Chapter 13

48 7 0
                                    

"You are very disappointing these days, Celestine Jayliah! Ano?! Nagre-rebelde ka ba talaga?!"

Eto na naman ako... nakayuko lang sa harap ng galit na galit kong ama.

"Kahit kailan hindi ka talaga marunong mag-ingat ng mga bagay! Laptop mo, sira! Tapos ang idadahilan mo sa 'kin, ipinahiram mo?!"

I sobbed. My mom kept caressing my back.

"Look, Celestine. I could buy you one again anytime, but please, try to discipline yourself naman! Hindi ka na bumabata!"

As far as I could remember, it was Ate naman iyong huling gumamit ng laptop ko. When I checked it, doon na nags-start mag-hang. Tiniis ko iyong mga araw na ginamit kong sira iyon dahil kabibili lang ni Dad no'n at alam kong pagagalitan niya ako kapag nasira ko iyon.

"Alam mo, hindi ko na alam kung anong nangyayari sa 'yo! Your decisions are so disappointing, do you know that?"

"Is it about me again being an Educ student here?" I sobbed. "D-Dad, your words are discouraging me... do you know that?"

"Talaga namang sumasagot ka na talaga? Christine never did that to me, Celestine. Tandaan mo, mas matanda ka pa sa Ate mo."

Humagulhol na talaga ako sa iyak. Napaupo ako sa sahig dahil ang sakit-sakit na talaga. It was just a laptop! Bakit na naman napunta sa buhay ko? We could talk about my past, ayoko iyong pinag-uusapan iyong gusto kong mangyari sa future. It is not my intention to shot back at him, I just wanted him to at least hear my words!

"I just wanted to tell you that I didn't mean it... Hiniram 'yon ni Ate and pagbalik niya sa 'kin, nagha-hang na... and ngayon tuluyan nang nasira."

Dad took a deep breath. "Bawi ka sa grado mo, Celestine," sabi niya pagkatapos ay tumingin kay Mommy. "Ikaw, Jesiree. Huwag mo masyadong bine-baby 'yan. Hindi na natututo 'yan!" ani Dad saka umalis.

Naiwan kami ni Mommy sa living area. Inalalayan niya akong umupo si sofa habang patuloy na hinihimas-himas iyong likod ko. "It's alright, dear. Kailangan mo ba ng laptop ngayon? Bibilhan kita, don't mind your Dad."

Umiling lang ako kasabay ng mga hikbi ko.

"Ikaw naman kasi... hindi ka kasi maingat sa mga gamit mo. Hindi basta-basta ang pera, anak, ah."

"I'm not like that."

"Hmm... Narinig ko kasi sa Ate mo, lagi ka raw gumigimik. Tell me the truth, doon ba napupunta 'yung pera mo?"

Gulat akong lumingon kay Mommy. "No. N-Never. L-Lahat ng mga pinupuntahan ko ay galing sa mga invitations na natanggap ko."

"It's alright. As long as you have good marks, we're already satisfied with that."

Kumawala ako ng isang buntung-hininga. I actually thought they only want to at least enter the honor's list—nalaman kong gusto pala nilang maging first honor raw ako hanggang makapagtapos, para raw hindi nakakahiya kung sakaling maging summa cumlaude ako. This is so exhausting! Simula nang marinig ko iyon ay parang gusto ko na lang magdrop dahil natatakot na ako!

Nagpaalam na ako kay Mommy na mauuna na ako sa kwarto ko. Nagpahinga na lang ako roon hanggang sa tuluyang matuyo ang mga luha sa pisngi ko. I just played PVZ just to relax myself. Hanggang sa nasawa na rin ako at natulog.

Naggising akong medyo maga pa ang mata. Mabuti na lang at Sunday ngayon. Ayokong pumasok ng school na ganito ang itsura ko. Gusto ko pa sanang magsimba ngayon kaso lang ayaw ko munang lumabas ng kwarto ko ngayon. I have a lot of coffee and cup noodles naman dito sa room ko. May heater rin ako rito sa loob and of course, mineral water. Simula talaga no'ng lagi na akong napapagalitan ay ginawa ko na ito.

Yesterday and SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon