Beki 22~

1.7K 64 9
                                    

NAGISING ako sa isang pamilyar na kwarto.At una kong nakita si Samantha sa tabi ko.

Wala na yung drawing niya sa mukha at mukhang nakaligo na siya.

Bigla ko nanamang naalala yung mga naisip ko kanina at feeling ko hihimatayin ulit ako.

Pero bago pa mangyari yun ay nasapak na ako ni Samantha.

Ouchie.Huhu.

"Hoy Gaga!Ano bang problema mo't bigla ka na lang nahimatay diyan!Alam mo bang malapit na akong mamatay sa hiya dahil lumabas ako ng kwarto na puro drawing ang mukha at gula-gulanit ang damit para lang makahingi ng tulong!Tas ang bigat bigat mo pa.Akala ko ba nag dadiet ka ha?Bat ang bigat mo pa rin?Alam mo bang---"

"Hoy babaeng tomboy na rapper,pwede bang manahimik ka muna.Kita mo nang kagigising lang nung dyosa dito ganyan agad ibubungad mo.Myghad!"

Napahawak pa ako sa noo ko dahil sa stress sa kanya.

Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita ulit."Ang sinasabi ko lang naman,Samuel--" Unti-unting tumaas ang kilay ko kaya napatigil siya"--ay magpagaling ka.Ikaw naman my sweet honey coconut pie stressed ka naman kagad diyan."

EWW SWEET HONEY COCONUT PIE

"Teka maiba tayo,bakit ka ba nahimatay?Ano bang ginawa mo sa buhay mo?"

Nag iwas ako ng tingin at tumitig lang sa gilid ng kama.

Ayaw ko siyang tingnan baka mahimatay ulit ako.

"SAMUELITA!"

Che.Bahala kang sumigaw diyan.Hindi ako matatakot sayo.Nevah!

"PRINCE SAMUEL DELA VEGA!SASAGOT KA O---"

"EH KASI FEELING KO BUNTIS KA!"

Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko.Pero maya maya pa ay bigla itong tumawa ng tumawa.

What?Tuwang tuwa pa siya samantalang ako dito ay nas-stress na.

May nakakatawa ba sa sinabi ko?

Tiningnan ko lang siya hanggang sa matapos na siyang tumawa.

"Oh ano,tapos ka nang tumawa?Masaya ka na niyan?"

"Kasi naman Samuel,ang galing mong mag joke.Natawa talaga ako."

"THIS IS A SERIOUS MATTER,SAMANTHA!"

Mukhang nagulat siya sa pag sigaw ko.

"Samuel,imposible lang kasi yang sinasabi mo."

"Bakit?"

"Wala namang nangyari satin eh."

Naguguluhan ako.Eh ano yung nagising ako sa tabi niya tas yung kadramahan niya sa may seaside?Ano yun,kalokohan lang?

"Eh bakit pagkagising mo masakit katawan mo?Tapos yung kwarto magulo din parang may nag jombagan."

"Natural lang yun.Ganito yan Samuel ha..."

When The Beki Marries a Leslie Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon