CS 4

49 2 0
                                    

Wrrien's POV

"Guys, uwi na agad kayo ah." paalala ng manager ni Zercata sa amin. It's 12 midnight at ngayon lang natapos yung fan meet niya. Nagulat nga ako na halos lahat ng nasa studio kaninang umaga para sa morning show ay nakita ko pa sa fan meet. Grabe talaga kung paano nila hangganan ang isang ito.

Mga bigatin eh.

"Hoy!"

"Ano?" asar na tanong ko. Kanina niya pa akong tinatawag tapos kapag sasagot ako?

"Wala lang."

Like what the hell? Tama ba yun?

"Huwag ka ng magalit oh, sabay ka na sa'kin." he said.

Tang-ina.

"I think... that's not appropriate. At isa pa? Yun na ang una at huling beses na pupunta ka sa condo ko kasi ayoko ng gulo. Baka sugurin pa ako ng fan girls mo, umalis ka na." pagtataboy ko pa sa kanya kasi nandito pa rin sa harapan ng sakayan yung Trevita niya. Kahit pa naka mask na siya at naka-cap, still? Nakakahiya sa makakakita..

"What? Parehas lang tayo ng way, dali na." anas niya pa pero huli na nang may dumating na taxi kaya agad akong nakasakay at pinabilis ito ng takbo.

Nilingon ko muna siya sa huling pagkakataon kaya napamura na lang ako ng makitang nakasunod ito sa amin at halos pantayan na nito ang taxi na sinasakyan ko.

"Mga kabataan nga naman, nobyo mo ba yun ija?" tanong ni manong kaya automatic akong napailing.

"Hindi ho, boss ko po yun. Masyadong makulit, huwag niyo na lang pong pansinin." tanging nasabi ko. Nakita ko pang natawa si manong kaya ngumiti na lang din ako kasi ayokong maging rude.

Problema ba ng isang yun?

Matiwasay akong naibaba ni manong sa labasan ng condo ko kaya mabilis akong bumaba pero huli na ng harangin na naman niya ako.

"Ano?" asar na tanong ko.

"Bakit ka ba nagagalit?" he asked. He's shouting pero dahil naka-mask siya ay mahina pa rin ang dating sa'kin. I just saw it from his eyes.

"Bakit ka ba nandito?" tanong ko ulit.

"Ngayon ko lang naalala, need ko lang ng maliit na pabor?" he asked. Tumango na lang ako para matapos na to, at makatulog na ako. It's already 12 midnight na tapos pupunta kami ng company bukas ng 8am. Jusko naman, kailangan ko pang mag-update ng story.

"Ano?"

"Can you? Can you grab me Cryrein's latest book?If okay lang sayo? Hindi kasi ako pinayagan ni manager baka pagkaguluhan daw ako sa book store." he said kaya wala akong ibang nagawa kundi ang tumango. 6 am bukas ang release at kung nagkataong kailangan ko pa ngang mag-abang? Ay putang-ina, huwag na. Ang aga kaya nun tapos madaling araw na ako tutulog. Sirang-sira ang aking inipong pahinga.

But then nagulat ako when he bowed to me and say goodbye while waving his hands.

Weird.

On the other hand, I always received  15 pieces of every book before the release. Napaka-swerte mo hinayupak. Tsaka, nakatambak lang din naman sa bahay so wala namang mawawala kung bibigyan ko siya ng isa. Pag-umuuwi nga ako sa probinsya eh nagdadala ako dun ng iba at dun idini-display ng patago kasi hindi naman ako permanenteng nakatira dito.

Pagkadating ko sa loob ay mabilis akong umupo sa harapan ng laptop ko at nagsulat muna ng isang chapter bago matulog. Hindi lang talaga ako mapakali.

---

Chasing Stars (Chasing #2) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon