CS 8

49 2 0
                                    

Wrrien's POV

After that long scene ay nagsimula na ulit ang shoot. He is now eating again infront of me dahil katatapos ng huling take na yun. Hindi ko alam kung saan niya ipinaglalagay yung kinakain niya, that was too much.

"Aalis ka pa rin ba?" he asked the reason why I lifted my head and look at him.

"Ikaw? Di ba ayaw mo?" I replied. Nakita ko ang pag-iling niya.

"Nah. It's your decision, tama ka naman kanina. Maraming nag-aasisst sa'kin dito. Baka mas kailangan ka dun." he said.

Hindi ko alam kung bakit natutuwa ako ngayon. Parang ambilis naman yatang magbago ng desisyon niya? Ano yun? Nadala na agad ng malakas na hangin?

"Sigurado ka?" I asked out of curiosity. He nodded kaya nagbubunyi ako sa loob loob ko.

Sometimes? Kailangan mo ding deretsuhin at prangkahin ang isang tao para matauhan. At isa pa? Yung reason niya kanina? Hindi naman yun ganun kalaki it's just that sinasabayan niya ng pag-ooverthink.

"Yeah. Basta huwag ka lang talaga magre-resign." giit pa nito kaya tumango ako.

I already told  him. Ayokong sumira ng pangako hangga't kaya ko. At isa pa? Magre-resign lang ako kapag mayroon na akong enough na reason. Kapag hindi ko na talaga kaya yung mga mangyayari under him.

"Opo." tanging nasabi ko.

"Hindi ko alam na designer ka rin pala?" he asked dahilan para mapakamot ako sa ulo ko dahil sa hiya. I'm not into bragging something that I already accomplished. I don't know why?

"Yeah. But I'm not that good." matapat kong saad habang seryosong nakaupo sa harapan niya. Major in creative arts ako kaya inaamin kong hindi talaga ako magaling.

"Eh? Nasabi sa'kin ni Anya na ikaw pala yung hinihingan niya palagi ng tulong when it comes to designs of set. Tsaka kapag may events." he added.

Sira-ulo talaga ang isang yun. But then? May tiwala pa rin ako sa kanya na walang lalabas na anumang tungkol sa talagang ginagawa ko. Dun sa bagay gustong-gusto ko.

"Nah. Hindi naman lahat sa'kin galing yun." giit ko.

"Basta. Huwag kang magre-resign at mag-apply as a designer and organizer tsk." pagbabalik niya na naman sa usapang iyon kaya wala akong ibang nagawa kundi ang tanguan siya.

His persuading skills are ery strong.

Hindi na ako magtataka kung bakit palaging sold out ang products sa market after his endorsements. Even his fashion styles? Patok na patok.

Suddenly, I remember something kaya naman agad na inilabas ko iyon. It's the limited edition of my hardbound copy and sealed, of my very first novel na na-release.

I also got 15 as expected kaya nagdala ako ng isa para sana mapatahimik siya because I predicted what will be his reaction, nagkataon naman na nag-text pala si Anya kaya lalo akong nag-worry but then okay naman kami.

"Oh." then I handed him the book

I saw how his eyes gets widen and his lips formed into "O". Nakakatawa yung reaksyon niya habang naka-sahod ang kamay sa harapan ko. He's waiting for me na ilagay ko sa mga kamay niya ang librong hawak ko.

May oras pa ba siya para basahin ang mga yun?

"Tang-ina ka!? Nakakuha ka?" he asked. I just nodded and pretend na naki-grab din ako kaninang madaling araw nung ilabas ito.

Chasing Stars (Chasing #2) - CompletedWhere stories live. Discover now