Beki 8~

2K 81 1
                                    

Samuel's POV

"Anong nangyari!?"

Andito ako ngayon sa kwarto ni Samantha dahil kanina habang nag aayos ako ng pagkain ay bigla na lang ako nakarinig ng kalabog kaya agad akong gumorabells dito.

At naabutan ko siyang umiiyak habang nasa lapag yung maleta niya.Yung maleta niya siguro yung bumagsak?

Agad ko siyang nilapitan pero nasagi ko yung maleta saka siya umiyak pa lalo ng malakas.

Natataranta na akoooo!What to do!?

"Sammy girl~Anong nangyari?Bakit may maleta?Mag lalayas ka na ba naging mabuting asawa naman ako sayo ah?Anong ginawa kong mali para iwanan mo ako?Anooo!?Sabihin mo!" Pero hindi siya nagsalita at umiyak pa rin ng umiyak.

"Ano ba!?Dahil ninakaw ko yung mga dati mong make up?Eh sorry na ateh!Ang gaganda kasi eh." Patuloy ko pa rin.Hindi pa rin siya tumigil sa kakaiyak.

Ano ba?Bakit ba siya naiyak?Walang ginagawa ang ganda ko sa kanya.Naiinggit ba siya sa kagandahan ko at naiyak na lang siya kasi wala siya non?Oh sige magbibigay ako ng 10% ng kagandahan ko sa kanya.

Tinuro niya yung maleta malapit sakin.Agad ko yung kinuha at binagsak sa may paanan niya.At di sinasadyang natamaan ang paa niya.Umiyak siya ng napakalakas.

Ano ba 'tong girl na 'to!Nakakaloka na siya ah!

"ANO BA TEH!NAPIPI KA NA BA AT HINDI KA MAKAPAGSALITA DIYAN!?"

"IKAW BAKLA KA!ANG SLOW MO!WAAAAAH!NABAGSAKAN AKO NG MALETA SA PAA!AT MASAKIT!TAPOS INULIT MO PA!KOTANG KOTA KA NA SAKIN!" Sigaw niya at saka ako sinapak ng maraming beses

Yung mukha koooo!Lagi na lang ang mukha ko!Ang mukha ko na maganda at walang malay!

"MY FACE!STOP IT!UWAAAH!" Nang makita niyang paluha na ako agad siyang tumigil sa pag jombag sakin saka nagpunas ng mukha sa shirt ko.

"YAAAAAAK!BAKIT SA SHIRT KO PA!?" Pinunas na niya lahat.Favorite shirt ko 'to!Huhuhu.

"Alangan naman sa shirt ko ipunas edi nadumihan yung akin?Hirap kaya maglaba.Saka sayang sabon.Mahal pa naman." Ayan.Bumalik na ang Samantha na kilala ko.Bully sakin.

Hindi ko na lang siya pinatulan at umupo na lang sa tabi niya kahit na nandidiri ako sa shirt ko ay hindi ko tinanggal.Syempre hindi niya pwedeng makita ang aking oh-so-sexy body.

"Kahit hate kita dahil sinira mo ang feslak ko.Tatanungin kita.Bakit ka nag i-empake?"

"Kasi-"

"Masama ba akong asawa?"

"Ano-"

"Sinaktan ba kita?"

"Tuma--"

"May iba ka na bang babae?"

"Maki---"

"Are you cheating on me?"

"Lets--"

"Gusto mo na bang makipaghiwalay?" Maluha luha ko siyang tiningnan.Nakaka hurt siya.

"Sasapak--"

"I've been a good wife to you.Tapos eto lang ang isusukli mo sakin!?How dare you!" Akmang mag wo-walk out ako nang bigla niya akong sapakin kaya nalaglag ako sa kama.

Ouchiieee!Double dead na ako!Ay teka.Di naman pala ako piggy.

Shems!Hindi pa man din kami mag asawa ginagayan na niya ako.Isa po akong battered wife.

When The Beki Marries a Leslie Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon