Chapter 08

65 7 0
                                    

Danica confronted me about what's the score between me and Drex. She really said 'score' as if there was something between us. Umabot din pala sa kanila iyong magkasama kami ni Drex pumasok noong nakaraang araw. I told her the truth. Na wala lang iyon at sinabay lang ako ni Drex no'n dahil umuulan at ayaw kong ma-late.

"How about you, Miss Bernardo? What's your opinion about abortion? Do you agree?"

Agad akong tumayo nang tawagin ako ng Prof ko. "Yes, Sir," sagot ko. Tumingin ako sa kaklase kong unang tinawag ni Prof na nakatayo rin tulad ko. Apparently, she disagreed. "For me, hindi naman siguro dahilan na dahil kasalanan sa Diyos 'yon. If that's your concern, the key is purity. Well, it is natural for us to be scared of God. Siguro sa case natin today, which is about teenage pregnancy, mas matakot ka sa buhay na ibibigay mo sa anghel ng Panginoon, right? Did you just save the child just because you're scared but not with all your heart? It seems like you're just scared to be judged by other people."

Well, yes. Foetuses have the right to live, but come to think of it—especially sa mga teenagers, e kulang na kulang nga sila sa kaalaman about sa mga gawaing bahay, ni-pagiging anak ay hindi kayang gampanan nang maayos, how much more sa pagiging ina? I just don't really agree with it. Alam kong hindi dapat ako nagsasalita nang tapos dahil wala naman tayong alam tungkol sa future, but this present could be our review, maraming kang pwedeng gawin today to prevent those kind of circumstances, and for us to be prepared.

I also don't like those people na laging sinasabing: 'sinasabi mo lang naman 'yan dahil hindi mo pa nararanasan.' Like come on, hindi naman kailangang i-experience pa iyong isang bagay para lang may patunayan. Pwede naman sigurong natuto lang by just looking at other people's lives, right?

Hindi ko rin maintindihan. Ang dami ko nang nabasang article about abortion being illegal in the Philippines pero wala akong nababasang dahilan, puro lang na mga batas. All I could ask is why? How about rape cases?

"Party mamaya. Gora ka?" tanong ng kaklase kong bakla na si Ram nang mag-dismiss si Prof ng klase.

"No." I immediately declined. Kapag tuloy nakakarinig na ako ng party ay bigla ko nang naalala iyong nalasing ako kasama si Drex. Nakakahiya talaga. Ayoko nang maulit pa iyon.

"Come on, Sis. Friday naman, 'tsaka next next week pa naman tayo magre-report sa LTS."

"Sira. Sasama ba sila Isla?"

"Oo. Kaya nga pinipilit kita kasi papilit kang bwakanang shet ka, e."

I chuckled. "Ayoko nga. Nandiyan naman sina Isla. Keribels mo na 'yan."

"Bakit ba kasi ayaw mo? Balita ko marami kang nahu-hook na boylets diyan pero nire-reject mo lang. Akin na, sasalo ko."

"Baliw. Tinatamad ako, e. Gusto ko lang magpahinga," sagot ko. I'm sure naman na ii-invite rin ako ni Karina. Iyon pa na sobrang suki ng parties, e.

Sumuko rin naman si Ram sa pagpupumilit sa akin. Since wala naman na akong next class ay naisipan ko na lang umuwi. I'm so tired talaga for me to go to the party. Gusto ko na lang magpahinga, besides, may chance pang makikita ko iyong pagmumukha ni Drex. Malamang guguluhin lang ako no'n at baka bibigyang malisya na naman ni Danica. Sumasakit ulo ko sa mga issues na iyan.

Pagdating ko sa bahay ay saktong naka-receive ako ng text from Karina, inviting me as expected. I replied my one and only true reason, at sila nang bahala kung kukumbinsihin ba nila ang sarili nila o papagurin ang sarili na pilitin ako. Simula talaga nang pumasok ako ng college ay lagi na lang may party. Ang dami nilang time, ah.

I took a shower and blow dried my hair right after. Nakailang receive din ako ng message about party at talagang ni-replyan ko sila isa-isa. I was surprised nga nang makita ko iyong name ni Terrell. Si Valedictorian pumaparty-party na rin. Si Gian naman ay tinanong ako kung pupunta ba ako dahil pupunta raw siya kung pupunta raw ako.

Yesterday and SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon