Beki 21~

1.6K 59 6
                                    

"Uh Alex,i mean Juliana pala hehe." Umayos na ako ng tayo saka siya hinarap.

"Bakit tawa ka ng tawa diyan?" Nagtatakang tanong niya sakin

"Ah kasi naalala ko lang yung hubby este wifey ko kaya natawa ako."

Tiningnan niya lang ako na para bang di naniniwala sakin saka tumango tango

Sabunutan ko kaya itetch?!

"By the way,Samuel.Pwede ba tayong mag-usap?"

"Nag-uusap na tayo hindi ba?" Alam kong ang sama ng pagkakasabi nun pero you can't blame me.Nasaktan ako dahil sa kanya.

"I'm sorry,Samuel."

Hindi ko alam ang isasagot ko at hindi ko rin alam kung galit pa ba ako sa kanya.

Kinapa ko ang dibdib ko para maramdaman ko kung may galit pa ba ako sa kanya kaso wala akong makapa.

Shocks,wala nga pala akong dibdib.Sad life.

"Okay na,Juliana.The past is in the past.Kailangan na nating mag move on."

Sumaya naman kagad ang mukha niya at akmang yayakapin ako nang bigla kaming nakarinig ng sigaw.

"PRINCE SAMUEL DELA VEGA!"

Nagkatinginan na lang kami parehas ni Juliana.

Natawa na lang siya at tinapik ang balikat ko.

"Oh pano ba yan,Samuel.Mukhang kailangan ko nang umalis at hinahanap ka na ng asawa mo."

Pag kaalis ni Juliana ay agad akong napaharap sa pintuan ng room namin.

Uh oh.

NAGISING ako na parang ang kati ng mukha ko tsaka parang mahangin.

Hindi ko na lang ito pinansin at tumayo.

Pero bigla akong napatakbo papuntang banyo nang maramdaman kong nasusuka ako.

Pagkatapos kong magsuka ay mangiyak-ngiyak na ako sa dami ng nilabas ko.Nag hilamos na lang ako para umayos ang pakiramdam ko.Pero pag harap ko sa salamin,mas lalo yatang sumama ang pakiramdam ko.

Punong puno ng sulat ang mukha ko pagkatapos butas-butas pa ang damit ko.

Nag init ang ulo ko nang maalala kung sino ang posibleng may gawa nito.

"PRINCE SAMUEL DELA VEGA!"

Hindi ko alam kung maririnig niya ako o hindi,basta ang alam ko lang gusto ko siyang sabunutan at tanggalan ng kilay hanggang sa mag makaawa siya sakin.

Maya maya lang ay may pumasok na baklang makapal ang kilay.

"Yes hubby este wifey?"Painosente pa niyang tanong sakin.

"ANO 'TONG GINAWA MO SAKIN?" Sabay turo sa mukha ko.

"Ah kasi honeybee napagtripan ko lang mag drawing kaso waley tayong papel eh naisip ko tutal maputi ka naman bat hindi ko gamitin yang skin mo para maging papel,talino ko noh bububear?" Aba't tuwang tuwa pa siya sa sinasabi niya ah.Hindi man lang niya itinanggi yung ginawa niya.

"ANDAMI MO NANG ATRASO SAKIN HA!NGAYON NAMAN TINATAWAG MO AKONG WALANG UTAK!"

"Teka,ano?" Nagtataka pa niyang tanong sakin.

Itinaas ko na ang kamao ko at handa na sana siyang sapakin kaso bigla naman siyang tumakbo palabas ng banyo.

Hindi ko siya masundan kasi pakiramdam ko nanghihina pa ako.

Kaya naman lumabas na lang ako ng banyo at umupo sa dulo ng kama.

"Sweet Honeypie,Anong nangyare sayo?"

Lumapit siya sakin at hinawakan ang baba ko para magkasalubong ang aming tingin.

Unti-unting naglapit ang aming mukha.

Ayan na malapit nang magdampi ang aming mga labi.

"Teka bubu,ang baho ng bunganga mo ha.Uso toothbrush."

Agad kaming napalayo sa isa't isa.Ako naman ay nagdadabog na bumalik sa banyo

BWISIT NA BAKLA!

HINDI ko alam kung anong pumasok sa isip ko at ginawa ko yun.

Basta nung nakita ko si Samantha na nanghihina nag-alala kagad ako.

Ngayon ko lang 'to naramdaman ever!

Pero kaloka talaga yung bunganga niya eh.Panira kaloka!

Pati yung mukha niya.Puro drawing pa.

Medyo na gu-guilty ako sa ginawa ko pero ganun din naman ang ginagawa niya sakin eh.Lagi niya akong binibigyan ng pasa.Huhu ang flawless skin ko nasira lang ng dahil sa kanya.

Pero kanina sa banyo napansin kong parang namumutla siya at nagsuka.

OH MY GOD hindi kaya preggy siya?!

Hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari pero bigla na lang akong nawalan ng malay

"SAMUEL!"

--------
A/N:I'm back~~ Sorry for the super duper late and corny update.

Gusto ko lang pasalamatan lahat ng tao na nag babasa nito,adding this story to their rl,nag co-comment,nag vovote.Thank you po talaga sa inyo!Pero sorry sa late update kasi po naging busy ako sa buhay.Hehe yun lang.Happy Holidays everyone!

When The Beki Marries a Leslie Kde žijí příběhy. Začni objevovat