X

100 7 0
                                    

X - NES


HER palm was still on his eyes but he didn't mind it at all. Hinawakan niya ang leeg ng babae upang mas palapitin ito. She was so into the kiss but he suddenly stopped.

"W-Why?" tanong nito sa kaniya.

Umiling siya. "I can't do that to you. Yet. Let me get to know you at least,"

Hindi naman agad nakaimik ang babae sa kaniya. Akala niya ay naoffend niya ito pero seryoso siya ng sinabi niyang gusto niya itong kilalanin. He's not in a rush.

Bigla niyang naramdaman ang pagyapos ng dalaga sa kaniya. Bahagya siyang natigilan sa ginawa nito. Narinig niya ang mahinang tawa nito.

"Then you ask me why I like you?"

Napangiti na lang din siya sa sinabi ng dalaga. Kahit pa walang nangyari o mangyayari sa kanila ay gusto niyang makasama muna ang dalaga. He's interested.

"I can't stay," anito sa kaniya. "But I'll be back."

"When?"

"Whenever you want me to." May pinaamoy ito sa kaniya. Unang rumehistro sa kaniya ang mabangong amoy nito bago ang antok na biglang sumakop sa kaniya.

Ipinikit niya na ang kaniyang mata dala ng antok.

**

HIS nights were spent just like that. Kapag umuuwi siya mula sa trabaho ay naaabutan niya ang dalaga sa kaniyang condo. Halos hindi na siya umuuwi sa kanila at nagiging dahilan na lamang niya sa kaniyang mama ay marami siyang ginagawa.

May mga gabing umuuwi siya na nakapagluto na ang dalaga. Then she'll set up the table and the candles serves as their main source of light.

He may not say it out loud but going home with somebody waiting for him sounds like a good plan for the future. Napailing siya sa naisip. Masyado pang maaga.

Pero hindi miminsan lang niyang naisip na para silang nagbabahay-bahayan. Ang pagkakaiba lamang ay madilim ang paligid at hindi niya kilala ang kasama.

Speaking of, "We've been doing this for days pero hindi ko pa rin alam ang pangalan mo. Pati ba 'yon hindi pwede sabihin?"

Bahagyang natawa ang dalaga sa kaniya, "Yes. Kind of."

"Oh,"
"But you can call me Nes."

"Nes? Is that your name?" Tanong niya rito. Probing for clues to her identity.

"Hmm. Not really but you can call me that. Kesa naman lagi kang nag-aalangan kung anong itatawag sa akin." Nakita niya sa mumunting ilaw ang magandang ngiti ng dalaga.

Napatitig siya rito.

Matagal na niyang napapansin na walang ginawa ang maskara upang pagtakpan ang ganda ng dalaga. Kitang kita ito sa makinis nitong balat. Ngunit sa lahat ay gustong gusto niya ang mapupula nitong labi. Alam naman niyang may kolorete o lipstick ang labi ng dalaga pero imbes na mandiri siya ay mas humahanga pa siya sa pagkadepina ng labi nito.

"Can I kiss you?" He blurted out all of a sudden.

Mukhang nagulat naman ang dalaga sa sinabi niya at hindi agad nakaimik. He was silently cursing his stupid mouth for blabbering nonsense. Stupid!

"Why...are you still asking for permission?"

Mahina lamang ang boses ng dalaga pero dahil napakatahimik ng paligid nila ay naging tila isang sigaw iyon para sa kaniya.

He didn't move immediately. Inaantay niya ang pagbawi nito sa sinabi pero mukhang inaantay lang din siya ng dalaga.

Tinawid niya ang distansya nila sa maliit na lamesa bago sinakop ang labi ng dalaga. The food in the table was forgotten.

Naghiwalay lamang ang labi nila ng kapusin na sila ng hangin. At dahil magkalapit ang mukha nila, natitigan niya ang mga mata ng dalaga. He was captivated by those tantalizing eyes of her.

May mukha na biglang pumasok sa kaniyang isipan. Napalayo siya saglit habang tinitingnan ang dalaga. Mukhang nagtaka naman ito sa inakto niya.

She looks like...

"Marco? May problema ba?"

Tinitigan niya itong muli bago umiling. "Wala naman. Let's eat?"

Dear Marco ✅Where stories live. Discover now