CHAPTER 1: Mr. NapQueen

454 27 28
                                    

My beshi is my lover

ELEAZAR MATEO POV

Nagising ako dahil sa sigaw na nagmumula sa labas ng kwarto ko.

"Napkin! Gumising kana iho!"

Halos malukot na yung mukha ko dahil sa lakas ng sigaw ni manang sa labas.

"Napkin! Gumising ka na! Naghihintay yung mga kaibigan mo iho!"

Tinakpan ko ng unan yung mukha dahil naiinis na ako.

"Hoy Napkin! Gising na! Alas syete na oy!"

Inis akong bumangon at pumunta sa may pinto bago ito binuksan.

Tumambad sa akin ang nakataas na kilay ni manang.

Napabusangot naman ako at napadyak padyak. Sa edad kung ito ay para akong bata, eh kasi naman!

"Manang Shi naman, huwag mo nga po akong tawaging Napqueen! Ang pangit pakinggan!" Inis na sabi ko habang ginugulo ang buhok ko.

Tinawanan lang naman ako ni Manang Shi kaya lalo akong napasimangot.

"Hahaha! Ano ka ba iho, parang hindi ka na sanay na tinatawag ka ng ganyan," tumatawang sabi nya.

"Manang naman, sa gwapo kong ito? Tapos napqueen or whatever kung ano yun. Ah basta! Ang gwapo ko tapos yun lang ang itatawag nyo sa akin! Nah! Hindi bagay para sa akin."

"Napkin, iho. Hindi Napqueen Aba'y ginawa mo naman reyna iyon Hahaha bumalik ka ba sa pagkabata? at nabulol ka jan haha," tumatawang sabi nya. Bakit ang happy niya?

Samantalang ako hindi na talaga maipinta ang mukha!

"Oh sya! Akoy aalis muna dahil pupunta pa ako ng palengke. Ginising lang talaga kita dahil nandyan yung mga kaibigan mo," saad nya.

"Psh, sige ingat kayo manang," sabi ko at humalik sa pisnge nya.

Hindi pa rin maipinta ang mukha ko kahit nakaalis na si manang.

Sinirado ko ang pinto at bumalik sa kama bago humiga.

Pinikit ko ang mga mata ko.

Napkin. Psh.

"Anong ginagawa niyo dito?" inis na sabi ko habang pababa ng hagdan.

Nakita ko agad ang mga mukha ng mga lapastangan kung mga kaibigan.

Tumawa naman si Eli at hindi makapaniwalang tumayo. Mukha na ba akong multo at ganon siya maka react?

"Oh! Eleazar, Eleazar, Anong etsura yan?! Hahaha ang Panget mo!" bakit ba ako lagi ang pinagtritripan ng mga ito?

Asar naman akong tumingin sa kanya bago umupo katabi kay Elijah.

Tinignan ko naman sya, Nakangite ito habang nagsicellphone. Nagtaka naman ako dahil ang ganda ata ng ngiti niya.

Sanaol masaya, ako dito umagang umaga badtrip  na.

"Baka matunaw yan ah." Sinamaan ko ng tingin si Eli bago tumingin ulit kay Elijah pero pagtingin ko ay nakataas na ang kilay nito sa akin.

Kumunot ang nuo ko.

"Gusto mo ako? akala ko ba loyal ka," walang ganang sabi nya at bumalik sa pag si-cellphone.

Napamaang naman ako, What?!

"Anong akala mo sa akin bakla?!" inis na sabi ko at ang walang hiya nagkibitbalikat lang.

Aba!

"Okay naman sana kung bakla ka eh kaso mag pinsan kayo kaya hindi kayo pwede Hahahaa!"

My Beshi is My Lover Where stories live. Discover now