CS 26

37 2 0
                                    

Wrrien's POV

"Good morning po." bati ko sa mga staff na naabutan ko sa venue. Nagulat pa ako ng i-send nila sa akin yung kabuuan ng program ganun na din kung saan gaganapin.

"Oh? Cryrein?" they asked kaya tumango ako.

I guess they didn't know.

"Rei Pureza right? Oh gosh! Eh?" other one said kaya nginitian ko sila. Dumating na din yung manager ko kaya tinulungan na din namin sila na mag-ayos. Medyo napasilip pa ako sa uupuan ko mamaya and I saw how many seats are there para sa mga magpapa-book sign slash meet and greet.

Kinakabahan ako. Sa totoo lang.

"There are 5,000 seats. Mabilis naubos ang mga upuan." Singit ng manager ko.

My mouth turned into "o" dahil na lang sa gulat.

"Wala namang bayad ang seats diba?"paglilinaw ko kasi gusto kong maging memorable ang mangyayaring ito.

"As you wish. At dahil sa request naman ng ibang mga readers mo, we're also making a live broadcast in your Cryrein's page and other social media accounts since gusto ka din nilang makilala." dagdag niya pa kaya tumango na lang ako.

"Tingin niyo po? Magiging smooth kaya ang takbo ng meet and greet?" I asked out of curiosity. This is my first time at tumatanggi din ako noon nung nasa US pa ako kasi nahihiya nga ako.

"Oo naman. Ikaw pa,  I know how eager your readers are. Seven years ka nang nagsusulat at ni anino mo ay hindi nila alam. Just go with the flow and be confident. Okay?" paalala niya kaya tumango na lang ulit ako at ibinalik ang tingin sa magiging upuan ko mamaya.

Parang 18th birthday lang. Para akong magde-debut dahil sa ayos ng venue.

"Naka pila na po sa labas ang mga a-aattend. Sobrang dami na po nila kaya magsisimula na po kami sa pagpapapasok." Anas sa amin ng isang staff kaya tumango kami sa kanya.

Oh shocks. Ito na nga.

You receive a message:
From mama:
Nakaabang kami sa live. Congratulations anak. We are so proud of you.

Napangiti na lang ako mula dito sa sulok dahil sa simpleng message na yun galling kay mama. Phone call niya din yung gumising sa akin kanina kaya maganda talaga ang umaga ko.

From Tita Karen:

Hi sweetie. Congratulations to you. I'm watching the live. Pa-autograph ako next time.

Malakas na hiyawan ang narinig ko mula dito sa backstage kaya mas lalo akong kinabahan. Nandito na nga sila.

"Ayusan ka na namin?" tanong ng manager kaya natapango ako.

"Magpapalit na lang ako ng damit. Okay na sa'kin itong kaunting liptint." I said. Napakunot ang mga noo nila but then I say "please"

"Oh? Gusto daw ni Rei a liptint lang. Ayos na yun okay? Ayaw niyo yun? Bawas trabaho?"pagtatanggol ng manager ko kaya nagsitanguan sila.

Ayos ah.

"What do you want to where? This blue dress or this one?"she asked.

"Mas gusto ko yung blue. Mas simple tsaka hindi naman ako rarampa." natatawang anas ko sa manager ko.

Alam niyang yun ang pipiliin ko pero tinanong niya pa ako. Para san pa at matagal na ko siyang naka-trabaho.

"As usual Rei. Akala ko eh magbabago man lang ang isip mo. Kilalang kilala kita. Nai-ready ko na din yung 2 inch heels mo, pinaka-mababa na yun sa lahat ng nandidito." She said kaya napangiti na lang ako.

Chasing Stars (Chasing #2) - CompletedWhere stories live. Discover now