CS 16

34 2 0
                                    

Wrrien's POV

"What the hell Zaedria Zeverra!? Anong ginagawa mo dito?" gulat na anas ko nang makita kong kasama siya ni Anya papasok ng kwarto namin. Ang paalam niya lang eh kukuha lang siya ng pagkain tapos pagbalik niya? Kasama niya na ang pinsan ko.

Pinsan ko na nawala ng limang taon.

"Gandang salubong naman niyan Rei! Sinabi kasi ni Tita Clera na nandito ka daw kaya pumunta ako dito bago pumunta ng Manila. Dito ako nag lay-over, tsk. FA lang ang peg?"she said. Wala na akong nagawa kundi ang papasukin siya sa loob at pinaupo. Sinenyasan naman ako ni Anya na mag-usap muna kami. Matagal ko na kasi siyang ikunu-kwento kay Anya, hindi ako vocal lalo na sa mga pinsan ko but then, connected pa rin naman kami.

"Tsk. Nagulat lang ako. Bakit kasi hindi ka nagsasabi. Balita ko? Sa isang linggo pa dating mo. Bibisita sina mama at papa sa bahay mo tapos pumunta ka dito. Eh sinong bibisitahin nila dun?" I asked.

"Kaya nga nagsabi na agad ako sa kanila. Hindi nga lang sayo. Parang di kapatid ni Dad si Tita ah."she stated. Kakarating niya lang pala dito sa Pilipinas after niyang tumira sa Michigan ng limang taon. Matagal na panahon din siyang nawala.

Sa lahat ng kapatid nina mama, yung dad lang ni Zaed ang hindi nila kaayos. Sabi nila, marami daw ginagawang illegal at medyo may ugali daw na hindi maganda kaya nga nung pinalayas nila si Zaed, mas masaya pa siya noong mga panahon na yun. Mas nakahinga daw siya ng maluwag.

"Yeah pero diba? Bakit hindi ka na lang sa mansyon tumira? Nandun yung iba nating mga pinsan ah?" I asked. Tsaka nasa Manila na rin naman, at ang kwento sa'kin ni mama eh malapit lang daw. Sina mama naman, kaya nasa Batangas eh nandun ang farm pero karamihan naman nga talaga sa mga pinsan namin tsaka yung kapatid nina mama eh sama-sama dun sa mansyon.

"Mas malapit kasi sa company tsaka babalik din ako ng Manila bukas kasi magsisimula na mission ko the next day." she replied. Napatango-tango na lang ako.

"Ahh..edi na kay Crea pa din company mo?Itutuloy mo pala pagiging detective mo." I commented sabay ngumiti naman siya ng malawak. Proud din ako sa isang ito. 2 years age gap lang kami pero financially independent na siya. May sariling kompanya tapos detective pa.

Yan ang epekto ng kalokohan ng mga magulang niya. Kay Ady niya pa lang nasasabi lahat at tanging mga kwento kwento lang yung naririnig ko. Ang hirap pa man din kausapin ng pulis na iyon.

"Syempre. First love ko yun tsaka masaya kaya. But then, I still have responsibilities there kaya sa umaga eh sa company muna ako then sa hapon, sa station naman ako" she said again. I'm glad na masaya siya kasi sa aming magpipinsan, siya lang yung nagkaroon ng di magandang relasyon sa mga magulang niya.

"Kamusta na sina Crea and Ady?" I asked. Hindi na ulit ako nakakapunta sa gawi nila kaya hindi ko alam.

"Sila pa rin. Biruin mo ang hinayupak na yun? Sa ating magpipinsan? Siya pa yung may pinakamatagal na naging jowa." I commented na may kasamang pagmamalaki. Yun naman ang nakaka-proud sa isang yun.

"Paanong hindi tatagal eh siya palang naman yung nagjojowa. Hamit na hamit ang lokong yun eh." she replied kaya natawa na lang ako. Totoo naman nga. Freshmen palang yata eh pinopormahan niya na si Crea, hindi ko lang sure kung kailan naging sila. Sobrang tagal na rin kasi.

"Pabayaan na natin yun. Dun na lang yun liligaya, tingnan mo naman, napakapabaya noon sa pag-aaral tapos ngayon? Pulis na." she even added kaya sumang-ayon agad ako.

Muntik pa ngang tumigil nun eh.

"Siya nga pala, diba? Hindi ka pa nalantad? My ghad. Ang ganda kaya ng mga novel mo." she opened another topic kaya napangiti na lang ako. Syempre, yung mga pinsan ko ang unang supporter ko sa first love ko . Nakakatuwa nga.

Chasing Stars (Chasing #2) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon