Chapter 9: Muntik na 'yon ah!

84 6 11
                                    

Nagmamaneho ako papunta sa mayroong mga street food, malapit lang ito sa mall kung saan una kaming nagkita ni Zy.

Magkikita kasi kami ng zyzy ko ngayon, beshi niya raw ako kaya Zyzy ko siya.

Ang nangyari kanina sa bahay ay naging ayos rin sa huli.

Sabi ni Elias ay uwag ko nalang daw ituloy gawin ang dare pero tinanggihan ko. Ang daya naman kung hindi ko gagawin tapos sa kanya ay tapos na.

Atsaka mayron pa akong isang rason kung bakit gusto Kung ipagtuloy ito.

Secret yun, pero halata naman eh.

Nangingite ako habang nagmamaneho.

Magkikita kami ulit ni Zy!

Tumawag kasi sya kanina. Beshi bonding daw muna kami at Syempre pumayag ako nuh! Masaya siya maging kaibigan.

Malakas kung na preno ang kotse ng may biglang tumawid.

Sht,What the!

Kung ano ano kasing pumapasok sa utak mo eh!

Agad akong bumaba at nakahinga ako ng maluwag dahil  hindi ko ito nabangga. Wala pa naman akong lesensya.

"Miss are you okay? I'm Sor--"

"Hoy! Day, Bruha ka! Muntik ka na don!"

Nabigla ako ng may lumapit na bakla at nilapitan itong babaeng muntik ko nang nabangga.

'Bruha?'

"Huwag kang sumigaw!
Tsk," bulyaw niya sa kausap bago hunarap sa akin. "Ah bakla pasensya na ah? Sorry talaga nagmamadali kasi ako. Sorry po ulit! Aalis na kami bye bye, Sorry ulit."

Pagkatapos nyang sabihin 'yon ay mabilis niyang hinila 'yong bakla papalayo sa akin.

Tsk, Ano bayan! Hindi porket nagmamadali sila ay pati sa pagtawid ay minamadali nila. Baka sa pagmamadali nila mapadali rin ang buhay nila dito sa mundo.

Bumalik ulit ako sa kotse at nagpatuloy sa pagmamaneho.

Pinark ko ang kotse sa hindi masyadong malapit sa may nagtitinda ng mga street food. Marami kasing tao ngayon dito.

Ang sinuot ko ay parehas pa rin kanina. Hindi na kasi ako nagbihis.

Paglabas ko palang ng kotse ay pinagtitiningan ako ng ibang mga tao.

Tss! Ano bayan! Ignorante pa rin ba sila sa mga bakla dahil grabe naman kung makatitig ang mga ito, tsk!

Hindi ko nalang sila pinansin.

Naglakad lakad ako at hinahanap si Zy.

Nang hindi ko pa siya nahanap ay kinuha ko ang cellphone na nasa bulsa ko at nag text ako sa kanya.

[Where na you Beshi?] Pag text ko sa kanya.

Hindi ito nag reply kaya naglakad lakad na Lang ako para hanapin sya.

Napangite ako ng Makita ko sya na nakaupo sa mga bilog na upuan. Umiinom ito ng buko juice.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya.

"Hoy Bruha!"

Nagulat sya sa pagtawag ko sa kanya kaya maibuga nya yung iniinom nyang Juice.

Maski ako ay nagulat ko sa pagtawag ko ng ganon.

Bwset! Panira 'yong bakla kanina! Nagaya ko tuloy!

Alanganin akong ngumite.

May ibang mga taong napatingin sa akin.

My Beshi is My Lover Where stories live. Discover now