XVIII

121 6 4
                                    

XVIII - FINDING HOPE

SILENCE enveloped them. Walang ni isa sa kanila ang nagsasalita. Nanatiling nakatitig si Kirsen kay Marco habang paulit-ulit sa kaniyang isipan ang sinabi ng lalaki. He loves me...he loves me! Sunod-sunod na tumulo ang mga luha sa kaniyang mga mata. She hoped for this for a long time. Ang tagal-tagal niyang hiniling na sana isang araw, magustuhan rin siya ni Marco. Minsan naisip niya lang na parang ang daya naman ng mundo sa kaniya pero hindi niya ito pinagtutuunan ng pansin. Pero ngayon...

Mukhang madaya nga sa kaniya ang mundo. 

It's so unfair. Bakit kung kelan malala na ang sakit niya, saka pa siya nagustuhan ni Marco? Gustuhin man niyang tugunin ang nararamdaman ng lalaki at pagbigyan ang matagal niya ng hinihiling, alam niya sa sarili na malaki ang posibilidad na hindi niya kayanin. Baka hindi niya na kayanin. Papaano si Marco? Papaano ang mga maiiwanan niya? 

Bigla siyang nakaramdam ng pagsisisi. Dapat yata na hindi na talaga siya lumapit pa kay Marco. Nasaktan siya sa kaniyang iniisip kaya't inabot niya ang mukha ni Marco. Napapikit naman ang lalaki habang dinaramdam ang haplos niya. "I'm sorry. I'm so unfair. We finally feel the same but I will have to leave you." ngumiti siya ng bahagya sa lalaki. 

Tumulo naman ang luha ni Marco habang umiiling. "You'll get better." 

Umiling naman si Kirsen, "To be honest, I feel happy that you feel the same. But it does sucks that everything's ending when it hasn't even started yet." 

"You'll get better. My dad was told he couldn't have kids and there's the three of us. There can be miracles and with our money, nothing's impossible." he said. 

Ngumiti naman si Kirsen sa lalaki. Alam na alam niya ang ganitong ugali ni Marco, yung ugali niyang walang makakabali sa paniniwala niya. Napapaisip tuloy siya, paano kaya niya ipapaliwanag sa lalaki na hindi lahat ng gusto nila ay masusunod?  His father's problem is different from hers. His dad's problem was treatable at the first place. She knows na sinasabi lang naman ni Marco 'yun sa kaniya para gumaan ang loob niya. 

Pero matagal niya ng alam na malaki ang posibilidad na hindi na siya gumaling. And money... huh, she mused. Mukha lang silang walang problema on the outside, pero ang totoo niyan hindi malayong ma-bankrupt na sila sa pagpapagamot sa kaniya. Hindi naman sila bilyonaryo e at lahat ng pera nauubos. Alam niya 'yon. Alam na alam niya. May edad na rin ang mga magulang nila. Kung tutuusin ay dapat sila na ang tumutulong sa mga magulang nila pero eto siya at nagpapabigat sa mga magulang niya. 

She asked herself if she deserved it. She wanted to ask kung bakit siya but she stopped herself. Alam niya kasi na may rason, may dahilan kung bakit siya ang dinapuan ng sakit na ito. Siguro di niya pa lang alam ang rason. 

Pero siyempre, tao lang din siya. Natatakot siya. Natatakot siyang mamatay. Ayaw niya pang iwanan lahat ng mahal niya sa buhay. Ayaw niyang iwanan ang mga magulang niya, ang mga kapatid niya at si Marco. Lalo na si Marco. 

Kung siguro niroroleta ang buhay, siya ang nakajackpot makakuha ng kamalasan. The irony.

If given the chance, marami pa siyang gustong puntahang lugar kasama si Marco. Marami pa siyang gusto gawin kasama ang mahal niya sa buhay. She has so many plans. She wants to live. She wants to live with no regrets.

And she doesn't want to have regrets now.

Biglang bumukas ang pinto at nakita niya ang mga magulang. It looks like they've been listening outside for a while. Her mom's eyes are so red it was so obvious that she was crying the whole time. Sumakit ang dibdib niya sa nakita. Parang may pumipiga sa dibdib niya and it's a bit harder to breathe.

Hindi niya alam kung anong nangyayari pero nagkakagulo na ang mga tao sa loob ng kwarto. Dahan-dahan niyang ipinikit ang mga mata dala ng magkahalong pagod at sakit ng katawan.

"... don't sleep!"

"...baby?"

"I love you, please fight. I love you,"

-----

Hello! Yes, this is still ongoing to those who are asking. I was just busy with something and I have no update schedules. I just update when I can so bear with me if you still can. Thank you!

Dear Marco ✅Where stories live. Discover now