Chapter 7: Beshi

98 6 8
                                    

Ngumiti lang ako ng pilit sa babae nasa harapan ko. Ang angas niya makatingin! Katakot! Oh hindi ako bakla ah. Napakamot ako sa buhok. Tae, nahihiya ako.

"Eh? Beki?" gulat na sabi niya.

Tumawa si Eleanor at inakbayan ako.

"Anong beki ka jan? girl na girl yan oh!" natatawang sabi niya. Sisimangot na sana ako sa sinabi niya pero naramdaman ko na humigpit ang pag akbay nito sa akin. Na nito! sasakalin pa yata ako.

Siniko ko siya sa gilid kaya hindi na ako mukhang kakaposin ng hininga dahil sa klase ng pagka akbay nito sa akin. Ngumiti ako ng pilit sa babae. Nakakahiya talaga itong mga pinaggagawa namin, pero mas ako talaga ang nakakahiya.

"Hahaha kayo talaga, Pag nagkita ka ng kaibigan ko ay matutuwa yun haha. Hali na kayo," pag aaya nito sa amin at hinawakan sa braso si Elijah para maunang maglakad. Sumunod na rin kami dahil hinatak na ako sa nakaakbay pa rin sa akin na si Eleanor.

Tumingin ako kay Elijah na namumula ang pisnge at napahawak sa batok. Aha! Ito yata ang Crush niya eh.

Mas lalo akong na hiya dahil napatingin ang iba sa amin. Kung ang mga kasama ko ay wala lang sa kanila, ako naman ay gusto ko na lang magpakain sa lupa! Itago niyo ako!

"Xandro pare! Sino mga yan?" sabi ng isang Lalaki na may kasama pa na nag iinuman.

"Mga kaibigan ko! Pasok muna kami," sagot ni Sandro daw. Sandro? Sandro ang name niya? Ibang klase, anong klaseng pangalan 'yon? Panglalaki.

Pumasok kami sa loob, yumuko pa kami dahil maliit yung pinto nila o sadyang matangkad lang kami.

Mas lalo akong na hiya dahil may mga tao rin dito na syempre mapapatingin talaga sa amin dahil bagong dating kami.

"Oh anak sino ang mga iyan?" tanong ng isang ginang at lumapit sa amin.

Ngumite ito sa amin, "Hali kayo mga iho at.." tumingin siya sa akin, "iha? haha, may pagkain dun," sabi niya at inaya kami sa hapag.

Napasimangot ulit ako, iha daw?

Masama kong tinignan si Eleanor dahil mahina itong tumatawa.

Tumitingin tingin ako sa paligid habang naka upo sa kahoy na upuan at ang na sa harap naman namin ay iba't ibang pagkain na sa lamesa.

"Oh anak, asekasuhin mo ang mga bisita mo. Kumuha ka ng mga plato na gagamitin nila," pag-uutos ng Ina ni S-sandro. Teka, Sandro ba talaga ang pangalan nito? Isa siyang babae kaya ako'y nagtataka. Sabagay sa panahon ngayon ay may mga ganoon na talaga. Hayaan na nga! Masyado ko nang pinagtutuonan ng pansin ang iba.

Agad naman nitong sinunod ang utos ng Ina.

"Kay gandang bata naman nito Mare," napakurap-kurap ako ng may isang matandang babae ang dumungaw sa akin. Nagulat ako sa lapit ng mukha nito sa akin.

Ang mga noo nito ay nakakunot tila nagtataka sa pagkatao ko. Napahihiyang ngumite ako at iniatras ng kaunti ang inuupuan ko. Grabe naman 'to nakakahiya.

Ang pagkakakunot ng noo niya ay na punta sa ngiwi nang mapatingin siya sa suot ko.

Napasinghal siya tila nanghinayang sa kung anong bagay kaya sa wakas ay napalayo na ang mukha nito sa'kin.

"Sayang! kay pogi mo naging bakla ka pa!" napakamot na lang ako sa buhok ko at alanganin ngumite.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Elijah na nakaupo sa tabi ko. Dahil sa inis ko ay inapakan ko ang paa niya nang subrang lakas na ikinadaing niya. Deserb. Grabe nakakahiya talaga tapos sila pinagtatawanan lang ako.

"Okay ka lang pre?" likas na talaga ang pagkaangas ng boses ni Sandro nang tinanong niya si Elijah.

Nakita ko ang pamumula ng pisnge ni Elijah dahil lang sa pagtanong ng Crush niya sa kanya. Mas lalo pa itong namula dahil sa paghawak ni Sandro sa braso niya. Ang lakas nang tama ng loko.

My Beshi is My Lover Where stories live. Discover now