XII

80 7 0
                                    

XII - SKINNY LOVE



HE was so damn confused. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan lamang siya ng nasa paligid niya. Umamin si Leila na siya ang sumusulat sa kaniya tapos may isang Nes na nagpakilala sa kaniya. Sino ba talaga sa kanila ang totoong sumusulat sa kaniya? 


"T-Toreng? Okay ka lang ba? You're making a scary face," narinig niyang saad ni Kirsen sa kaniya. 


Winala niya ang nakasimangot na mukha bago pagod na nginitian ang dalaga. There was an uncertainty in her eyes. Lumambot lalo ang ekspresyon ng mukha niya at ginulo ang buhok ng dalaga gaya ng madalas niyang gawin. 


"Sigurado ka ba na si Leila ang may ganitong collection ng envelope?" 


Ngumiwi naman si Kirsen, "Parang eh. Matagal tagal na kasi 'yon nung huli kong makita ang mga collection niyang envelope. May mga iba't ibang klase rin siya ng scented paper. Napansin ko lang 'yon nung sabay kaming bumili sa isang art shop noon." Tumango tango lang siya saka nagpaalam na sa dalaga. 


Habang nasa sasakyan ay punong-puno ng katanungan ang isipan niya. Sino ba talaga ang sumusuat sa kaniya? Si Leila ba o si Nes? Kung si Nes man ang totoo, sino ba talaga si Nes?  At kung si Leila naman, ano ba ang gusto nitong mangyari? 


Alam niya sa sarili na ilang taon na siyang humahanga sa anak na ito ng kaibigan ng mama niya at kapatid ng kaibigan niya na si Jordan. Alam niya sa sarili niya na matagal na niyang gusto si Leila. Pero aaminin rin niyang kung ang dalaga nga ang sumulat sa kaniya ay hindi niya maiiwasang mawalan ng gana. 


Nakakalalaki ang ginagawang panloloko sa kaniya ng may-ari ng mga sulat. Nandoon na siya sa isiping ayaw nitong magpakita sa kaniya gawa ng takot na baka ireject niya ito. Hindi ba't ganun naman lahat ng taong nagkakagusto sa mga taong walang nararamdaman sa kanila? Hindi maiiwasan na matanggihan. 


Ipinarada niya ang sasakyan sa tapat ng cafe na pagmamay-ari ni Leila. Kakausapin niya na ngayon ang dalaga. Kailangang masagutan ang mga tanong na gumugulo sa kaniya. Hindi niya na rin ata mahihintay ang isang buwang sinasabi ni Nes. Isa pa, may dalawang linggo na lamang ito bago dumating ang sinasabi nitong araw kung saan malalaman niya ang lahat. 


Nakita niya ang dalaga kahit nasa labas pa lamang siya ng shop nito. Akmang papasok na sana siya ng nakita niya si Rafa at ang dalagang lumapit sa isa't isa. Umupo ito sa may gilid. Tila ba nagtatago o iniiwasang makita ng iba. 


Sa hindi malamang dahilan ay hindi muna siya pumasok. Sumandal siya sa sasakyan at tinitigan ang dalawa. His place at the moment is not exactly discreet but the two of them seems to be very consumed by their own little bubble. 


He knows Rafa is a flirt pero iba ang trato nito sa mga babae na malapit dito. Alam niyang isa si Leila doon. Nakita niyang hinawakan ni Rafa ang kamay ni Leila at umiling. Hindi nakarahap sa kaniya si Leila kaya't hindi niya makita ang reaction ng dalaga. 


Bahagya siyang nakaramdam ng kung ano sa dibdib niya. May gusto ba si Rafa kay Leila? 


Nahagip ng mga mata ni Rafa ang pwesto niya. Bigla itong napadistansya kay Leila. Walang ngiti na makikita sa mukha nito. It doesn't look like his friend at all. Hindi na rin maipinta ang mukha niya. Napagpasyahan niyang tumayo mula sa pagkakasandal sa sasakyan niya at pumasok sa shop. 


Nakatingin sa kaniya ang dalawa. Walang ngiti sa mga mukha ng mga ito. He coldly smiled, "What's with the frown?" saka siya umupo sa upuan sa pagitan ng dalawa. Pinagkrus niya rin ang mga braso. "Great to see you here, Rafael. You've been out of the radar lately." 


"Yeah, man. I got busy." anito. 


Only Leila addressed their current situation. "So why are you here kuya Marco? It's very unusual..hmm.. well not really since you used to stay here. In fact, you're the one who's been out of radar lately. What's up?" 


Hindi makapaniwalang tinitigan niya ang dalawang taong nasa harapan niya ngayon. Kung makaakto para bang walang kaalam alam ang mga ito sa rason kung bakit siya nandito ngayon. 


"So, why are you here?" 


"Stop fucking with me. Just tell me who the fuck is sending those damn letters," pikon niyang saad sa mga ito. 


Mukhang nabigla naman ang dalawa. Who wouldn't? He was always patient. Pero pakiramdam niya kasi mula ng makatanggap siya ng sulat ay pinagkakaisahan na siya ng mga taong nasa paligid niya. 


"M-Marco...I..."

"Sabi ni Kirsen, ikaw daw ang may-ari ng envelope." aniya rito. "She told me you collect these envelopes." saka niya pabagsak na inilapag ang isang envelope na dala dala niya. Ito rin ang parehong envelope na ipinakita niya kay Kirsen. 


Kumunot naman ang noo ni Rafael, "Sino kamo ang nagsabi na kay Leila ito? Si Kirsen?" hindi nakaligtas sa kaniya ang pasimpleng sulyap ni Rafael sa envelope. 


"Rafa," tawag niya rito. "Alam kong kilala mo kung sino ang sumusulat sa akin. And I know that's the reason why you avoid talking to me. Naaalala ko pa ang reaksyon mo ng makita mo ang envelope noon." 


Tinitigan siya ni Rafa bago ito bumuntong hininga at nahahapong tumango. "Yes. Alam ko." 


"Sino siya?"


Nilingon ni Rafa si Leila. May kung ano sa mga mata neto habang nakatingin sa babae. Hindi rin niya nakaligtaan ng makahulugang tingin ni Leila sa mga mata ng binata. Parang may gustong sabihin. 


"Why don't you ask her, Thoren?" 

"Ask who?" 

"When did you become stupid, man?" ani Rafa at nginuso si Leila na hindi na makangiti. "Why don't you ask her kung sino ang sumulat ng mga iyon?" saka ito tumayo at walang paalam na umalis. Leaving the two of them alone to talk. 


Nilingon niya ang dalaga na ngayon ay nakayuko na. Naalala niya pa na sinabi nito na ito ang sumulat pero papaano ang babaeng nagpakilalang si Nes? Ang babaeng nakasama niya ng ilang araw na tuwing gabi? Sino ba talaga ito? At bakit siya pinaglalaruan ng mga tao sa paligid niya? 


"I-I'm..." napalunok si Leila. Before she defiantly raised her head and stubbornly stared at him. "Is it important? Akala ko ba gusto mo ako?" 


Nagulat siya sa sinabi ng dalaga. "Leila..."


"Kung gusto mo talaga ako bakit mo hinahanap ang ibang babae sa akin? Do you even like me, kuya Marco? Do you really love me?" 

Dear Marco ✅Donde viven las historias. Descúbrelo ahora