Chapter 4: be ready.

109 9 16
                                    

Nandito na ako sa apartment ko which is tambayan na rin namin. Simple lang ito, malapit lang ito sa school na papasukan namin. Sinadya ito ng mga parents namin.

Umopo ako sa sofa.

Wala pa yung tatlo, hindi ko alam kong ginawa na ba nila yung dare nila. Ang akin ang pinakasaklap.

Habang nakaupo ay naalala ko na naman yung babae kanina.

Maganda talaga siya at weirdo rin haha but I find it cute.

Sayang lang talaga dahil hindi ko man lang na tanong ang pangalan nya. Sa tingin ko masaya pa naman siyang kaibigan.

Oo kaibigan lang ah, hindi crush. Hindi pa ako naka move on sa crush ko nuh at loyal 'to!
Pero ano ba yan! Maganda rin kasi siya eh!

"Aishh," inis kong ginulo ang buhok ko.

Ito na nga ba ang problema ko, nahawaan na yata ako ng mga kaibigan ko, ayaw kung mawala ang loyalty ko nuh!

Sumimangot ako, mga bad influence talaga ang mga kaibigan kong yun.

Hindi pwede na matulad ako sa kanila! Loyal to! at ang loyal ay mananatiling loyal. Dapat ganun.

Pero sayang talaga eh, hindi ko man lang natanong ang pangalan.

Ngumiti ako, sure naman ako na magkikita pa kami ulit. Kung mangyari man yun ay hindi ko na kakalimutan itanong ang pangalan niya. As a friend lang itong ngiti ko ha.

Hindi nagtagal ay dumating na si Eli kasama si Elijah.

Sa nakikita ko ay badtrip itong si Elias.

"Anong nangyari sayo?" tanong ko ng naka-upo ito sa tabi ko.

Asar siyang tumingin sa akin.

"Ano pa ba? Ayun nagwala na naman yung Dragon! hindi ako makakauwi sa bahay nito mamaya! wala pa naman sila Dad!" simangot ang mukha nito.

Sa nakikita ko ay nagawa na nya ang dare nya. Ang daya naman, isang beses lang ang sa kanila tapos iyong akin ay isang buwan talaga at masaklap ba aakto akong bakla. Psh.

"Na videohan mo?" tanong ko. Aba madaya na talaga kung hindi niya ito na kuhanan ng video.

"Oo,psh." asar na sabi nya at sumandal sa sofa at pumikit.

"Ikaw?" tanong ko rin kay Elijah.
Dapat lang talaga itanong, ang dali lang ng sa kanila eh tapos malaman ko lang na hindi nila ginawa. Madaya na talaga kung ganon.

Tumawa naman sya.

"Grabe ka bro, naninigurado talaga? wala pa, ipapakilala ko sa inyo d-diba?" umiwas sya ng tingin.

Segurado talaga sya? may crush na 'to?

"Sure ka bro? may nagugustuhan ka na?" masayang tanong ko.

Grabe, hindi ko ma imagine na magkakagusto itong si Elijah. Ang raming babaing umaamin na gusto siya pero pinagtatabuyan niya lamang ang mga ito, tapos malalaman ko lang na may nagugustuhan na pala ito, syempre masaya ako para dun!

Nakita ko naman na namula ito at umiwas pa ng tingin.

Hala sya.

Pabiro ko siyang hinampas sa braso.

"Masaya ako para sayo bro!" malaki talaga ang naging ngiti ko.

"Sanaol masaya."

Napatingin kami kay ay Eli ng sumabat ito. Nakasandal pa rin ito sa may sofa at nakapikit parin.

Tinawanan ko lang sya at bumaling ulit kay Elijah.

"Ano? ipakilala mo sa amin ah!" sabi ko sa kanya.

"O-oo nga! sa birthday niya, i-inimbetahan niya ako." tuluyan na talaga syang na mula.
Umangal naman agad ako sa sinabi nya.

"Ikaw lang? kami hindi? paano namin makikilala yan? ang panget naman kung pupunta kami tapos hindi kami invited psh!" simangot na sabi ko. Binatukan nya ako na agad ko naman siyang sinamaan ng tingin.

"Sira! Syempre pinagpaalam ko na sa k-kanya na isasama ko kayo,"sabi nya.

"Pumayag?"

"Oo hehe," nakakamot sa buhok na sabi nya.

"Kaylan naman yan?" tanong ko ulit.

"Bukas na," sabi niya.

"Bukas na agad?! ano?" gulat na sabi ko.

Ang bilis naman!

"Oo nga! at kung hindi ako nagkakamali, bukas mo na rin sisimulan ang dare mo hehe," natatawang sabi niya.

Mas lalo akong nagulat sa sinabi nito.

"What?! Ibig mong sabihin..." nanghina ang boses ko sa na isip.
Kung bukas na ang birthday sa babaeng nagugustuhan ni Elijah at bukas rin daw sisimulan ang dare ko, kung ganon..

"Oo Hahaha! Aakto kang bakla sa party Hahaha!" natatawang sabi ni Eli.

Sumimangot ako.

"Hindi naman tama yun!" inis na sabi ko.

Tinawanan niya lang ako.

"Paano kung may makakilala sa akin dun?! nakakahiya!" inis na sigaw ko.

"Huwag ka nga sumigaw! Hahaha at kasalanan mo naman yan, ikaw ang nag aya ng laro!" pagsisi nya sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"At huwag kang mag alala, wala naman seguro makakilala sayo dun. Pero kung meron man hahaha ewan ko na lang," patawa tawa lang siya.

Inis ko na talaga siyag tinignan.

Bakit ba nangyayari ang lahat ng ito?

Inis akong napasandal sa sandalan ng sofa at pumikit. Parehas na kaming problemado ni Eli nito.

"Watsup guys!" masayang pagbati ni Eleanor sa amin at nakangise pa sya.

Sumimangot ako, nagawa pa nitong ngumise.

"Ano na? Ready na ba kayo?" tanong nya habang natatawang hinagis sa akin ang mga paper bag na dala niya.

Nangunot ang noo ko, ano na naman ito?

 

My Beshi is My Lover Where stories live. Discover now