napatanga sa sinabi niya.



May bigla akong naramdaman na pamilyar.Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.



Hindi pwede 'to.



"At bakit ka naman nag seselos!?" Sabi ko ng makabawi sa pagkagulat.



"KASI IKAW YUNG KINAKAUSAP NIYA AT HINDI AKO!ANG HOT PA NAMAN NIYA!KEYNES KA GURL!LAHAT NA LANG!"



Pagkatapos niya akong hilain dito basta basta na lang siya lalayas!?



Nagulo ko na lang ang maikli kong buhok.Minsan talaga hindi ko maintindihan ang baklang yun.



Minsan para siyang lalake kung umasta tapos minsan naman baklang bakla siya.



Napaupo na lang ako sa buhangin habang nag iisip.



Hindi ko namalayan na may beach ball na pala na nalipad papunta sa direksyon ko.



Dahil sa gulat di ko na nagawang umiwas.



Tsk.Dugo yung ilong ko!Ano ba naman 'to!



May isang magandang babae na lumapit sakin.At hinawakan ang balikat ko."Okay ka lang ba?"



"A-Ah oo." Tinulungan niya akong tumayo saka nagpaalam muna sa mga kalaro niya at ginamot ako.



Ganda niya.



"There ayos na.By the way,I'm Juliana Marie Vargas Cruz."Inabot naman niya yung kamay niya sakin.



"Ah Samantha.Samantha Del Valle—"Bigla kong naalala na kasal na nga pala ako."—-Dela Vega"



Bigla namang kumunot ang noo niya.May itatanong pa sana siya kaya lang may kumaladkad na sakin.



Tungunu!Sino ba tong balasubas na 'to at kung maka hatak sakin parang isang aso lang ako.

When The Beki Marries a Leslie Where stories live. Discover now