Chapter 8: Family Reaction

94 6 3
                                    

Hindi ko talaga maintindihin ang sarili ko. Dapat naiinis ako ngayon dahil sa nangyaring kahihiyan kahapon pero namalayan ko nalang na nakangite ako.

Sa wakas nalaman ko na ang pangalan nya.

Shynaliezy

Ang weird nga ng pangalan niya nuh? Sabi nito na may kahulugan raw iyon, tinanong ko naman kung ano ngunit sa susunod na niya raw ito sasabihin.

Habang nakikipag-usap ako sa kanya ay sinadya ko talagang inarte ang boses ko.

Masaya siyang kausap.

Sila Eleanor the abno naman ay alam ko kung ano na ang tumatakbo sa isipan nila. Tumitingin sa amin na mukhang inaasar ako, baka iniisip nito na crush ko si Zy. Gusto ko ngang lapitan para suntukin yung mga mukha nila na panget, loyal kaya 'to!

Mas pinili kong Zy na lang ang itawag ko sa kanya dahil ang haba ng pangalan nito.

Natigil lang kami sa pag uusap ng inaya na ako ng mga kaibigan ko na umuwi na, masyado na kasing gabi.

Ang sabi niya ay uuwi na rin daw siya dahil naghihintay ang tatay niya.

Hiningi ko na rin ang number niya at name nya sa facebook.

Ang weird nga nya eh.

Dahil hindi na siya nag dalawang isip na ibigay sa akin yung number niya kahit hindi pa niya ako gaanong kilala.

Ang sabi niya, mukha naman daw akong mabait at isang beshi raw.

Napailing iling nalang ako kung gaano sya kakulit.

"Hoy! Anong ngite 'yan?"

Ang ngite ko kanina ay biglang nawala ng sumulpot si Elias.

"Ano pa ang ginagawa mo dito?" Inis na sabi ko sa kanya. Nakahiga ako sa kama ngayon, ang akala ko ay nakauwi na sila.

"Hi bebe," napairap nalang ako ng sumulpot si Eleanor.

"Hindi ako uuwi dahil seguradong hindi ako papasukin ni Dragon sa bahay," sabi ni Elias at humiga sa tabi ko.

"Eh ikaw? Anong rason mo at nandito ka pa?" Tanong ko naman kang Eleanor na nakangise sa akin habang nakasandal sa pinto.

"Alam ko kasi na uuwi ka sa inyo, kaya sasama ako. Baka nakakalimutan mo na hindi pa tapos yung dare mo at saka huwag ka ngang madaya! Pagkaharap mo yung si Shyna umaakto kang bakla pero sa amin hindi? Na! Hindi 'yan pwede! Magtyatyampo kamiy Shegi Ka!"

Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi nya sa panghuli.

Ano yun nabubulol lang?

Sinamaan ko sya ng tingin.

"Ano na naman ba? Aasarin mo pa rin ako kahit na sa bahay na?" Naiinis na tanong ko at napasimangot.

Nakakainis naman akala ko matatakasan ko sila pag nasa bahay na ako.

"Sasama nalang rin ako," natatawang sabi rin ni Elias at pumikit.

Umuwi na si Elijah kanina kaya silang dalawa nalang ang narito, ang akala ko nga uuwi na rin sila pero mas gusto yata nilang makita ang reaction nila Mom at sa iba pa na nasa bahay.

"Dalian mo, mag bihis ka na! Oh my gosh really! I'm excited na!" Sabi ni Eleanor at may paghampas hampas pa sa pader.

Napangiwi ako sa kanya, parang tanga.

"Hoy!" Napatingin ulit ako kay Eleanor.

Problema nito? Kanina may paghampas hampas pa sa pader. Tsk!

"Ikaw ha! Ang daya mo Bro, pag ang usapan ay usapan. Dapat hindi ka lang sa harap ni Shyna aaktong bakla, pati na rin sa amin kaya magbihis ka na at dapat umakto ka rin na bakla sa harap namin ha!" Sabi niya at nilapitan si Elias na mukhang muntik ng makatulog.

My Beshi is My Lover Where stories live. Discover now