CS 19

32 2 0
                                    

Wrrien's POV

Breaking News.
Amber Montecillo and Kristoff Zercata was said to be on a dating stage again after they hangout several times in Cebu? After what happened last month? Is this really a legit one? Or a false alarm?

That was a speed one Wrrien. Kakaalis mo pa lang. Gandang salubong nun ah.

"Nag-resign ka na anak? Bakit? Nagka-problema ba?" tanong ni mama pagkauwi na pagkauwi ko dito sa Batangas. Sinalubong nila ako ng sandamakmak na kapeng barako tsaka homemade chocolate bars tapos ngayong kumakain kami? Andami nilang tanong.

"Wala po. Naisip ko lang na ang hirap pa lang maging utusan. Nakausap ko naman po si Anya. Lilipat ako sa company nila then sasama ako sa kanya sa US. Diba po ba? Flight ko sa isang araw?" I replied. Nakita ko ang pagtango nila kasi nauulit ko na din yun sa kanila last week. Sinabi ko din sa kanila na walang kasiguraduhan ang trabaho ko kay Kristoff kasi tinanggap ko lang yun para nga kay Tita Karen.

"Oo nga pala. Pero sigurado ka na ba? Paano si Kristoff? Akala ko ba? Gusto ka niya? Gusto mo rin siya? Ano pang naging problema?" papa asked. Ngumiti na lang ako ng peke sa kanila at nagkunwaring hindi apektado sa mga nangyari.

"Ako lang ho yata ang may gusto. Nakita ko nga sila nung si Amber na gumagawa ng milagro tsk. Maraming beses." pagdadahilan ko. Nakita ko ang pag-iling-iling nilang dalawa.

"Hindi ko akalain na magbabago ng ganyan si Tope."sabat ni mama. I hold her hand at sinenyasan ko siya na hindi ganun yun.

"Hindi naman po sa ganun. Nakainom lang po at syempre may pangangailangan po siya bilang lalaki. He say sorry pa nga po sa'kin after that kahit na PA niya lang ako." pagdadahilan ko. I receive a smile from them. They are my parents though. Pare-parehas kami ng iniisip at nararamdaman.

"Pero nasasaktan ka na diba? Did you even tell him na kababata ka niya? Na magkaibigan ang mga pamilya natin?" papa asked kaya umiling agad ako.

"Hindi po ako nagkaroon ng time para sabihin sa kanya. Ang dami po kayang nangyari. At isa pa may malaki akong kasalanan na nagawa sa kanya bago ako umalis." sabi ko. Nakita ko kung paano sila nalito sa mga sinabi ko.

"Kasalanan? Teka anak ah, at ano naman yun?"tanong ni mama.

Sus. Para naman akong pumatay sa reaksyon nilang dalawa.

"Nagsinungaling po ako sa kanya." I replied.

"Hindi naman yun ganung kalaki. Lahat ng tao eh nagsisinungaling. Depende na nga lang sa kung ano yun. Tungkol san ba?" tanong ni mama. Hatol nila ang makapagsasabi kung gaano kalupit yung ginawa ko.

"Kaya pinayagan niya po akong mag-resign kasi sinabi kong ikakasal na ako." nakatungo kong saad. Akala ko ay papagalitan nila ako pero isang hagalpakan ang narinig ko mula sa kanila.

"Ikakasal? Seryoso? Naniwala si Tope dun?Lokong bata yun ah. Bente-dos ka pa lang susmaryusep!" papa exclaimed na ikinakunot ng noo ko. Feeling ko eh magdidikit yung mga kilay ko dahil sa tampo sa kanila.

Hindi nakakatawa yun ah.

"Eh bakit ho ba?" asar na tanong ko.

"Ang amin lang eh gagawa ka na nga lang dahilan eh yung mahirap pang paniwalaan." mama replied sabay higop ng tsokolate niya.

"Eh naniwala naman siya. Kaya nga kaharap niyo po ako ngayon." giit ko at nginibitan sila. Trip na trip talaga ako nina mama at papa na asarin. Bakit ba kasi hindi sila nag-anak ng madami para hindi ako ang palagi nilang napapagdiskinitahan.

Chasing Stars (Chasing #2) - CompletedOù les histoires vivent. Découvrez maintenant