Chapter 23

49 3 0
                                    

Apat na buwan na ang nakalipas magmula nang mangyari ang trahediyang iyon. I suffered a lot, it was such a misfortune to the point that I forced to have a therapy. Kasi noong una, ayaw na ayaw ko pang banggitin iyong mga bagay na iyon. Naririnig ko pa lang, sumisikip na agad iyong dibdib ko. Wala na akong ibang ginawa kundi ang umiyak.

But after four months of therapy, naging okay na rin ako. Hindi ako lumalabas ng bahay no'n dahil natatakot ako kapag nakakakita ako ng mga bata. Ginawa ko rin ang best ko para gumaling nang mas maaga pa, I still have to study. Ayokong mapag-iwanan ng taon. It feels like repeating everything, it feels like a yesterday. And I don't want to feel it again. It's done. My yesterday is already done.

My friends never forgets to visit me. I heard about Drex's ditching his game last intramural. Isang week lang daw siya sa Germany at bumalik din agad ng Pilipinas para tapusin iyong sem. Iyon lang iyong narinig ko about sa kanya for the whole four months. Ngayong nasa school naman ako, and it's been a week since the classes started, but I haven't seen him yet. Not even Danica and Selena who have the same course with him.

"Wala ka nang class this afternoon?" tanong naman ni Danica nang magkasalubong kami sa labas ng school. Kasama niya iyong mga kaklase niya.

Umiling ako. "Meron pa. Why?"

"Where are you going, then? Isang oras lang ang lunch break, baka ma-late ka. Gusto mo hatid kita?"

"Ah, no thanks! Pupunta ako sa 234 street. I'm gonna visit my students. 'Tsaka... Mamayang 5PM pa next class ko." I told Danica to look after my students when I was still suffering in depression. I also asked Terrell, Athena, Isla, and Marlo to be my substitute.

"Hatid na kita."

"Hindi na. Okay lang ako. Besides, I want to try myself if kakayanin ko na bang dumikit sa ibang tao."

"Are you sure?"

Tumango ako.

"Okay, then. Text us na lang if you need some help. Okay?" sabi niya pa saka bumeso sa 'kin.

"Sige. Thanks!"

Tumungo muna akong McDonald's para bumili ng pagkain nila. Sobrang miss na miss ko na rin sila. I can't wait to see them again. Binabalitaan pa rin naman ako nina Athena about them pero iba pa rin kasi talaga kapag ikaw mismo iyong nakaka-witness ng saya nila. Today is Wednesday and I hope na sana mahanap ko sila. I just can't wait any longer. Gusto ko na silang makita.

Pagdating ko sa street, dumeretso muna ako sa bahay nina Magdalene. Sa kanya kasi iyong pinakamalapit at madaling hanapin.

"Tao po?" Kumatok ako ng tatlong beses. Hindi naman tumagal ang pagtayo ko sa harap ng pinto dahil bumukas agad ito at bumungad sa akin ang gulat na itsura ni Magda.

"Ate Tine!" Agad siyang lumapit saka niyakap ako. Nang kumalas siya ay saka ko napansin na mapula ang kanyang mga mata.

Kumunot ang noo ko. "Umiyak ka ba?"

Hindi niya ako sinagot, but instead, hinila niya ako papasok sa loob ng bahay nila at agad na sinara ang pinto.

"Why? What happened?" Nagtatakang tanong ko.

"A-Ate Tine..." I tilted my head out of wonder. "M-May dugo..."

"H-Huh?"

"'Yung shorts ko po... M-May dugo..."

Nanatiling nakakunot ang noo ko habang nakatingin pa rin sa kanya. Inisip kong mabuti kung ano bang tinutukoy niya. Hanggang sa mapagtanto kong... "You're having your first period?!"

"H-Hindi ko po alam 'yung gagawin ko."

"Oh my, god! Dalaga ka na." Masayang sambit ko. "Go, change and wash your clothes. I'm going to buy a pad for you."

Yesterday and SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon