XIV

80 3 0
                                    

XIV - TOYED



"OWN me like you want me. I want you to do just that." Anito sa kaniya at hinawakan ang labi niya.

She traced his lips using her finger. Nararamdaman niyang bumibilis ang kaniyang paghinga. Was it anticipation? He didn't know.

"Why are you doing this, Nes?" Tanong niya sa dalaga. Ngumiti naman ito sa kaniya at ang daliring dumadama sa labi niya ay naging palad na marahang humahaplos sa mukha niya.

"Because I want to leave knowing that I had you first. That you were mine first."

Bahagyang kumunot ang noo niya. "Sinasabi mo lang iyan, Nes. You don't really mean it." Saka niya ito marahang nilayo sa kaniya.

Lalaki siya. Gusto niya rin kung ano man ang gustong gawin ni Nes pero hindi niya sasamantalahin ang lungkot nito. Alam niyang sinasabi lang ito ngayon ng dalaga gawa ng lungkot nito sa sinabi niya kaninang liligawan niya na si Leila.

"Oh, I get it. You don't want me. Okay, okay. I won't force you. I already forced myself into your life. Pati ba naman sa ganito." Mahinang tawa ang pinakawalan ng dalaga. "Pathetic," bulong nito sa sarili na hindi inaasahang maririnig niya.

Nilapitan niya ang dalaga. Umiwas naman ito. "Stop. Just...stay where you are. Aalis na ako, Marco."

Hindi naman siya makagalaw sa kinatatayuan. Hanggang sa makalabas na ang dalaga sa kaniyang kwarto ay wala siyang naging reaksyon. May panghihinayang sa kaniya kung bakit hindi niya man lang pinatagal ang dalaga sa tabi niya.

Umupo siya sa kama niya habang sapu-sapo ang ulo. Sumasakit ito sa dami ng iniisip niya. Mula kay Leila hanggang kay Nes. He feels like a jerk involving two girls in his life.

Biglang nahagip ng mata niya ang food container na nasa lamesa. Mukhang iniwan ito doon ng dalaga pagkarating na pagkarating. Walang plato tanging ang food container lamang ang naroroon. Kumuha siya ng kutsara bago tinikman ang luto ng dalaga.

Bigla niyang naibaba ang kutsara at nilingon ang pinto. He missed her all of a sudden. Nagmamadali siyang naglakad palabas ng condo. Alam niyang may posibilidad na wala na ito doon paglabas niya pero hinabol niya parin ito sa labas. Tinanong niya ang guard kung may babae bang naka-maskara ang lumabas pero sabi nito ay wala. Naisip niya na baka tinanggal ng babae ang maskara paglabas ng condominium niya.

Oo nga naman. What the hell happened to him bakit hindi niya agad naisip iyon? Hindi na ba gumagana ang utak niya?

Lupaypay at hapung-hapo siyang bumalik sa kwarto niya. His dark room suddenly felt empty kaya binuksan niya ang ilaw. He missed the feeling of being comfortable with the darkness. That's what she makes him feel. Bigla ay may napagtanto siya.

He...fell for that damn woman.

Nahulog ang loob niya sa babaeng ni minsan hindi niya nakita ang mukha at hindi niya alam ang buong pangalan. Nahulog ang loob niya sa salita nito. Sa pananaw nito sa buhay at sa simpleng pakilala nito sa kaniya habang nagkakasama sila tuwing gabi 

Hindi siya kumain at inilagay na na lamang sa ref ang dala ni Nes na pagkain bago mabigat ang dibdib na humiga sa kama at pinilit matulog.

Dear Marco ✅Where stories live. Discover now