Beki 20~

2.1K 74 3
                                    

Samuel's POV


Since wala na akong gana na humanap ng papables.Nag stay na lang ako dito sa tabing dagat.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako sinusundan ni Samantha. Sabagay sino nga ba naman ako para sundan niya diba?

Hmp.Nakakaloka.

Pero siguro tama rin na hindi niya ako sinundan kasi kailangan ko mapag-isa.Mag isip kung anong mga kagagahan ang gagawin ko pa sa buhay ko.

Mag gagabi na pero nandito pa rin ako sa may tabing dagat.Feel na feel ko kasi yung pag dadrama ko eh.

Kinuha ko yung phone ko tas nag selfie muna na parang nag dadrama tsaka pinost sa Instagram.

Ano bang pwedeng caption ?Kelangan yung madrama din.Para mafeel nila.

Ah!Alam ko na.

@Samuel__ Where are you now that I need you? #alone #lonely #drama #sea

@Samanthaxx__ Andrama mo!Kung ano ano ang nalalaman mo.Ikaw naman tong nawawala.

@Samuel__ Nandito lang ako sa tabi.Naghihintay sayo.

@Samanthaxx__ Sapak gusto mo?

Hindi ko na lang siya sinagot.Mahahanap niya din ako.

Nag patuloy lang ako sa pag dadrama hanggang sa may naramdaman ako bumatok sakin sabay pingot sa tenga ko.

Erey nemen!Mesheket.

"Hoy Samuel!Kung ano ano yang pinag gagagawa mo sa buhay mo!"Nakuu.Dumating na ang leon.

"Bakit nanaman ba?Lumayo na nga ako eh!"

"Sinong nagsabing lumayo ka?Nakang.Drama mo ah!Dahil sa'yo di ko tuloy napormahan yung mga chicks dun!"

"Ay grabe gurl ah.Para namang nakahanap ako ng hot na hot na mga papables.Dahil din sayo di ako makahanap ng papables!"

"Wala akong ginagawa sayo!" Sagot niya habang hawak pa rin ang tenga ko.

"Akala mo lang wala!Pero meron!meron!meron!"

"SAMANTHA!!"

Gosh!Basang basa na ako! Itulak daw ba ako sa dagat!

"Yan ang napapala mo!Ang harot harot mo!"

"Hindi ako maharot!"

"Talaga,Samuel?"

"Oo!"

"Kahit itapon ko yung mga make-up mo!?"

"Well,slight lang pala."

"Tumayo ka na diyan.Baka magkasakit ka."Sabi niya sakin sabay lakad papalayo.

Hindi man lang ako tulungan.Baka mamaya may makakita sa aking sexy body.Bigla akong reypin dito.

"Hey Sam!Wait!"

"Lagi naman akong naghihintay eh." Sagot niya.

Ay antaray!Humuhugot.

Pasimple ko siyang inakbayan.Tas dinikit ko pa yung katawan ko sa katawan niya.

"Humuhugot ka na ngayon ah."

Pilit naman niya akong tinutulak.Kaso dahil mas malakas pa rin ako sa kanya.Hindi pa rin niya ako matulak.

Kaya ngayon basang basa na din siya.

"Putragis ka talaga Samuel."

"Ouch.Pwede naman sabihin mo na lang na 'ang ganda mo Samuel'.Kesa naman minumura mo ako diyan."

May dumaan na gwapo sa gilid naming kaya naman napasunod kagad ang mata ko dun.

Hmm.Pogi.

Bigla na lang hinila ni Samantha yung baba ko dahilan para mapalingon ako sa kanya.


"Sam naman!Andun na yung ulam oh!Bigla mo na lang ako sasaktan!Nakakahurt ka talaga."


"Ang harot mo nanaman kasi.Kaya---" Bigla naman siyang napatigil kasi may dumaan din na mga 'chicks' daw sa gilid namin.Kaya ayan,natulala din siya.

Hinila ko naman yung buhok niya.Gagang ito.Lakas ng loob pagbawalan ako tas siya rin naman pala.


"Umayos ka ha.Naloloka na ako sayo."Tinadyakan niya muna ako bago umalis

Ako naman,napaluhod sa sobrang sakit.Kakasuhan ko talaga siya.Ghed.

May mga lumapit naman sakin na mga gals.

"Ohmyghad kuya!Are you okay?"

Sabi ng isang naka red na two-piece.Mas bagay siguro sakin yan.

"I'm okay.Thank you." Tinulungan nila akong tumayo at nagpasalamat ako sa kanila.

Umalis na ako dun at pumunta na sa kwarto namin.

Nakita ko naman si Sam na nakadapa sa kama.Hindi ko na lang siya pinansin at nagpunta na lang sa banyo para gawin ang aking mga kaechosan sa life.

Nag lagay na ako ng cream sa mukha saka tumabi kay Sam.Kaso masayadong malikot si Sam kaya nadaganan niya ako.

Masyado atang naparami yung kain ni Sam.Ang bigat eh.

Tinulak ko siya ng konti para makaalis siya sa pagkakadagan sakin.

Kaso ayun,dumagan ulit siya.

Maloloka na talaga ako sa kakulitan neto!

Tinulak ko siya ng mas malakas para mapalayo siya sakin.

Kaso umusog nanaman siya papalapit sakin at ipinulupot ang paa niya sa legs ko tas yung braso naman niya nasa tiyan ko.

Ghad.Pano ba ako makakatulog neto?

Sa sobrang inis ko ay tinulak ko siya ng napakalakas at nahulog siya sa kama.

Feeling ko mag kaka-earthquake sa lakas ng bagsak niya.Pero ng tingnan ko siya ay tulog na tulog pa rin.

Nahilik pa.Yuck.Parang pig kung mag snore .So Eww.

May naisip akong idea.Para naman makabawi ako sa pang jojombag niya sakin.

Kinuha ko ang markers na nakita ko.Teka,bakit may markers dito?

Kinuha ko na lang yun at dinrowingan ang mukha ni Sam.

Napatawa na lang ako pagkatapos kong drawingan yung mukha niya.

Kaso feeling ko kulang pa yun.Kaya kumuha ako ng cream tas nilagay ko sa palad niya.

Maya-maya lang ay gumalaw siya at ipinahid yung palad niya sa mukha niya kaya nalipat yung cream sa mukha niya.

Ginupit gupit ko din yung ilang parte ng damit niya tas ginulo ko yung buhok niya.

Pagkatapos kong gawin lahat ng iyon ay tumayo ako at pinagmasdan siya.

Para siyang taong-grasa!Wahahaha!

Gusto ko sanang tumawa ng malakas kaso baka magising ang leon.Kaya lumabas na lang ako at doon tumawa ng tumawa hanggang sa mahiga na ako at maiyak sa kakatawa.

"Uhm,Samuel?Okay ka lang?"

Napatigil ako sa pagtawa at napanganga.

Nekekehiye.


When The Beki Marries a Leslie Where stories live. Discover now