Chapter 09

58 7 0
                                    

"What now?" Nakangiting tanong ni Drex nang makapasok kami ng EK. Hawak ko sina Niño at Juan, samantalang buntot niya naman sina Shane, Mia, Pablo at Simon. Nasa unahan namin si Magda at Paco na halatang excited na excited pa.

"I'm afraid of heights..." I replied. "Pwedeng ikaw na lang sumama sa kanila? Diyan lang kami nina Niño at Juan sa Dino Egg. You okay with that?"

His forehead creased. "Gagi. Baka mawala ko pa sila."

"Hindi 'yan. Nandyan naman sina Magda and Paco. They know how to handle them."

"Are you sure they can handle extreme rides? Baka mamaya may isang mahihimatay, ah."

"Huwag mo naman ding dalhin sa mga ro'n."

Nag-usap muna kami ni Drex kung paano ba namin ipaparanas sa kanila iyong bawat rides. Nauna kami sa ferris wheel lahat, and then we decided na pumasok sa flying theatre. Ang sarap pakinggan kung paano namangha iyong mga bata, although muntik nang umiyak si Shane at Mia dahil feeling nila ay mahuhulog na sila.

Pagkatapos ay naghiwalay na rin kami ni Drex. Kasama ko na ngayon sina Mia at Shane. Samantalang iyong apat din iyong kasama ni Drex. Bumili na lang kami ng pagkain and then we took some photos. Gusto ko sanang buo kaming lahat, e. Kaso ia-upload ko 'to sa IG at baka ma-issue na naman kami ni Drex.

Medyo natagalan sina Drex kaya nang makita namin sila ay maga-gabi na.

"Oh? Umiiyak si Magda?" Agad na tanong ko sa kanila. Tawang-tawa naman iyong mga boys kasama si Drex.

"Natakot, e," sagot naman sa 'kin ni Drex. "Let's eat? My treat."

"Ah, hindi. Hati tayo. Gumastos ka na para rito, e. Ako naman."

"Tsk. Ako na. Ako 'yung Daddy kaya dapat lang," aniya saka kumindat pa. I rolled my eyes at him.

The kids suggested McDo kaya roon kami pumunta. Ibang sasakyan iyong gamit ni Drex ngayon. It was a white Fortuner. When I asked him if he changed his car, he replied that he just wanted to use it para kasya lahat ng mga bata. My heart melt at the thought, tho. May plano pala talaga siyang tuparin iyon.

"Kuya, may girlfriend ka na po?" tanong ni Magda kay Drex habang kumakain.

Tumingin ako kay Drex para hintayin siyang magsinungaling. "Wala." Natawa ako sa naging sagot niya. Napailing ako at binalik ang atensyon sa pag-aalalay kina Niño at Juan. "Papayag ba kayo kung ige-girlfriend ko si Ate Tine niyo?"

Muli akong napatingin sa kanya. "Sorry but I'm not interested."

"Aba, wala pa nga, nire-reject na ako ng Ate niyo, oh," sabi niya pa sa mga bata.

"Hindi po, Kuya. Ang sabi kasi sa amin ni Ate Tine, dapat ga-graduate po muna kami bago kami magbo-boyfriend. At alam po naming gano'n din si Ate Tine."

Drex scoffed. I frowned. "Graduate pa nga," aniya.

"Oh, bakit?" Taas-kilay na tanong ko.

"Are you sure, Miss Bernardo?" tanong niya saka sumubo ng fries.

I just rolled my eyes at him. "Sinabi ko lang 'yon sa kanila—"

"Ah, wala na, wala na," he cut me off and laughed. "Ate niyo, oh. Mukhang lalabag sa batas niyo."

"Batas po?" tanong ni Paco.

Natawa nang tuluyan si Drex. Gusto ko siyang hampasin pero nasa kabilang dulo pa siya. Mage-effort pa akong lumapit para lang maggawa iyon, so I chose not to na lang.

"Huwag kayong makinig diyan sa Kuya Drex niyo. Inaaway lang ako niyan," sabi ko sa mga bata saka kinuha ang phone ko mula sa bag ko.

To: Drex
Huwag ka ngang magsalita nang ganyan sa harap ng mga bata.

Yesterday and SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon