Chapter 2: Truth or Dare

263 19 30
                                    

ELEAZAR MATEO POV

Kakatapos ko lang maligo at nagbibihis na ako. Naligo kasi ako kaagad matapos yung nangyari kanina sa kusina. Naiinis talaga ako dahil sa pagtawag nila sa akin ng Napqueen. Basta sa pagkakaalala ko simula nung nagkaisip na ako sa mundo ay Napqueen na ang tawag nila sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero sinasabi nila sa akin na nilalaro ko daw yung Napqueen ni Mom noon. At nakakainis pa yung ipapaalala nila sa akin na minsan ko na daw nilagay iyon sa Brief ko dahil daw siguro na curious ako kung bakit ginagamit iyon ni Mom.

Kaya yung mga tao dito sa amin ay Napqueen ang tawag sa akin.

Palagi pa nila akong inaasar kaya minsan pag-gising ko palang ay badmood na ako. Isama mo pa si Manang na palagi akong ginigising sa umaga tapos itatawag akong Napqueen kaya ayun badmood na talaga ako.

Pero kahit na ganon Syempre mahal ko sila kahit na nakakainis.

Simpleng T-shirt at Short na hanggang tuhod lang ang sinuot ko. Sinuklay ko ang buhok ko at Nag pogi sign pa ako sa harap ng salamin bago lumabas ng kwarto.

May nadadaanan pa akong mga katulong na binabati ako na nginingitian ko lang naman. Pababa pa lang ako ng Hagdan ay rinig ko na ang tawanan na nagmumula sa sala.

Pagpunta ko sa sala ay naabutan ko sila mom at dad, pati na rin yung dalawa kasama na si Eleanor. Napangiwi ako alam ko kung saan ito nagpunta. Pumunta na naman ito sa isa sa mg crush nya.

Walang loyalty ang isang ito, paiba iba ng Crush.

"Oh Napkin iho, nandito ka na pala. Tapos ka ng mag almusal?"

Isa rin itong si Dad, nakikinapqueen rin.

Walang gana akong tumango sa kanya.

"Oh? Bakit ganyan yung mukha mo? Hahaha," tanong niya pa habang tumatawa.

"Bakit Tito? Anong tingin mo sa mukha nya Hahaha?" saad naman ni Eli.

"Gwapo pa rin naman...." sabi nya na ikinangite ko.

Aba! Totoo naman talaga. Ang pogi ko tapos, tapos.. Tatawagin lang akong Napquee----

"... Mukha lang ewan Hahaha!"

Sumimangot nalang ako sa sinabi nya.

Tinawanan naman ako ng tatlo pati na rin si mom.

Masaya pa talaga sila ah?

"Haha nagbibiro lang ako, anyway may lakad ba kayo ngayon?" tanong nya at tumingin sa tatlo.

"Tatambay lang po muna kami dito Tito. Hahaha nakakarindi ang boses ni tikbalang duon sa bahay Hahaha," sabi ni Eli.

Ang tinutukoy nya na tikbalang ay yung ate nyang masungit at istrikto.

Tumawa naman si Dad sa narinig maski naman ako.

Palagi kasi siyang pinapagalitan ng ate nya.

"Oh Sige maiwan mona namin kayo. Gagawa pa kami ng baby ni Hon Hahaha," sabi ni Dad habang tumatawa at binuhat si Mom.

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya.

"Dad!" inis na sabi ko.

Grabe naisipan pa talaga nilang gumawa ng baby kung kaylan malaki na ako.

Tinawanan nya lang ako at umakyat sa taas habang buhat buhat kay Mom.
Si Mom pabebe at halatang kinikilig pa.

Akala ko ba may period sya ngayon?

Napangiwi ako sa inasta nila.

Napatingin ako sa mga kaibigan na pinsan ko na tumatawa.

"Hahaha ibang klase talaga si Tito," si Elijah.

My Beshi is My Lover Where stories live. Discover now