Chapter 22

46 7 0
                                    

Nagising ako nang makita kong nasa iisang kwarto kami ng pamilya ko kasama ang mga kaibigan ko. When I realized that I was in the hospital again, agad akong napahawak sa puson ko. "I-Is my baby okay?"

Subalit nang tignan ko ang mga mata nila, lahat iyon ay namumugto. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko.

"W-What happened?!" I yelled. Namuo ang mga tubig sa mata ko.

Nakita ko ang pagtulo ng luha ni Danica bago siya lumapit sa akin. "T-Tine..." She sobbed. Kung ano man 'tong iniisip ko ay sana hindi totoo. "W-Wala na 'yung baby mo..."

Tila ba tumigil ang mundo ko nang marinig ko iyon. Para bang nasa isang bangungot ako at gusto ko na lang magising. Did I hear it right?

"A-Anong sinabi mo?" I asked again. Hindi ko kayang tanggapin.

Hinawakan ni Danica ang kamay ko. Humigpit ang hawak niya rito at saka humugulhol na sa harap ko. "W-Wala na 'yung... baby mo..."

Agad na kinalas ko ang kamay ni Danica. "N-No!" Tumingin ako sa paligid ko. "T-Tell me it's not true!" I cried. But they just cried in front of me. "Ano ba?!" sigaw ko.

"Celestine, anak... I'm sorry..." sabi ni Mommy.

Napasigaw ako sa galit. Sinubukan kong bumangon subalit agad akong pinigilan ni Danica at Karina. "What did you do?!" I looked at Dad, and he was crying. "Dad?! What did you do?!" I shouted.

I waited for Dad's response pero hindi siya sumagot. Napasigaw ako sa galit. I pushed the table beside me kaya agad na nagkalat ang mga nakalagay roon sa sahig. Nang makita ko iyong phone roon ay agad pumasok sa isip ko si Drex.

"W-Where's Drex?"

Umiling si Danica. "H-He didn't know..."

"What?!" Gulat na saad ko. "B-Bakit hindi niyo sinabi sa mismong tatay ng anak ko?!" Halos hindi na ako makahinga sa nangyayari. "A-Ano bang ginagawa niyo?!" Humagulgol na ako.

"H-Hindi namin alam kung pa'no sasabihin sa kanya..." Selena said.

"G-Give me my phone." Hindi ko alam kung kailan ba titigil ang mga luha ko. I felt like dying... pagod na pagod na ako sa lahat ng sakit na nararamdaman ko. Parang wala nang katapusan... Knowing that the child I was bearing... is now dead. I don't know how to live anymore... Parang ayoko na...

"D-Drex..." Pagtawag ko sa kabilang linya. Napapikit ako sa sakit nang nararamdaman. Even me, nahihirapan akong sabihin kay Drex. Kahit naman na mukha siyang problemado these days, hindi siya nagkulang na alagaan ako. "W-Wala na siya..."

"What?!"

I took a deep breath. "I-I'm here at the hospital." I cried.

Hindi agad siya nakasagot.

"Okay, okay. Wait for me there." He said, and as he hang up the call. Tinapon ko iyong phone ko sa floor malapit kay Dad. Napatakip ako sa sarili kong mukha habang pinipigilan ang sarili kong humikbi nang malakas.

Napasigaw na naman ako. Hindi ko na ma-control iyong galit ko.

"L-Leave me alone!" I shouted, but my eyes were on my Dad. "Y-You killed my c-child!" I shouted at him.

"Celestine, I'm so sorry..." He said, his eyes are red, too.

"S-Sorry?" I scoffed. "Sorry?!" Umiyak na naman ako. Hindi ko alam kung bakit hindi kayang i-absorb ng utak ko ang katagang iyan.

Wala na akong ibang ginawa kundi ang sumigaw at umiyak, magtapon ng mga gamit na nakikita ko... Hindi ko na alam iyong gagawin ko, para akong natutuliro sa mga nangyayari. Hindi ko matanggap lahat. Please, wake me up in the nightmare! Ayoko na rito! Gusto ko nang umalis dito!

Yesterday and SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon