IX

93 6 0
                                    

IX - MONTH

KINAKABAHAN siya sa hindi malamang dahilan. Pakiramdam niya ay isa siyang teenager na nagbibinata at makikita ang taong gusto nito sa unang pagkakataon. But that's the thing, hindi siya teenager at hindi niya gusto ang kikitain niya. He's just curious to what she looks like. 

Right? 

Halos buong buhay niya ay nakalista base sa gusto ng mga magulang niya, particularly his mother. Kung ano ang dapat gawin, kung sino ang dapat kausapin at kung ano ang dapat iakto sa mga pagkakataong maraming tao. It's not very usual especially for a guy like him pero hindi siya nahihiya. Alam niyang ginagawa lang ng mama niya ang mga ito para hindi sila magaya rito na nagkaroon ng mga maling desisyon sa buhay at para na rin patunayan sa lola niya na hindi nagkamali ang papa niya sa pagpili sa mama niya. 

Pero that kind of life get's tiring. Napapagod na rin siya kung minsan na maging parang robot na kakasunod sa dapat niyang gawin na sinasabi ng mga ito sa kaniya. Hindi pa man siya ang CEO ng kumpanya nila at COO pa lang kumpanya na pagmamay-ari nila, nararamdaman niya na ang pressure na dulot nito. 

He never thought that receiving those letters would make his plain, boring life a bit exciting. Kaya siguro pasugod sugod nalang siya ng basta basta. Kagaya ngayon. 

Pagkarating niya sa kaniyang condo ay hindi niya agad binuksan ang pinto. What if she left already? Pakiramdam niya ay madidisappoint siya ng todo. Dibale na. isip isip niya bago niya binuksan ang pinto. 

He wasn't disappointed. Pagkapasok  niya ay unang dumapo ang tingin niya sa isang babaeng nakatalikod sa kaniya. Madilim ang buong kwarto at tanging ilaw na nagmumula sa buwan ang nagsisilbing liwanag ng babae. Even if he can't see her face, alam niyang napakaganda ng babaeng nasa harapan. Dahan dahan siyang pumasok at sinara ang pinto. Batid niyang alam na ng babae ang presensiya niya pero hindi parin ito humaharap sa kaniya. 

He was getting a bit frustrated. 

"Do you always come home this late?" tanong nito kalaunan sa kaniya. 

Umiling siya bago bahagyang natawa ng mapagtantong hindi nakaharap ang kausap sa kaniya. Umupo siya sa kama kaya't nakatalikod rin siya sa dalaga. He was casually removing his necktie that was already loose on his way here before answering, "Not really. I just got busy lately." 

"Must be tough being the COO, huh?" He raised his brow at her question. Pabigla naman siyang humiga sa kama bago pumikit. He suddenly felt peace though he doesn't know why. 

"Yeah, it is." he chuckled, "A lot of people are challenging my authority simply because I'm a few years younger. That's what makes work stressful." 

"I see," anito at tumahimik na. Walang umiimik kahit sino sa kanila. He didn't mind it though. The silence between the two of them is one that is comfortable. It doesn't make him itch to start a conversation. 

Though he did want to make her stay longer.

"I thought you were-"

"Leila?" tanong nito. May ngiti siyang naririnig sa boses nito, "Why? Are you disappointed?" 

Hindi siya umimik ng ilang segundo. 

"No. Not really. If I'm being honest I'm quite glad that she's not you." 

Kahit madilim ay naramdaman ni Marco na lumingon sa kaniya ang kasama. Hindi niya ito tiningnan pabalik. He's liking the mysterious atmosphere between the two of them. The feeling of not knowing the one you're talking to but feel like she's familiar at the same time. 

"I'm not drunk tonight, you know?" paalala niya rito. "I might see your face." 

Narinig niya ang tawa ng babae. "It's fine. I'm wearing a mask. Prevention is better than cure," kahit di niya nakikita ang mukha nito ay alam niyang nakangisi ang babae. 

She seems like someone who's fun to be with. Unlike him, he's boring and plain. That's why he really couldn't understand why this woman likes to spend her time on a bore like him. "Why me?" 

"What?" tanong nito. 

"Why do you like me?" Dinilat niya ang mga matang kanina ay nakapikit. Nakatingin siya sa kisame ng kaniyang kuwarto na ang tanging liwanag lamang ay ang nagmumula sa buwan. While staring at the ceiling, he realized that it felt comfortable being in the dark. It was his first time to feel like that. 

Ayaw na ayaw niya ang walang ilaw dahil pakiramdam niya nasasakal siya at kinakapos ng hininga. Kaya kahit matulog ay gusto niyang may ilaw kahit yung lampshade lamang na nassa tabi ng kaniyang kama. 

He doesn't like the dark. It was unfamiliar and cold. But that's not what it's like right now. With her. Bigla niyang naalala na kagaya niya ay ayaw rin nito ng madilim noon. Mukhang naiintindihan na niya ang gusto nitong sabihin sa kaniya. 

"Because you're Thoren Marco Sylvestre. I like you because you're you," sagot nito sa tanong niya. 

He never thought he can feel his heart flutter. He was flattered with her answer. She was very straightforward. 

"Then let me see you," aniya at nilingon ito. Gaya nga ng sabi ng dalaga ay may maskara itong suot. Hindi naman iyong klase ng maskara na natatakpan ang buong mukha. The mask that she's wearing only covers that upper part of her face. Pero kahit kalahati lang ng mukha nito ang may takip ay hindi niya parin mawari kung  sino ang dalaga. 

"You will," sagot nito, "Soon."

"How soon is soon?"

"Give me a month," anito sa kaniya. His ears perked up because of that. After three months of giving him letters ngayon ay magpapakilala na talaga ito sa kaniya? He'll only have to wait for a month? 

"Sure," he said almost immediately. Natawa naman ang babae. 

"Ganun ka kasabik makilala ako?" may panunudyo ang boses nito. He grimaced but he's sure hindi naman ito nakikita ng dalaga. 

"Sort of," pag-amin niya. Hindi naman nakaimik ang dalaga sa sinabi niya. 

Maya-maya ay naramdaman niya ang palad nitong tumakip sa mga mata niya at ang labi nitong lumapat sa labi niya. Bago ito nag-angat ng mukha ng kusa pero hindi niya hinayaang makalayo ito at muling inangkin ang labi ng dalaga. 

Dear Marco ✅Where stories live. Discover now