Chapter 10: Zyzy Friends

141 7 10
                                    

"Okay lang talaga sa family mo beshi pag pumunta ako sa bahay nyo?" Tanong ko Kay Zy.

Nandito kami sa tapat ng bahay nya. Gusto nya daw ako ipakilala sa Tatay. Medyo nag-aalangan pa ako, paano niya lubusang magtiwala ka agad sa akin, eh ilang araw pa kaming nagkakilala.

"Oo nga beshi. Hmp! Ilang beses mo na yang tinanong eh! Ayaw mo ba pumasok sa bahay dahil hindi ito kalakihan--"

"Hindi nuh! Baka magalit sila at nagdadala ka ng ibang tao sa bahay nyo Beshi!"

Umiiling iling lang siya.

"Hindi 'yan kaya pumasok na tayo. Beshi naman kita eh," nakangiteng sabi pa niya bago ako hinila sa may pinto.

"Tay!! Nandito na po ako! Buksan nyo 'yong pinto!!!!!"

Napatakip ako sa tenga ng malakas itong sumigaw sabay katok ng malakas. Pinaghahampas nya na nga eh, medyo nagulat ako ah.

"Tay!! Buksan nyo ang pinto! Nandito na ako!!!"

Napangiwi ako.

Shit!

Ano 'yon? Kaylangan talagang sumigaw?

"Tay!! Pag hindi mo ito binuksan!! Sisirain ko na talaga ito!! sige ka!!" Sabay sipa ng malakas sa pinto.

Nanglaki ang  mga mata ko sa ginawa nya.

Hindi pa rin sya tumitigil sa pag sigaw at sinabayan nya pa rin ng paghampas hampas sa pinto.

O_o

Hinawakan ko sya sa braso kaya natigil sya sa paghampas at kunot noong tumingin sa akin.

"Bakit Beshi? Naiinip ka na ba? Sorry ha? Si tatay kasi eh!---"

Napakamot ako sa buhok ko.

"B-baka wala jan ang tatay mo beshi," sabi ko.

Umiiling iling naman sya.

"Ah! Hindi nuh! Araw araw namang ganito eh! Kaya wait ka lang jan ah?"

Pagkatapos nyang sabihin 'yon ay bumalik sya sa pagsigaw.

Napakamot nalang ulit ako sa buhok at hindi na siya napigilan.

"Tayyy!!!! Oy!! Buksan mo ang pinto!"

"Ayaw...mong... Buksan! Ah! ITO!"

Nagulat ako dahil malakas nyang sinipa ang pinto kaya ang ending ay bumukas ito.

Sumilip ako sa loob ng bahay. Nasa likod kasi ako ni Zy

Wew!

"Hay, si Tatay talaga. Halika ka Beshi pasok ka."

Sumunod naman ako sa kanya.

"Upo ka muna jan beshi. Pupuntahan ko lang si tatay sa kwarto nya baka nanduon sya."

Kahit na nagtataka ay tumango nalang ako at umupo.

Mula dito ay rinig ko ang nakatugtug na musika galing sa taas.

Hindi ko ito narinig kanina nang nasa labas kami. Mahina kasi pero for sure akong pag nasa taas ka ay malakas 'yong tugtug.

Napatingin ako sa may hagdan ng bumaba si Zy duon.

Nakabusangot Ang mukha nito.

Cuteee.

"Anong nangyare sayo beshi?" Tanong ko sa kanya.

"Nasa taas ba 'yong tatay mo?" Dagdag kong tanong.

Kanina pa talaga ako nagtataka. Imposible namang hindi rinig ng tatay nya iyong sigaw ni Zy.
Ang lakas kaya nun.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 21, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Beshi is My Lover Where stories live. Discover now