Beki 28~

1.3K 55 21
                                    


Samantha's POV


IT'S BEEN A MONTH since nakita naming lahat si Samuel.At hanggang ngayon ay hindi pa rin namin siya macontact.


Nag-aalala na kaming lahat sa kanya.Lalo na ako kasi pakiramdam ko ay di na siya babalik.


Pumunta ako sa kwarto niya at humiga sa kama niya.Lumingon ako at nakita ko ang picture frame niya sa side table kaya naman ay kinuha ko ito at hinaplos.


"Samuel,nasaan ka na ba?Hinahanap ka ng lahat.Yung mga inutangan mo ako ang sinisingil,nakakainis ka." Para akong tanga na kinakausap ang sarili dito habang nakatingin sa picture niya.


"Alam mo ba,miss na miss na kita" Pasimple kong pinunasan yung luhang tumulo sa mata ko 


"Akala ko okay lang sakin na wala ka,pero di ko pala kaya.Nasanay na ako na lagi kang nandyan,na lagi mo akong kinukulit at ngayon hinahanap hanap na kita.Kasalanan mo talaga 'to eh." Napatawa na lang ako ng mahina kasi parang baliw na ako na kinakausap ang picture niya.


"Bumalik ka na please.Hindi ko na kakayanin na mawala pa ang lalaking pinapahalagahan ko,ay ang bakla pala."


Kinuha ko ang phone ko at hinanap ang kantang gusto kong pakinggan ngayon saka inilapag iyon sa side table niya.At nung mag chorus na ay sumabay na ako.


'Cause if one day you wake up and find that you're missing me
And your heart starts to wonder where on this earth I could be
Thinkin' maybe you'll come back here to the place that we'd meet
And you'll see me waiting for you on our corner of the street
So I'm not moving, I'm not moving  


"I'll always be here,Samuel.I'll always wait for you,for better or for worse.Hay nako bakit kasi ako nag asawa ng bakla."Unti-unti ay napangiti ako at naramdaman ko na lang na nakatulog na ako.


I miss you.


Samuel's POV


ILANG ARAW na din ako dito sa resort na pinuntahan namin ni Samantha dati.Sa totoo lang,namimiss ko na ang bruha na yun pakiramdam ko kailangan ko na siya makita ulit kasi wala na akong masabunutan dito.


Habang tinatanaw ko ang dagat at nag iisip-isip may lumapit sakin at tumayo sa gilid ko.Sa pag aakalang babae yun ay agad akong tumayo at pinagpagan ang sarili ko.


Si Samantha lang ang babaeng pwedeng lumapit sakin.Take that biatches! 


Hinarap ko ang lumapit sakin at nakita ko ang isang blue-eyed guy na nakangiti sakin.


OW EM GIIIIII!!


"Oh,uhm,hi bro!Just wanted to ask if you could accompany me tonight?" Tanong niya sakin habang kinakamot ang batok niya.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Nov 01, 2018 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

When The Beki Marries a Leslie Onde histórias criam vida. Descubra agora