Beki 27~

2K 81 27
                                    

PANAY ang dasal ko habang lumalakad kami ni Samantha.Hindi ko alam kung kelan at saan kami titigil basta nagpapahatak na lang ako sa kanya.

Nanatiling nakapikit lang ang mga mata ko hanggang sa naramdaman kong tumigil na kami.Unti-unti kong minulat ang mata ko at nadatnan ko ang isang puntod sa harapan ko.

Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi pala ako ililibing ni Sam.Akala ko kaya siya medyo mabait kaninang umaga ay dahil ililibing na niya ako ng buhay.

Umupo si Sam habang nag aayos ng mga dala namin.

"Oy,tatayo ka na lang ba diyan?" Dahan dahan akong umupo at sumiksik sa kanya.

"Sammy girl,wala bang mumuskie dito?"

"Wala!At kung meron man paniguradong di ka naman susundan nun unless bulabugin mo sila."Lalo lang akong sumiksik sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Uy!Ang bakla mo naman." Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya.Uhm hindi ba obvious?

"Hey P,sorry ngayon lang ako nakabisita.I'm with someone special nga pala." Omg!Ako ba ang tinutukoy niya?I should look presentable.

Pasimple kong kinuha ang mirror kong maliit sa bag at tiningnan yung itsura ko.Maganda pa rin naman.

Nakangiti akong lumingon kay Sam na may hawak na..kambing na stuff toy?

"Tsaran!Dala ko si baby JJ natin." Tuwang tuwa pa siya na inilapag yun sa may puntod.

Medyo umasa aketch ng slight dun ah.Hangin na lang ba ako dito?

"And syempre ang YB ko na si Samuelita!" Hinatak pa ako ni Samantha para tumingin dun sa puntod.

"YB,Si Papa P nga pala." Papa P?

"Andwaeeeee!Hindi pwede!Papa p bakit nandiyan ka?Hindi ka pedeng kainin ng mga worms diyan.You're too handsome to die!" Akmang huhukayin ko yung puntod nang bugla akong hilain ni Sam.

"Ano ba?Bat mo ko pinipigilan.Si Papa P ko yung nandiyan!"

"Kilala mo si P?"

"Duh.Kilala siya ng sambayanang pilipino noh.Sikat na sikat kaya siya at ultimate crushie ko yan kaya TABEEEEE!"

"TANGE!HINDI SI PIOLO YAN!"

"Eh sabi mo Papa P?" Napahawak pa siya sa noo niya na parang problemadong problemado sa buhay.

"Si Primero Hampaslupa Ginigiba Junior ang nakalibing diyan!Tingnan mo nga yung pangalan punyeta ka."

"Sorry na,BY.Masyado kasi akong focused sayo at sa mga multo dito eh." Itinaas na niya ang kamao niya at syempre ayaw kong mabangasan ang lovely face ko nanahimik na lang ako.

"P,pasensya ka na pinag sigawan ko yung pangalan mo ah.Ang kulit kasi netong asawa kong paminta eh."

"Sino ba yang P na yan?"

"My first and only boyfriend."

"Biruin mo nagka jowa ka pala!Hottie ba siya mamshie?"

"Tigil-Tigilan mo ako Samuelita ah!Kapag ako di nakapag pigil gugupitin ko lahat ng swimsuit mo sa bahay."

"Hindi mo ako matatakot diyan."

"Itatago ko lahat ng make up mo."

"Mahahanap ko pa rin yan."

When The Beki Marries a Leslie Where stories live. Discover now