III

204 11 0
                                    

III - Kiss

PARANG nilalagari ng sampung tao ang ulo niya ng sabay sabay. To say that it's aching would be the understatement of the year. Plus, the blinding lights of the damn room didn't help his headache.

"Sana naman magtanda ka na at hindi mo na ulitin ang pag-iinom, kuya. What were you thinking?"

Dinilat niya ang isang mata at nakita na nakapamewang ang bunsong kapatid niya sa kanya. Tabitha Marielle Sylvestre. The spoiled brat of the family. Partly, it was because of them.

"Not now, Tamari. I'm not feeling well." He said in gritted teeth.

He loves his sister but if she continues to be this annoying he would kick her out of his room.

"And who's fault is that?! This is so not you kuya. What's the matter?" Pangungulit pa nito.

He gritted his teeth a little too much. "Damn it! I said not now! Get out of this damn room if you have nothing else to say!" He yelled.

Halatang nagulat ang kapatid at kahit naman siya ay nagulat din. Ni minsan di niya pa nasisigawan si Tamari and this would be the first time. Naisip niya na okay lang 'yon kasi nasosobrahan na ang kapatid pero ng murahin siya ni Tamari at padabog na lumabas ng kwarto niya ay napagtanto niyang mali nga siya.

Maybe he went a little too overboard. Or not a little. A lot. And he's in a lot of trouble.

**

"Ouch! Mom!"

"Ouch mom!? Ouch. Mom?! Tumigil ka. Ano bang nakain mo at naginom ka na parang lasenggo? Hindi ka naman ganyan Thoren Marco! Natututo ka na ngayon? Kung kelan ka tumanda?! Talagang nagkalat ka pa sa labas. Nang ihatid ka ng mga kaibigan mo rito, sabi nila nag-amok ka pa daw sa labas! So feeling mo, astig ka na!? Aba!"

Napangiwi siya sa sigaw ng mommy niya. Parang armalite na pinaratratan siya nito. Akala niya ay mas maingay ang kapatid niya pero nakalimutan niya ang nanay niyang buhay at naglalakad na armalite nga pala pag nagalit.

He loves his mom pero God, can she shut up? Masakit na ang tenga niya dahil magiisang oras na siyang sinisigawan ng mommy niya.

"Mom, drop it. He's not even listening to whatever your sprouting."

Napalingon ang mommy niya sa dumating. Theo Mikael Sylvestre. His brother.

"Mom, I'm a grown up man. You can't be this upset just because I got drunk. This is normal for people my age. I'm an adult and you can't keep on treating me as if I'm still that 2 year-old child you raised alone."

Nanlaki ang mga mata ng nanay niya at napatingin sa may bandang likod niya. Nilingon niya rin ang tinitingnan ng nanay niya at nakita ang daddy niya.

Shit. Wrong choice of words.

"Don't feel guilty. Most people who are on the influence of alcohol are the ones who tell the truth. And I can see you still have an issue about what happened a long time ago." Seryosong saad ng daddy niya at lumapit sa kanya.

"Thoren..." her mother warned. Gaya ng ginagagawa nito nung bata pa siya.

"Sorry dad. I'm not on my best attitude right now."

"I know. Rest, son. Let's talk tomorrow." Saka siya nito nilagpasan.

Napapikit siya. Okay inaamin niya mali siya sa parteng iyon. Pero sino ba naman kasi ang matino kapag nakainom? Wala naman diba? Lalo na kapag may matinding hang over at wala ng ginawa ang mga tao sa paligid kundi bungangaan siya.

Umalis na siya sa pwesto niya at lumabas na naman ng bahay. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Hindi siya nagdrive dahil baka madisgrasya lang siya sa sakit ng ulo niya. Naglakad-lakad lang siya sa subdivision nila.

Hindi niya namamalayang napunta na pala siya sa park ng subdivision nila. That morning, walang mga bata o kahit sino mang tao sa lugar na iyon.

Maliban sa isa.

Napatingin siya sa babaeng nakaupo sa swing. Kahit saan siya mapunta o kahit gaano kasakit ang ulo niya, kilalang kilala niya ang bultong iyon.

Leila.

"Leila..."

Narinig niyang napasinghap ang dalaga bago siya nilingon. Hilam ng luha ang mga mata nito. Parang nawala ang kalasingan niya at nagtagis ang kanyang bagang ng makitang umiiyak nga si Leila.

"What happened?"
"What are you doing here?"  Magsakabay pa silang nagtanong sa isa't isa. Umupo siya sa swing na katabi ng inuupuan nito.

"Gusto kong malinawan. How about you? Malayo na ito sa inyo Leila. What are you doing here?" Usisa niya.

Pinunasan muna nito ang luha na kumawala sa mga mata bago bumuntong hininga. "I wanted to be alone. I want to think."

Umiwas siya ng tingin at tumayo. "I see." Bahagyang kumirot ang dibdib niya. Alam naman niya. Kahit na hindi sabihin ng kaharap ng diretsahan, ayaw siya nitong makasama.

Lalakad na sana siya ng bigla siyang hawakan ni Leila sa kamay. Nag-angat na rin ito ng tingin at ngumiti ng tipid sa kanya. "I said 'wanted'. I don't mind some company now."

Nanatili siyang walang imik at nakatingin sa kamay niyang hawak ni Leila. Mukhang nakahalata naman ito kaya agad na bumitaw. He felt empty all of a sudden. Damn, he thought.

"So? Gusto mong manatili ako dito. You have to talk, you know?"

Natawa si Leila at sinulyapan siya. "It's a stupid problem, really."

"We have our different kinds of problem. And I believe that no problem is stupid. So what is it?" Usisa niya pa. Di muna sumagot si Leila at nanatiling nakatingin sa unahan nila. Malayo ang tingin at naglalakbay ang utak.

"It's about kuya." Sagot nito pagkatapos ang ilang minutong pananahimik.

Natapango naman siya. "Your kuya is being an asshole."

"And a brat. And he's hurting our parents with his rebellious attitude."

"Hmm..."

"You see, I don't think na reasonable na magrebelde siya sa mommy ko dahil lang nalaman niya na hindi naman talaga si mommy ang mommy niya. Pinaglalaban niya na taksil si daddy sa mommy niya dahil lang sa hindi sila kumpleto. But I know the story, inakit lang naman ng mommy niya si daddy eh. He should be thankful na tinanggap pa siya ni mommy! Tapos sinasaktan niya ng ganito si mommy. How dare he?" Mahabang litanya ni Leila sa kanya.

Bahagya siyang nagulat. Hindi niya naimagine na may ganitong saloobin si Leila sa kuya niya. And her words...it's a bit harsh actually. Parang nagtitimpi lang si Leila noon at ngayon niya lang nailabas ang kinikimkim na sama ng loob sa kapatid nito.

"Turn off ka na? I'm not the angel that you all thought I was." Nag-iwas ito ng tingin.

Hindi niya alam pero hinawakan niya ang baba ni Leila at iniharap sa kanya, "I don't care, Lei. Your flaws makes you human. You're still an angel for me."

Parang nahihipnotismong nagkalapit ang mga mukha nilang dalawa hanggang sa maglapat ang labi nila. Slowly, he moved his lips na agad namang nasundan ni Leila.

They were both gasping for air when they separated from each other.

Tumayo si Leila at napailing. "I'm sorry this is wrong." Saka ito tumakbo paalis.

Kahit siya ay naguguluhan pero hindi maitatanggi na masaya siya. Alam niyang may nararamdaman sa kanya si Leila, hinalikan siya nito pabalik. It has to be something.

Nangingiting tumayo siya at naglakad para sana sundan si Leila ng biglang liparin ang isang pamilyar na envelope papunta sa kanya. Nahulog iyon sa paanan niya mismo. Biglang kumabog ang dibdib niya pero hindi dahil sa takot. Dahil sa excitement.

Inilibot niya ang paningin para sana makita kung sino ang nagbibigay sa kanya nitong mga sulat na ito. This has to stop. Dahil hindi siya pwedeng matuwa dahil sa dalawang babae. Isang nakikita, at isang ayaw magpakita.

Dear Marco ✅Where stories live. Discover now