XXIII

79 2 1
                                    

XXIII - SYLVESTRE HEIR'S  DOWNFALL

Ring! Ring! Ring! Ring!

Naalimpungatan si Thoren sa tunog ng kaniyang alarm. Kinapa-kapa niya ang bedtable kung nasaan nakalagay ang alarm clock saka ito pinatay. Napabuntong hininga siya saka idinilat ang mga mata.  Unang bumungad sa kaniya ang kisame ng kaniyang kwarto. Saglit siyang napatulala doon ng may pumasok na alaala sa kaniyang isipan. 

"Wake up! You'll be late." 

Agad siyang napabangon nang marinig ang tinig na iyon. "Nes?" usal niya at inilibot ang mata sa buong kwarto. Pero kahit saan man siya tumingin ay walang Kirsen na nakangiti at ginigising siya. He breathed loudly saka tumayo. 

Laging ganito ang sitwasyon niya pagka-gising. Pakriamdam niya ay lagi niyang naririnig ang tinig ni Nes kada gising niya sa umaga pero tuwing idinidilat naman niya ang mga mata ay walang Kirsen na sumasalubong sa kaniya. Everything was just a product of his imagination. 

Pumasok siya sa banyo at binuksan ang lalagyan ng gamot sa likod ng salamin. Kinuha niya ang isang bote doon at lumabas para kumuha ng tubig na nasa bedtable niya rin. He took a pill from the bottle and ate it. Saka siya uminom ng tubig. Saglit siyang napabuntong hininga bago nagbihis ng pang-jogging at lumabas sa kwarto niya. 

"Kuya, good morning! Saan ka magja-jogging ngayon?" 

Nilingon niya ang nagsalita. It was Tamari, his sister. Hindi na siya muna tumuloy sa kaniyang bachelor's pad. Masyadong maraming alaalang iniwan si Nes sa kaniya doon. Mas gusto niya pa na dito nalang muna sa bahay nila maglagi. 

"Good morning. Dito lang sa subdivision, saglit lang ako at may pasok pa ako." aniya at ngumiti ng bahagya rito.

Paalis na sana siya ng tawagin siyang muli ni Tamari. "Kuya, you know that I will always be here for you, diba?" Natigilan siya bago tumango at walang lingon na lumabas ng bahay. Alam niya kung ano ang tinutukoy ng kapatid at kung siya ang papipiliin ay ayaw niya munang pag-usapan iyon. 

It has been 7 months mula noong umalis si Kirsen papuntang Germany and nothing has been the same again. Lagi niyang kinukulit si Jonson para sabihin kung saan sa Germany nagpapagaling ang kapatid nito pero wala itong naging sagot sa kaniya. Hindi siya nito kinakausap ng matino. 

Sinubukan niya ring magpunta sa Germany pero sa laki ng lugar ay hindi niya talaga mahahanap ang babae. Wala rin siyang nagawa kundi ang umuwi sa Pilipinas ng walang dalang bagong balita. 

Sinuot niya ang earphones at nagplay naman ang music. Nilakasan niya ito at nagsimulang tumakbo mula sa kanilang sa maikot niya ang usual na pinagja-joggingan niya. Saglit siyang nagpahinga sa ilalim ng puno sa may park at naupo. Habol habol niya ang hininga at pawisan. Kinuha niya ang tubig sa kaniyang running bag. 

Hinanap naman niya ang towel niya pero kunot-noo na siya nang mapagtantong hindi niya nailagay ang towel sa running bag. Bumuntong hininga siya at tatayo na sana ng makita niya ang isang tuwalya sa harapan niya. Ngunit may kamay na nag-aabot nito. Pag-angat  niya ng tingin ay isang nakangiting mukha ni Leila ang bumungad sa kaniya. 

Tipid na nginitian niya ito at inabot ang towel na bigay nito sa kaniya. "What brings you here, Lei?" 

Umupo naman ito sa tabi niya, "Hinanap ka. Alam ko kasi na kapag ganitong oras ay nagjajogging ka." 

Hindi naman siya umimik sa tinuran nito. Tiningnan niya ang relo sa kamay at nakitang 6:30 AM na kaya walang pagdadalawang isip siyang tumayo. "I guess I have to go. Salamat sa towel." saka siya tumalikod pero nahawakan naman ng babae ang braso niya. Tiningnan niya ang brasong hawak hawak ng babae. 

Dear Marco ✅Où les histoires vivent. Découvrez maintenant