Beki 25~

1.5K 58 11
                                    

"HOY LOKARET!Bakit mo pinakealaman yung mga gamit ko?Invasion of privacy yan!" Nakapameywang akong nakaharap kay Samantha pero siya parang wala lang naririnig.

Nas-stress na ako sa kakahanap nung mga gamit ko pero etong magaling kong asawa ay nakaupo lang at super chillax na nanonood ng T.V

"Hindi ko pinakealaman sadyang nakakalat lang kaya inayos ko na para sa'yo.You're welcome."

Napaupo na lang ako sa tabi niya at nakinood na lang din.Sa kanya ko na lang ipapahanap yung mga gamit ko.Siya din naman nagtabi eh.

"Lokaret ka talaga.Nakaka stress ka ng over over."

"Shh.Wag kang maingay,bakla.Maganda 'tong pinapanood ko."

"Anetch ba yan?" Nag hintay ako ng ilang minuto pero hindi pa rin siya sumagot.

Okay lang naman ako.Kausap ko lang naman ang sarili ko.No need to answer.

"Hindi ko pala kayang tapusin 'to ng isang araw!Ang daming episode ang hahaba pa." Reklamo niya after 3 hours of watching.

"Weak mo pala eh.Anetch ba kasi 'tong pinapanood natin?"

"Legend of the blue sea." Pinatay na niya yung TV at pumasok sa kwarto niya.Sumunod naman ako sa kanya dahil gusto ko pa siyang chikahin

"Ay gurl.Bet ko yung sirena dun omg.Ka-uri ko siya."Humiga ako sa kama niya at tiningnan siya habang inaayos ang gamit niya.

"Halata nga.Lumayas ka na nga,inaantok na ako."

"Ayoko nga----SAMANTHAAAA!" oh my gosh!this is so not happening.

"Ang ingay mo forever Samuelita.Manahimik ka din minsan please."

"Get off me!Hindi tayo talo beshie please!"

Pilit ko siyang tinutulak paalis sa ibabaw ko.Oh no!Mas niyakap pa niya ako ng mahigpit at narinig ko na lang ang pag hilik niya.

Yuck!Babskie talaga nito matulog.

Paano na ako makakaalis nito?Ang higpit ng yakap niya.Sarap talagang sabunutan ng babaeng 'to.

Bahala na nga.Pagod na din ako eh.

*Click*

"AWWWW!Tingnan mo sina kuya oh!Ang cutipie nila ng asawa niya."

Nagising ako na nasa ibabaw pa rin ni Samuel.Unti-unti kong dinilat ang mata ko at nakita ko ang kapatid ni Samuel na nakangiti samin.

Agad akong napatayo kaya nagising din si Samuelita.

"HI ATE SAM!Sorry kung nagising ka namin.We just really wanted to see you."

"Hoy, twins anong ginagawa niyo dito?"Tumayo

"Kuya,bingi ka lang ba o ano?Kasasabi lang kaya namin."

"Aba.Wag niyo akong pinipilosopo ha.Baka gusto niyong punitin ko lahat ng posters niyo ng mga k-pop group dun sa bahay."

Agad namang ngumiti ng pag kalaki laki ang twins sa kuya nila."JOKE LANG KUYA!Love you.Sabi namin na miss lang talaga namin kayo."

When The Beki Marries a Leslie Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon