Chapter 6: Sissy Elen

83 7 2
                                    

"HINDI ako sure kung makakapunta ako eh," napakamot sa buhok na sabi ni Shyna sa kaibigan.

Na sa kwarto sila nito at nag uusap tungkol sa kaarawan ng kaibigan na si Alexandra o tinatawag nilang Xandro. Ang kaibigan nilang babae ay este lalaki pala. Lalaki kasi itong manamit at babae rin ang hanap. Magkakaroon kasi ng kunting handaan sa bahay nila, gusto nga niyang pumunta dahil syempre kaarawan ito ng kaibigan niya kaso walang makakasama ang tatay niya sa bahay.

"Ano?! anong hindi ka sure jan, magtatampo yun sayo panigurado bahala ka," mataray na sabi naman ni Mae na ikinasimangot ng dalagang si Shyna.

"Oo nga Shyna! punta ka na please! Sayang maraming handa dun, may paborito mo rin na Spaghetti." Pag iinggit na sabi rin naman ni Cris.

Sumimangot siya, Ano ba talaga? kanina ang sabi nito ay magkakaroon daw ng kaunting handaan pero ngayon naman ay maraming handa. Hays ang hirap intindihin ng sinasabi nila. Pero wait!

May Spaghetti daw?! Huwaaaaah 'Peborit' niya ito.

Parang kuminang ang mata ni Shyna sa narinig, may Spaghetti daw at matagal tagal na hindi siya nakatikim nito. Parang nag diwang ang puso niya, lalo na at mama pa ni Xandro ang nag luto. Ang sarap kasi nito magluto!
Pero napasimangot siya ulit, dahil sa kaisipang walang makakasama ang itay niya dito kung pupunta siya.

"Pero walang makakasama si tatay dito at lalo na kakagaling lang niya sa pagkakaroon ng lagnat," sabi niya. Totoo kasi ito baka bumalik ang lagnat ng tatay niya. Hindi niya kasi maiwasan na mag alala dahil ito na lang ang natitirang pamilya niya.

"Asus! Pumunta ka na at sasabihan ko na lang si Otoy na dumito muna para may kasama naman ang tatay mo kaysa naman hindi ka pumunta. Babatukan ka talaga ni Xandro pag na laman niya na nagdadalawang isip ka pa HAHAHAHA!" sabi naman ni Mae na tumatawa.

"Hala ka," pang aasar ni Cris.
Sumimangot siya dahil sa pang aasar nila sa kanya, nakahiligan na talaga ng dalawang kaibigan na asarin siya. Yung si Xandro naman ay tinuturuan siya nang ano anong bagay na hindi niya alam.

Sa kabila ng pang aasar nila ay hindi niya maiwasan mapangiti dahil Yes! makakapunta lang naman siya! Si Otoy na tinutukoy ni Mae ay kapatid niya. Makakain na siya ng paborito niyang Spaghetti yehey!

"ITO na yun?" nakangiwing sabi ni Eleanor ng marating namin ang bahay ng Crush ni Elijah dahil dito gaganapin ang sinasabi niyang Party. Pero sa nakikita ko ay hindi naman masyadong engrande ang party na ito. May kaunting handaan lang seguro kaya ganito maka react itong si Eleanor pati na rin si Eli.

"Sure ka bro?" sabi naman ni Eli na nakasimangot habang nakatingin sa labas. Na sa kotse pa kasi kami, kararating pa namin. Tinignan ko lang siya na grabe pa naman ang pag aayos nito sa sarili kanina. Long sleeve na polo tapos slack na bagong bago pa.

"Oo," sagot naman ni Elijah na ang laki ng ngiti at busy sa pagpapagwapo. Inaayos ayos nito ang buhok niya pati yung suot niya na simpling polo. Sus lumalandi na ang isang ito at nagpapagwapo na dahil sa crush niya. Eh kanina pa yan nag aayos eh. Nagrereklamo pa nga siya kaso late na daw kami eh kasalanan naman nila ito dahil kung ano ano pa ang pinaggagawa sa akin. Malapit na mag 8 ng makarating kami dito.

Napairap na lang ako ng makarinig ng mga reklamo mula sa mga kaibigan. Waw ha, sila pa ang may gana mag reklamo samantalang ito ako ang baduy ng damit at aakto pa na bakla. One month pa ha! Nakakainis na.

Tumingin ako sa bahay ng crush ni Elijah. Simple lang ito, gawa sa kalahati ng kahoy ang bahay. Bahay na bato yata ang tawag nito?

Nakita ko na may mga taong nagsasayahan sa labas ng bahay nila. May nagkakantahan rin, karaoke yata tawag nun. May nag iinuman rin, ang ilan sa kanila na lalaki ay nakahubad pa ang pang itaas na damit habang nagtatawanan. Napangiwi ako, grabe pa naman makaayos ng formal ang mga kaibigan ko sa pag-aakalang engrande ang party tapos okay naman pala kahit simple na lang ang na suot nila.

Napatingin kami sa bintana ng makarinig ng katok dun sa bintana na malapit kay Elija. Bumungad sa amin ang magandang babae na nakangiti pero maangas ang datingan. Lalaking lalaki kasi ito manamit. Tomboy yata to.

Napatingin ako kay Elija na parang na taranta at di alam ang gagawin. Tumingin muna uli siya sa huling pagkakataon sa salamin kung ayos na ba ang porma niya bago nagpakawala ng malalim na hininga at binuksan ang pinto.

Sumunod na lumabas rin sila Eli at Eleanor habang ako ay nagpaiwan muna. Psh, ano ba yan! Para naman akong tanga nito eh. Nakakahiya talaga! Pwede umatras? umuwi na lang kaya ako? Tutal..

Napangisi ako sa naisip, magandang ideya nga yun. Na sa labas naman na sila eh tapos nandito pa ko hehe.

Maganda na sana ang plano ko eh kaso nagulat na lang ako ng bumukas ang pinto dito sa back seat at hinatak ako ng walang hiya palabas.

"Oh by the way, this is Eleazar. Our sissy cousin, you can call her Elen hahaha."

Waw, na iba pa yung name ko.

My Beshi is My Lover Where stories live. Discover now