XI

87 8 0
                                    

XI - FAMILIARITY

NAKITA na lamang niya ang sariling nakatayo sa naglalakihang gate ng bahay ng kaibigang si Jonir. Hindi niya alam kung anong nakain niya at bigla na lamang may nagtulak sa kaniya papunta rito.

Ah, no. That's not right.

Iisa lang naman talaga ang nagtulak sa kaniya na magpunta rito. Kagabi habang kasama niya si Nes. Biglang pumasok sa isipan niya ang mukhang kawangis ng dalaga.

Si Kirsen.

Pero kapag iniisip niya ang boses at galaw ng mga ito, malayong malayo ang dalawa sa isa't isa. Napahilamos siya ng mukha gamit ang kamay niya. Pakiramdam niya kasi ay pamilyar talaga sa kaniya ang bulto ni Nes.

Bago pa man siya makapag-isip ng kung anu-ano ay nakarinig siya ng boses mula sa loob ng gate.

"Toreng? Anong ginagawa mo rito?"

Agad siyang napalingon sa may gate at nakitang nakasilip ang nagtatakang mukha ni Kirsen. Mukhang nagtataka ito kung bakit nakatayo lang siya sa tapat ng gate ng bahay ng mga ito ng umagang umaga.

"Pasok ka! Pasok! Hinahanap mo ba si Jonson baby powder?" Tanong nito at pinagbuksan siya ng gate. Hindi na niya itinanong rito kung bakit ito ang nagbubukas ng gate para sa kaniya sa halip na ang guard nila.

His childhood friend is very eccentric. Ganun siguro talaga kapag mga talented may kakaibang katangian din.

Sinuyod niya ng tingin ang dalaga habang naglalakad sila. Gustuhin man niyang isipin na ito ang nagbibigay ng sulat sa kaniya ay mukhang malabo.

Gaya ng dati nitong get-up ay nakasuot ito ng t-shirt na may mantsa ng pintura at naka-maong na jumper. Alam niyang mahilig mag-jumper ang kababata simula pa man noong maliliit pa sila. Dito ito kumportable.

Naka-tirintas di ang buhok nitong magulo. Napansin niya ring kulot ang buhok nito. Kagaya ni Nes. Ang pinagkaiba lang ay ang buhok ng kababata ay parang kinalahig ng manok samantalang ang buhok naman ni Nes, bagama't kulot tila alon naman itong nakapatong sa balikat ng dalaga.

Napabuntong hininga siya. Baka talagang iniisip niya lang ang koneksyon ng dalawa. Hindi niya rin naman pwedeng pagbasehan ang buhok dahil kulot din si Leila. Pati na rin ang kapatid ng mga kaibigan niyang si Jacobo at Poseidon na si Mackenzie ay kulot din ang buhok. Hindi naman niya pwedeng paghinalaan lahat ng kapatid ng mga kaibigan niya.

Maraming babaeng nakapalibot sa kaniya. He had acquaintances, lalo na sa office kung saan may mga party siyang dinadaluhan para lamang sa publicity at para makapag-establish ng mga business deals. Hindi na bago na maraming babae siyang nakakausap at nakakasalamuha.

He's also polite to girls kaya madalas siyang mapagkamalan na playboy kagaya ng mga kaibigan niya. Although that's far from the truth.

"Grabe ka naman makatitig sa akin, Toreng. Pakiramdam ko ako yung mga subject ko sa painting." Biro nito sa kaniya. Napakamot naman siya ng batok saka napatawa sa tinuran ng kababata.

"I'm sorry, may naisip lang ako."

"Ay nako!" Sigaw nito sa kaniya. Bahagya siyang napangiwi sa lakas ng boses ng dalaga. Very different from Nes. "Alam ko na 'yan kapag ganiyan. Babae iyan ano? Naku. I hear wedding bells." Nakangising aso ito sa kaniya habang kinakantsawan siya.

Nilapitan niya ito at ginulo ang buhok nito na parang aso na siyang ikinasimangot nito sa kaniya at tinapik ang kamay niya. "Kamay mo, unggoy!"

"Ewan ko sa'yo! Magpakababae ka nga para magka-boyfriend ka naman." Siya na naman ngayon ang nang-aasar dito.

Sirang sira ang mukha ng dalaga na para bang sukang-suka ito sa isiping ikakasal ito pagdating ng panahon. "Una sa lahat, walang lalaking kasing gwapo ng mga ipinipinta ko. Ngayon kung may makita akong mas pogi sa mga bebe ko ay saka palang ako mag-aasawa."

Ngumiwi naman siya sa deklarasyon nito. "I hope you're aware na walang mukha kalimitan ang mga lalaking ipinipinta mo?"

"Ah. Wala ba?"

"Wala." Aniya at may munting ngiti sa labi niya. Minsan talaga ay masyadong ...uhm. Ano ba ang dapat niyang itawag sa dalaga? Inosente? Ignorante? Parang ganoon na nga. Masyado itong walang alam at minsan he finds her cute. Para na talagang kapatid ang turing niya rito.

"Manang nasaan po  ba si Jonson baby powder?"

"Umalis po, ma'am."

"Hala!" Anito at nilingon siya. "Abnormal talaga yung kapatid kong iyon. Bigla bigla na lang nawawala, e. Naku pasensya ka na, Toreng ha."

Umiling siya. "Wala 'yon. May itatanong lang naman sana talaga ako sa kaniya." Kahit wala naman. May gusto lang talaga siyang ikumpirma pero 80% ay naniniwala siya na hindi si Kirasen si Nes. Mahirap magpanggap na para bang dalawang magkaibang tao ka kung sakali mang si Nes talaga si Kirsen. At sa sobrang inosente ng kababata, alam niyang hindi ito ang hinahanap niya.

Pero paano kung kakilala nito ang babaeng hinahanap niya?

Inilabas niya ang isang envelope na nasa kaniyang bulsa. Iniabot niya ito sa dalaga. May pagtatakang tiningnan naman ng dalaga ang envelope na iniabot niya.

"Ano 'yan? Para sa akin?"

Ngumiti siya ng bahagya, "Nope. Sa akin iyan."

Nagulat naman ito at tiningnan siya ng mapang-akusa. "Pero pambabae ang envelope na iyan, Toreng..."

Nalukot ang mukha niya sa pinaparating ng dalaga bago niya ginulo ang buhok nito na siya naman ikinareklamo ng huli.

"Siraulo," aniya. "Binigay sa akin 'yan ng isang babae. Hindi ko alam kung sino siya. Nagbabakasakali lang ako na baka alam ni Jonir."

"Naks! Famous naman pala," anito sa kaniya at binangga bangga siya gamit ang siko nito. Napangisi siya ng bahagya at napailing iling nalang.

Tumigil ito saglit bago kinuha ang envelope at inikot ikot. "Teka..."

"Why?"

"This looks familiar. Parang yung collection ni..." Bigla itong tumigil at hinawakan ang labi saka lumingon sa kaniya.

May kung anong excitement siyang naramdaman. "Kilala mo ang mag-ari  ng envelope?"

Nagkibit-balikat naman ang dalaga, "Oo ata. I mean, nakita ko si ano na may ganyang collection. Nung highschool pa siya."

Hindi nakaligtas sa kaniya ang pagtatago nito sa kaniya ng pangalan. Kilala ito ng mga tao sa paligid niya? Bakit siya hindi niya kilala? Even Kirsen who usually stays at home is familiar with it.

"Sino siya?"

Gulat itong napatingin sa kaniya, "Hindi mo siya kilala? Weh?"

"Hindi nga!" There was a tinge of impatience in his tone.

"Well..." Anito. "Si Leila ang nakita kong may ganitong envelope. Nangongolekta ata siya ng ganito e."

Si...Leila?

Dear Marco ✅Where stories live. Discover now