CS 1

115 4 0
                                    

Wrrien's POV

"Oh? Eh ano namang problema kung si Mr. Zercata yung leading man?" I asked Anya. Nagulat na lang ako ng tingnan niya ako na para bang nang-aasar that's why I just draw a disgusted face then ibinalik ko ang tingin ko sa ipinasa niya sa'king documents. She's working in the production team kaya updated siya sa mga projects ng company.

"Edi okay lang sayo? Tanggapin mo na kasi.. Please? Ang dami kayang tinatamaan sa mga linyahang sinusulat mo." she said. Wala naman akong nagawa kundi ang tumango na lang. Kakatapos ko lang magbakasyon at mukhang okay na ulit ang katawan ko para sumabak sa trabaho.

"Sige na nga. Pero yung usapan natin ah?" pag-papaalala ko sa kanya.

I don't want too much attention. Simpleng tao lang ako.

"Yeah. No one will know that it's you. Ako pa?Since 1st year college pa lang tayo, eh itinatago na kita. Ang hirap talaga kapag may talented na kaibigan no? Biruin mo yun? Freshman pa lang tayo? May published novel ka na agad." litaniya niya kaya napangiti na lang ako.

She's my protector eversince. If someone almost caught me? Ibinabaling niya sa ibang landas kaya back to zero silang lahat.

Dati? Ang gusto ko lang is magsulat. Hanggang dun na lang yun. Hindi ko naman alam na dadami ang readers ko online at inalukan ako ng publishing companies. I was about to refuse pero di pumayag si Anya.

Sayang daw.

Kaya simula noon? Siya ang nag-aasikaso ng lahat at thankful ako kasi 5 years na ang nakakalipas simula ng mag-start ako as a published author? Hanggang ngayon ay tahimik pa rin ang buhay ko.

"It's settled then. Wala nang bawian ah." she said kaya tumango ako ng paulit-ulit. Grabe talaga tong babaeng to. Mas excited pa yata siya sa'kin.

"Great. Oo nga pala. Balita ko? Nag-resign ka na daw sa trabaho mo?" she asked. Hindi ko na nga sinabi sa kanya kasi tiyak siya na naman ang mamo-morblema nun. Medyo bumibigat yung trabaho ko lately at hindi na kayanin ng katawan ko. After kong mag-resign ay talagang nagbakasyon ako kina mama sa probinsya.

"Eh diba? Tinanggap ko naman offer mo?" pamimilosopo ko pa. "Di ba? Trabaho naman yun?" I added. I saw her rolled her eyes kaya natawa na lang ako.

"Baliw. Ang tinutukoy is permanent na trabaho. Pag natapos ang movie? Edi wala na ulit?" depensa niya kaya tumango tango na lang ako. Wala. Mas matapang pa siya sa mga magulang ko.

Desisyon ka?

"Bakit? Posible naman na makahanap na ako ng trabaho within 3 months? Anong problema dun?"I said. She stand up and sat beside me.

Tinuktukan niya ako.

Bwisit.

"Nangangailangan ng bagong PA si Kristoff Zercata? Gusto mo mag-apply?" she asked na ikinalaki ng mga mata ko.

Nalintikan na.

"Akala ko ba? Poprotektahan mo'ko? Eh ipapain mo'ko eh!" reklamo ko. I heard her laughed kaya napabusangot na lang ako.

"Hindi ganun ang ibig kong sabihin. Magiging PA ka naman niya using your real name, Wrrien Pureza. Bakit? Alam niya ba na si Cryrein at ikaw ay iisa?" pagdadahilan niya pero napailing pa rin ako. Hindi talaga ako sang-ayon sa gusto niyang mangyari. Parang gusto niya akong patakbuhin at manatili sa bungad ng bangin.

"Kahit na. Hindi pa rin ako sang-ayon sa gusto mo." giit ko.

"What? Come on Rei. Tayo lang namang dalawa ang nakakaalam. Anong bang pinag-aalala mo? Si Zercata?"she said kaya mabilis akong umiling. Letse.

Chasing Stars (Chasing #2) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon