Chapter 06

61 7 0
                                    

Binaba ako ni Drex sa mismong building ng CEd. Magkasunod kasi iyong building namin kaya he told me not to worry, katabi lang din raw ng building nila iyong exit. Kahit naman na galit ako sa ginawa niya kay Danica ay marunong pa rin naman ako mahiya. Drex is good to accompany with. Nag-usap lang kami tungkol sa sex education that made our conversation more interesting.

"Hi, may nakaupo na ba rito?" tanong ko sa babaeng nakaupo sa mid column. Mas bet ko kasi iyong sa gitna ako naka-puwesto. Masyado kasing nakakailang kapag nasa harap, at kapag nasa likod naman ay masyadong malayo. Baka mahirapan akong marinig iyong sinasabi ng Prof namin.

Umiling siya. "Ah, no." She smiled. Hindi ko siya nakita sa first week ko rito sa klase, so hindi siya pamilyar sa akin. Mga major in PE iyong mga kasama namin sa ProfEd 1.

"Thank you." I said. "Anong major ka?"

"English. Ikaw?"

"General. Elementary teacher," I smiled at her. "By the way, I'm Celestine." Inabot ko iyong kamay ko sa kanya at nakipag-kamayan naman agad siya.

"Gianna, Gian for short. Nice to meet you."

"Likewise. Tine for short, anyway."

Nag-usap lang kami ni Gian tungkol sa mga nangyari sa amin ngayong first week. Pinag-usapan namin iyong mga professors namin sa iba't ibang subjects, kung sino ba iyong terrors and iyong mabait.

Maya-maya lang ay dumating na rin iyong Prof namin dito sa NSTP. Para sa aming mga Educ student ay LTS iyong tawag. According sa mga seniors namin ay medyo stressful din daw 'to sa amin since every meeting daw ay laging may reportings. Unlike sa ibang courses ay linis-linis lang daw. Hindi rin naman daw bumabagsak iyong Prof namin dito, so feel free to ditch the class na lang din. Nasa sa 'yo na kung pinanganak ka bang masipag or not.

"Okay. Group yourselves into 7-8. Ang unang task na gagawin niyo ay pagu-usapan niyo ang magiging reporting niyo for the next meeting. Sasabihin ko lang iyong magiging topic niyo kapag naka-buo na kayo ng grupo. Iyon lang ang gagawin niyo today. No more questions, what I've just said is already detailed. Matatanda na kayo para hindi pa 'yon maunawaan," ani pa ng Prof naming si Ma'am Reyes habang pinapaypayan ang sarili.

"Strict," bulong sa akin ni Gian na siyang tinawanan ko lang. Hinihintay kasi naming dumating iyong magiging teacher namin dito para malaman namin kung strict ba or not.

Gian and I started to look for other members. Hanggang sa nakaubo na kami agad since a lot of boys seemed like want to be grouped with this bodacious lady beside me. Nakaka-attract naman kasi talaga siya.

"Okay. Can we at least introduced ourselves first?" Agad na tanong ko pagkatapos naming i-arrange iyong seats namin into circle.

Nagpakilala naman kami isa-isa. I was right, mga English majors nga iyong mga kasama ko. After, binigay sa amin ni Ma'am Reyes iyong magiging topic namin. It was about Self-Awareness. And then, I asked my groupmates kung sino ba iyong gusto naming maging leader, I don't know what to feel when they all said na ako na raw. Tinanggap ko na lang din dahil wala naman akong makitang dahilan para i-reject iyon.

Ako iyong nag-assign sa kanila. As I was discussing about what should we do for the next meeting, napapansin kong sobrang sama nung tingin sa akin nung sexy'ng babae. Her name is Effie, if I'm not mistaken. I even saw her rolling her eyes at me. Todo ngiti naman ako sa kanya para lang iparating na hindi naman ako iyong tipong threatening na tao.

After discussions, we just had some random chitchats, sinusubukan ko ring kausapin si Effie pero ina-attitudan talaga ako. Gusto ko namang itanong kung ano bang problema niya sa akin pero baka naman nag-iisip lang ako ng kung ano, baka ganoon nga talaga siya. Pero sana naman kung gano'n talaga iyong attitude niya, I could tell talaga na hindi maganda. She's a future educator, hindi pwede iyang ganyan.

Yesterday and SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon