CS 22

33 2 0
                                    

Wrrien's POV

"Pasay po!"

"Magkano ba?"

"Teka! Kulang pa yung mga bagahe ko!"

"Diyan sa gilid. Ano ba!"

"Huwag kang aalis sa tabi ko baka mawala ka!"

"Ang init!"

Ilan lang yan sa mga naririnig ko matapos ang halos isang araw na pananatili ko sa eroplano. Nakaupo lang habang nakatanaw sa himpapawid. It's morning and I saw how people communicate with other people.

Maingay pero masaya.

It's been a while.

I'm finally here again.

Amoy na amoy ko ang Pilipinas.

"Ahmm miss? Saan po kayo?" tanong ni mamang taxi driver kaya agad kong sinabi ang address ng mansyon para doon muna tumuloy. After so many years, mama and papa already have a house here in Manila at once a week lang silang umuuwi ng Batangas para bisitahin ang farm. May kompanya silang inaasikaso kaya naisipan nilang manatili na lang ditto.

At mukhang ganun din ang mangyayari sa'kin kasi gusto ko silang tulungan sa trabaho nila.

"Mukhang napakadami niyo pong dala ah. Dito na po kayo siguro titira." anas ni kuyang driver kaya natawa na lang ako.

"Ang galling niyo po, pero actually po, dito naman po talaga ako nakatira, lumipat lang ako pero bumalik ulit." matapat kong tugon sa kanya.

"Talaga? Wala kasing makakatalo sa Pinas. Iba ang mga tao dito kumpara sa mga tao sa ibang bansa." Tugon niya. May punto si kuyang driver kasi kakaunti lang sa kanila ang mga kaibigan ko. Karamihan eh yung mga katrabaho ko lang then yung iba?

They are like someone who only lives in their own world.

Parang kanila lang yung mundo tapos wala na silang nakikita na kahit sino maliban sa sarili nila. For like example, may taong humihingi ng tulong sa kalsada, they just ignore them and pretend like they didn't see anything. They're also kinda intimidating. The way they look at you na para bang nandidiri sayo.

Hindi tulad dito sa Pilipinas na kakausapin ka kahit hindi kayo magkakailkala kagaya ngayon. People here are hospitable at kaibigan mo lahat.

And I miss that.

"Tunay nga po. Tsaka miss ko na din po parents ko kaya umuwi na ako." I replied. It's okay for me na kausapin si kuyang driver kasi mukhang mapagkakatiwalaan namin and he seem like a cheerful man. Kita ko pa sa unahan ng sasakyan niya yung familt picture yata nila.

And that's cute.

"Mukhang matagal kang nawala. Miss ka na din nila." He said kaya napangiti na lang ako.

After that long ride ay nakarating na din ako sa mansyon. The big gate was open at nakita ko ang pagtingin nilang lahat sa taxing sinasakyan ko.

Oh God! Akala yata nila eh si Zaed ako.

I didn't tell anyone na dadating ako.

Nakakahiya.

"Sino pong namatay?" tanong ni kuyang driver.

"Tito ko po." I replied.

"Condolence po mam." He sincerely said kaya ngumiti na lang ulit ako.

"Thank you po. Ito po bayad ko. Patulong na lang po sa pagbaba ng gamit." I said sabay abot ng isang-libong bayad ko sa kanya.

"Naku mam wala po akong barya. Unang pasahero ko po kayo ngayong araw" He said, umiling na lang ko at ngumiti.

Chasing Stars (Chasing #2) - CompletedWo Geschichten leben. Entdecke jetzt