Chapter 5: Party

104 7 12
                                    

"Ito talaga ang susuotin ko?" asar na tanong ko habang nakangiwing hinawakan ang damit na susuotin ko raw.

Croptop na white at high waist pants na pink lang naman ang ipapasuot nila sa akin.

"Seryoso ba talaga kayo?" tanong ko pa. Bakit ba ang malas malas ko, ang babaw ng dare nila kaysa sa akin na one month pa ha!

Tinawanan lang nila ako.

"Oo nga! at saka maganda naman ah? segurado ako na maraming magkakagustong fafa sa iyo Hahaha!"

Nandidiri akong tumingin kay Eleanor dahil sa sinabi niya. Kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi ng isang 'to.

"Tama na yan, mag bihis ka na Eleazar! baka ma late tayo!" biglang sabi ni Elijah.

Napairap na lang ako, masyadong excited ang isang ito. Eh ang aga aga pa eh, mamayang alas syete pa naman ng gabi magsisimula yung party na sinasabi niya.

Wala na akong nagawa ng tinulak tulak na ako nilang tatlo papuntang banyo.

Panay ang buntong hininga ko habang nakatingin ako sa salamin dito sa banyo, baka pag lumabas ako ay pag tawanan ako ng mga 'yon.

Lumabas na lang ako ng banyo at bagsak ang balekat ko habang nakapamewang sa harap nila. Nakarinig naman agad ako ng tawanan, sinasabi ko na nga ba.

Sumimangot ako habang nakapamewang pa rin.

"Hahahaha! para ka namang lantang gulay jan sa lagay mo na yan hahaha ayusin mo yung paglalakad mo ano ba hahaha!" ang lakas ng tawa nila lalo na kay Eleanor na nanguna pa talaga sa lakas ng tawa. Nakahawak pa ang kamay niya sa tiyan, parang mamatay na sa kakatawa.

Inaasar talaga ako ng mga ito, porket ang dali dali lang ng Dare nila ay ginaganon na ako.
Sinamaan ko ng tingin ang humampas sa akin sa likod. Nakangising mukha ni Eli ang bumungad sa akin.

"Dapat straight ka maglakad tapos ngumit ka naman hahaha para kang ano pre. Ang dali dali lang niyan eh! Hahaha," mayabang talaga ang isang 'to. Waw ha yung dare nga niya ay halos ikinasimangot na niya at iiyak na yata tapos nasabi pa niya na ang dali lang daw nito? waw ha, waw na waw.

Palit na lang kaya kami? psh.

Napasimangot ulit ako ng hilahin na naman ako ni Eleanor paupo sa kama at may kung anong nilagay sa mukha ko.

Hinayaan ko na sila sa kung ano ang gagawin nila sa akin. Bahala sila, wala naman akong magagawa eh.

SAMANTALA ang dalagang si Shyna naman ay nakasimangot na nakatulala, malalim kasi ang iniisip niya. Iniisip niya lang naman kung kailan siya magkakaroon ng gay beshi!

Oh diba akala mo ang laki ng problema kung titignan siya, yan lang naman ang pinoproblema niya. Kasi naman kompleto na ang meron siya na kaibigan eh! May Girl, boy at tomboy! kulang na lang ay Gay beshi!

Saan niya ba mahahanap ito? sinubukan nga niyang makipagkaibigan sa mga lahing bakla pero masasama naman ang mga ugali. Sinusingitan ba naman siya! Grabe pa makairap.

Napakamot siya sa kilay niya habang kunot pa rin ang noo. Parang ang laki talaga ng problema niya kung titignan siya.

Nakasimangot pa rin siyang tumayo sa pagkaka-upo niya sa kama. Pumunta siya sa may pinto para lumabas pero bago yun tumigil siya sa harap ng salamin malapit sa may pinto. Sinadya niya ito para makita niya ang kagandahan niya araw araw, oh diba konpident si ate!

Ngumiti siya ng malaki labas pa ang mga magandang ngipin niya pero napunta agad iyon sa ngiwi ng may makita siyang kanin na nakasabit sa ngipin niya.

Napasimangot ulit siya at lumabas na. Pumunta muna siya ng banyo para mag sipilyo.

"Tatay!" masayang tawag niya na may kasamang pa kaway kaway pa kahit hindi pa siya tuluyang nakakalapit sa tatay niya na parang hindi narinig ang pagtawag sa kanyang anak. Patuloy pa rin itong nag aabang sa paborito nitong palabas na 'Be careful with my heart', at hindi tinitignan si Shyna. Paborito kasi ito ng tatay, sinasabi nito na ganyan daw ang naging kuwento nila ng Inay noon. Napapangiwi na lang ang Dalaga sa lakas makapangarap ng tatay niya.

"Tatay! Hello!" Pagtawag niya pa nito pero waley pa rin. Parang walang na rinig ang tatay niya.

"Tata---Sandali lang!" biglang sigaw niya ng may malakas na kumatok sa pinto ng bahay nila.

Napakamot na lang siya sa ulo ng sa wakas ay tumingin na sa kanya ang Ama niya, ang sama nga lang makatingin.

"Sinisigawan mo ba ako Shyna?" may pagkamasungit na tanong ng tatay niya pero hindi niya ito pinansin at patakbong pumunta sa may pinto dahil ang lakas kung makakatok ang taong na sa labas ng bahay nila. Ano ba yan! Malapit na nga masira ang pinto nila, paano kasi nasanay na ang mga tao na malakas kung makakatok sa pinto nila.

"Ano?!" inis na tanong niya ng mabuksan ang pinto.

Napasimangot siya ng ang mga kaibigan niya na lalaki at babae ang kumatok.

"Galit ka?!" malakas na tanong rin ng kaibigan niyang babae na si Mae. Binatukan naman ito kaagad ng kasama niyang lalaki.

"Wag mo nga sigawan si Shyna! Panget!" pang aasar na sabi ng lalaki.

Sumama bigla ang tingin ng dalagang si Mae sa kaibigan nitong lalaki na si Cris.

Nang mapansin ni Shyna na mag aaway na yata ang dalawang to ay pumagit siya.

"Hep hep! Dito pa talaga kayo mag aaway! Nandiyan si Tatay oh," sabi niya at tumingin pa sa gawi ng tatay niya na nakatutok na ang paningin sa palabas. Napamaang pa siya dahil nakayakap ito sa unan at ang laki makangiti nito na tila kinikilig.

Napakamot na lang siya sa buhok ng makarinig siya ng tawanan mula sa kaibigan.

"Pasok na kayo," pag aanyaya niya sa mga kaibigan na kaagad rin nilang ginawa.

Napangiwi ang dalawa dahil sa lakas ng tunog mula sa Tv. Parang hindi pa nasanay haha.















My Beshi is My Lover Where stories live. Discover now