Beki 13~

1.8K 68 7
                                    

Samuel's POV


"Samuel!"


"Prinsipe!"


"Aba.Ayaw talagang magising.Feeling niya siguro siya si Sleeping Beauty."


"Edi halikan mo para magising!"


"Tsk.Kadiri. "


"Dali naaa!Try lang natin.Malay mo nagpapahalik lang yan."


"Kumuha ka ng palaka.Yun ang ipapahalik ko sa kanya."


"Para mas maganda kumuha ka ng fafang gwapings!"


"Edi mas lalo siyang hindi nagising kasi na enjoy niya,diba?"


Sino ba tong mga froglets na itey at ang iingay.


Unti unti kong minulat ang aking beautiful eyes.


At halos maduling na ako sa sobrang lapit ng mukha ni Samantha sakin.


"OWWW EM GIIIII!RAPE!RAPE!"


Agad naman siyang lumayo sakin saka ako sinapok.


Graveness.Kasuhan ko kaya 'to?Ang lakas maka hurt ng feelings eh.


"Maka-sigaw ka,gurl ah.Sina sleeping beauty nga hindi sumigaw nung nagising sila.Eh ikaw para kang pinagsamantalahan."


Nilingon ko naman ang echoserang pakealamera na yun."Jenny Gurl.Pwede shupi muna?Mag ha-heart to heart talk lang kami ng rapist ko."


Ngumiti pa siya ng napakalawak at pumalakpak."Sige gurl.Paglabas mo dito ninang na ako ah?"


"Sige gurl."


Hinarap ko naman si Samantha.At tinaasan lang niya ako ng kilay.


So syempre dahil dyosa ako.Di ako papatalo.Tinaasan ko rin siya ng kilay.


"Samuel,pwede ba yung kabaklaan mo.Bawas-bawasan mo?"


"Samantha,pwede ba panagutan mo ako?"


"Samuel.Wag ka ngang maarte diyan.Hinalikan ka lang hinimatay ka na?"


Bigla ko tuloy naalala yung ginawa niya.OMG!Hinalikan niya ako!


I wanna cryyyy.Hindi ako basta basta nagpapahalik sa kung sino sino lang.

When The Beki Marries a Leslie Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon