Chapter 25

42 2 0
                                    

Hindi ko maintindihan kung bakit niya ba ginagawa iyon. Kung bakit niya ba sinisisi ang sarili niya sa mga nangyari. It's been one week again, sa buong linggong iyon ay isang beses ulit na nakasalubong ko siya... pero hindi niya ako pinansin... Nilagpasan lang naming dalawa ang isa't isa na para bang hindi kami magkakilala.

It's bothersome.

"Ate! Sobrang saya pala mag-school!" Napangiti ako nang salubungin ako ni Mia ng yakap. Nandito ako ngayon sa paaralan nila, it's Friday and it's my sundo day sa kanila every lunch break. Gusto ko kasing makapag-date kami every Friday.

"Talaga ba? Kumusta ka naman?"

"May mga bago po akong friends, Ate! Si Julia at si Carla."

"E, wala bang nang-aaway sa 'yo rito?" tanong ko dahil hindi na talaga maiwasan iyon sa mga ganitong edad.

Tumango siya. "Opo, Ate. Sinasabi po nilang matanda na ako. Pero ang sabi ko naman sa kanila, tawagin na lang nila akong Ate kung gano'n. Tama naman po, diba?"

Napangiti ako. Umupo ako para mapantayan siya. "Tandaan mo, Mia. Kapag may nang-away sa 'yo. Sabihin mo kaagad sa akin, ha?"

Tumango naman siya. "Opo, Ate. Pero okay lang, Ate. Kasama ko naman po lagi si Simon, sabi niya sa 'kin natatakot daw mga kaklase niya sa kanya, sasapakin niya raw kasi kung sino man 'yung masama ang ugali."

"Hala, bad 'yan, naku! Huwag makikipag-away sa school, ah? Kung pwede lang, umiwas kayo sa gulo. Na kahit kasalanan pa ng nang-away sa inyo, o kasalanan niyo man, pareho pa rin kayong mapapagalitan ng teacher. Kaya dapat clean record po tayo, ah? Baka makakapag-jump kayo sa dapat na kung anong grade kayo."

"Naiintindihan ko po, Ate!" sagot ni Mia saka niyakap ako. "Thank you po, Ate."

Nang makarating na ang iba ay saka kami pumasok sa van na naghahatid-sundo sa akin. Kumuha kasi ng bagong driver si Mommy para sa kanya, at iyong dati niyang driver ay napunta sa akin. Binigyan ako ni Lolo ng van para raw hindi raw ako mahirapan sa pag-commute. Gusto kong matuwa sa mga nangyayari subalit naiisip ko lang na baka sasabihin na naman nila sa akin pagkatapos na wala akong natututunan sa buhay.

I took them to my mom's newly restaurant. Coincidentally, I saw my Dad there, discussing something with an unfamiliar man—which I think, a politician too, since may kasama itong dalawang lalaking may uniform na may nakasulat na tanod. Mukhang seryoso ang usapan nila kaya hindi na lang muna ako nagpakita at dumeretso na lang sa isang table.

Hinayaan ko ang mga bata na isulat ang mga gusto nila sa menu. The names of the food are too unusual kaya gusto kong matutunan din nila iyon, ayoko na balang araw ay nao-awkward sila sa mga ganitong klaseng restaurant. This resto is quite fancy kaya hinihiling ko lagi na sana huwag na silang mailang.

Nang dumating ang mga pagkain ay tuwang-tuwa naman silang magkwento habang kumakain. Nalaman ko na nag-aassist si Magda sa adviser niya since nagustuhan daw nito ang kasipagan niya. Si Paco naman umalis na rin ng Tea O'Clock, hindi na niya na kinwento ang buong pangyayari, pero naiintindihan ko naman. Si Shane naman, may nagka-crush daw sa kanya pero hindi niya raw gusto dahil bully raw sa ibang classmates niya. Totoo nga ang sinabi ni Mia tungkol kay Simon. Kay Niño at Juan naman, natuwa raw ang teachers nila dahil magaling na raw sila sa pag-guhit.

Nang matapos kami sa pagkain ay hindi pa rin natatapos mag-usap sina Dad. Tumingin ako sa relo ko at 15 minutes pa lang naman pala ang nakalipas. Mabilis nga palang kumain ang mga bata. Hindi ko ata naisip iyon...

Pagkatapos naming mag-prayer after meal ay binilinan ko ang mga bata tungkol sa mga baong pera na binigay ko sa kanila. Ngayon lang kasi ako nagbigay ng pera sa kanila kaya hindi pa ako sigurado sa kung anong gagawin nila.

Yesterday and SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon