I

494 20 2
                                    

I - The First Letter

SLAP. Napangiwi si Marco ng biglang may lumapit sa kanya at sinampal siya. Naghalakhakan naman ang mga kabarkada niya. Jonson and Rafael are laughing their asses off while Jacobo and his brother are just smiling. Minasahe niya ang pisngi at nilingon ang babae.

"Miss, what's wrong with you?" He gently asked.

"Paasa ka kasi! Hayop!" Saka ito umalis. Lalo namang naghalakhakan ang mga kaibigan niya and this time nakisali na ang kapatid niya.

"Pang-ilan na ba yan?" Natatawang tanong ng kapatid niyang si Theo. Sinamaan niya ito ng tingin. "Shut up."

"It's his fifth slap for three days. Wow!" Parang kinikiliti naman ang kaibigan niyang si Rafael kakatawa. Sinamaan niya ito ng tingin at tinapunan ng tissue, "Shut up, Asshole!"

"What's with the commotion?" Napatingin sila sa bagong dating. Jordan de Vera.

"My friend! Where have you been?" Tanong ni Rafael sabay akbay kay Jordan. Inalis ni Jordan ang nakaakbay na braso ni Rafael sa kanyang balikat. "Somewhere."

"Masyado kang nagriribelde. Intindihin mo nalang ang mommy mo." Aniya at ininom ang beer. Damn that slap still stings.

Jordan scoffed, "Mommy? She's not my mother."

"Jordan, tita Leann actually cared for you." Ani kapatid niya.

Pabalyang tumayo si Jordan, "Did you invite me here to lecture me? Then, fuck you but no thanks." Saka ito tumayo at umalis. Tiningnan nila ito.

"Malala na ang isang 'yon." Ani Rafael.

"He's being stupid," Saad naman ni Jacobo. "Bakit siya lang ba ang di tunay na anak sa mundong ito?"

"Oh shut it, you faggots! We're here to celebrate and not talk about our problems so enjoy!" Ani Rafael na agad na sinang-ayunan ng iba. Napabuntong hininga naman siya. He's Twenty six turning twenty seven. He doesn't have a steady girlfriend yet and his mother is being irritating.

Eto lang ang naisip niya ang magyaya sa barkada at maghanap ng babae. But of course, why did he even trust his friend? Talagang sa bar siya nito dadalhin. He's not here to flirt or get laid he needs to find a woman to present to his mom.

"Hoy, Toreng!" Napalingon siya sa nagsalita at nakita ang isang undefined creature na papalapit. "Kirsen?" Ang kakambal ni Jonson na hindi mo maintindihan kung babae ba o lalaki dahil sa pananamit.

"Asan ang kapatid ko?" Tinuro niya naman ang pwesto ng kapatid nito.

"Salamat!" Saka ito umalis at pinuntahan ang kapatid. "Hoy Jonson baby powder! Bakit mo kinalimutang sunduin si Nerissa?! Eh kung napano ang kapatid natin?! Gago ka ba?"

"Shit! I forgot!" Napailing na lang siya. Sinula't sapul ganyan talaga ang magkapatid na yan. Mas malala pa kung naririto ang bunso nilang brat.

"Lagot ka talaga kay mommy! Naku ka!" Natawa naman agad siya sa narinig niya. Kung may isang kinatatakutan ang kaibigan niya, ang ate niya iyon at ang mommy nila.

"Ate! Wag mo akong isumbong. Hindi ko naman sinadya!"

"Ngayon, ate mo na ako? Kasi may kailangan ka? Mangga ka talaga! Manggagamit!"

Iniwan na sila ni Marco dahil naiingayan siya sa dalawa. Bigla siyang may nakitang pamilyar na pigura.

"Leila?"

Ang anak ng tita Leann niya at ng tito EJ, kaibigan ng mama niya. Ang kapatid ng kaibigan niyang si Jordan. At ang babaeng minamahal niya.

It was also the reason why he can't find a girl for him because he was in love with his friend's sister.

Bata pa lang si Leila. Masyadong bata kumpara sa kanila. Sa tingin nga niya ay nasa 19 pa lang ang babae. Pero hindi na naman iyon importante.

Anong ginagawa ni Leila sa ganito kadilim na lugar at kalalim ng gabi? Parang naggaling kasi ito sa bar na pinanggalingan niya. Nakita niyang napalingon ito sa kanya. Nagkatamaan ang mukha nila. Nanlaki ang mga mata nito saka nagmadaling pumasok sa kotse at pinaharurot ito paalis.

"Leila, wait!" Tawag niya pero hindi na niya naabutan ang dalaga.

Napabuntong hininga na lamang siya at naglakad papunta sa kotse niya. Hindi na siya babalik. Tutal hindi naman matino ang mga kasama niya doon.

"Huh?"

Napatigil siya ng makita ang isang letter na nakasuksok sa bintana ng kotse niya. "What the?" Nagulat siya at napalingon lingon. Wala namang ibang tao dito dahil nasa bar na lahat. Maliban kay---

"Leila?" Tapos tiningnan niya ulit ang letter.

"Dear Marco," basa niya sa entrada nito. The letter is really for him. Hindi niya naman kilala kung sino ang nagbigay nito dahil hindi naman sulat-kamay. Typewritten ang letter.

"Hindi ako kagaya ng ibang tagahanga mo. I can't let you see me. I can't let you know that I adore you. At lalong lalo na ang ipaalam sa'yong matagal na kitang mahal. Pasensya na, Marco."

He knew it was rude. Yes. Very rude pero kasalukuyan siyang tumatawa pagkatapos niyang basahin ang nilalaman ng nasabing letter. It was a love letter for him. Ano bang era ipinanganak ang admirer niya at talagang nagsulat pa ito ng letter? Hindi ba nito alam na pwede ng lumapit sa nagugustuhan mo without giving a letter?

The sender could've just told him frankly that she loves him.

"Or... maybe the sender did this because he's a he?" He cannot imagine a gay admitting his feelings for him seriously. May kakilala siyang bakla, ang isa sa anak ng tita April niya ay bakla, si Chester. That's why he's cool with gays pero kung aamin na sa kanya ay tatanggihan niya ito, he's as straight as a ruler.

Pinagwalang bahala niya ang sulat at tinapon sa kung saan. Tingin niya kasi pinaprank lang siya ng kung sino. Letters are not used in confessing anymore.

They're in the modern world and besides he's a man. He doesn't exactly appreciate letters lalo na kung hindi naman naglagay ng kahit initials man lang nito.

Yun ang nasa isipan ni Thoren bago niya pinaharurot paalis ang sasakyan.

**

"SERIOUSLY?" Di makapaniwalang saad niya. It's been three straight weeks mula ng magbigay ng letter ang letter sender na 'yon at patuloy lang ito sa pagbibigay ng letter.

"Dude! Bakit sambakol ang mukha mo?" Bati sa kanya ni Rafael at umupo sa harapan niya. Hinagis niya dito ang mga letter.

"Do you think I should start to investigate kung sino man ang nagbibigay sa akin nito?" Napipikong tanong niya. Kinuha naman ni Rafael ang mga envelopes at binasa isa-isa.

He was expecting Rafael to laugh. Dahil sa totoo lang ay eto ang talaga ang tarantado pagdating sa babae. Pero nagulat siya ng tumayo ito at walang pasabing nilisan ang kanyang opisina.

That only means one thing. Rafael knows the sender or at least he has an idea.

Dear Marco ✅Where stories live. Discover now