Chapter 01

116 7 0
                                    

"Excellent, Miss Bernardo!" bungad sa akin ng adviser ko nang makabalik ako sa classroom namin. She tapped my shoulder as she gave her bright smile to me. "Ang galing mo palang magluto! Para akong nanood ng MasterChef! May experience ka ba?"

Umiling ako. "Thank you, po. 'Tsaka wala po akong experience, Ma'am. First time ko pa po 'yun." Hindi ko rin inasahan na magcha-champion ako. It was supposed to be my trial moment as of this time since palagi naman akong naghe-hesitate sa mga kakayahan ko. Ngayon ko lang binalak mag-try. Binuti lang siguro ng kapalaran.

"Wow. Natalo mo pa 'yung mga taga-TVL. It was really a surprised na STEM student pa 'yung nag-champion. Last year puro mga taga-do'n 'yung nanalo, e," sabi pa ni ma'am. Talent week kasi namin ngayon. Ito iyong week na binigbigyan ng oportunidad ang bawat estudyante sa aming paaralan na ipakita ang talento ng isa't isa. Hindi rin pwede na wala kang sasalihan dahil part din naman ito ng grades namin. Walang problema kung hindi ka sure sa talent mo, pwede ka lang pumasok kahit saan mo gusto. Last year nga sumali ako ng painting, e.

"Kinabahan nga ako, Ma'am, e. Mag-isa lang din akong kakaibang strand do'n. Lahat sila puro TVL." Nakakahiya naman kasi kung naglakas-loob akong kalabanin sila tapos matatalo lang din naman pala. Pride pa ng STEM iyong madedehado ko.

"Congrats, Tine!" Agad akong napalingon nang marinig ko ang pamilyar na boses ng pinaka-close kong kaklase na si Meigh. Nagulat na lang ako nang patalon niya akong niyakap kaya muntik na kaming matumba pareho. Narinig ko pang tumawa si Ma'am saka nagpaalam na ring umalis dahil may pupuntahan pa raw siya. "Pogi nung kalaban mo!" sabi pa niya nang makaayos nang tayo.

I shrugged. "Hindi ko napansin."

She hissed and rolled her eyes. "Walang pogi sa writing contest! Alam mo kung bakit? Kasi puro kababaihan! Wala tuloy akong inspirasyon."

"Kumusta naman iyong gawa mo?"

"Ayos naman. Waiting pa rin sa announcement," sagot niya. Nagsusulat kasi talaga itong si Meigh ng mga stories na pinopost niya lang sa Wattpad. Nakakainggit nga iyong mga may ganoong talent, e. They could write whatever they think, sa kaso ko kasi ay sobrang hirap isa-isahin ng mga iniisip ko. I can't that easily put them into words!

Nag-usap lang kami ni Meigh tungkol sa story na ginawa niya habang naghihintay ng dismissal. Hindi lang naman si Meigh iyong kaibigan ko talaga rito sa classroom, kaso siya iyong napapansin kong sobrang tahimik noon kaya nilapitan ko at kinlose-close ko. Nakikita ko kasing naghahanap siya ng tamang makikinig sa kanya, and I am willing to do that for her—at nakalipas nga ang isa't mahigit na taon, ayun, tama nga ako. Ang daming niyang kuwento sa buhay—that also made her become a writer.

Hindi rin naman ako iyong tipong maingay na tao kaya hindi ko masasabing nahawa lang sa akin si Meigh. Hindi ko rin naman talaga kilala ang sarili ko but based on what other people says, I am an approachable one. Napapansin ko rin naman na halos lahat ng mga nakakasalamuha ko ay nagiging kaibigan ko. They were actually wanted me to run for student council but I refused, I will always hate that idea.

I immediately headed to coffee shop right after dismissal. Nagkayayaan kasi kami ng mga kaibigan ko since junior high school na magkita-kita. I missed them. They are my friends since our seventh grade, at ngayong ga-graduate na kami ng senior high—na magkahiwalay ay hindi nawala iyong bond na meron kami. We're four in the group. Me, Danica, Selena and Karina. Kami lang ni Selena iyong same school ngayon.

"Oh, my god! Tine!" Umawang iyong labi ko sa gulat nang sa mismong pagpasok ko ay sinigaw agad ni Danica iyong pangalan ko. Agad siyang tumayo at sinalubong ako ng yakap. "Gosh, it's been a freaking month!"

Sabay kaming naglakad papunta sa table kung saan siya nanggaling. Naroon na rin si Karina kaya hinintay niya na lang akong makalapit para yakapin din ako. Pagkatapos ay sabay na kaming umupo ni Danica.

Yesterday and SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon