I

18.3K 31 0
                                    

Dala dala ko ang isang kilo ng bigas na ipinila ko sa isang bahay ng tumatakbong gobernador ng aming munisipalidad.

Sayang din ito...

Nang malaman ko na nag papamigay ng bigas sa bahay ng kandito ay pumila agad ako kahit kakagaling ko lamang sa eskwelahan. Kahit papaano ay may pang kanin na kami.

"Mano po inay" wika ko bago kinuha ang kamay ng nanay ko "Namigay po ang gobernador ng bigas kanina, sayang naman po kung kaya ay pumila ako" wika ko

"Manang" napatingin ako sa nakakabatang kapatid ko na sumalubong sa akin akin "Pasalubong po"

Umupo ako upang mag pantay kami "Nako talaga hindi mo pa nga hinahalikan ang ate" wika ko at hinawakan ako nito sa pisngi at hinalikan, ngumiti ako bago dinukot ang tsitsirya na tig pipiso bago ko ibigay sa kanya "Hati kayo ni Irene" wika ko

Tumayo ako at tinignan ang masaya na papasok kong kapatid "Nay, isa po ako sa mga mabibigyan ng iskolar sa aming paaralan" wika ng isa kong kapatid na halos kakauwi lang din

"Talaga" masayang wika ng nanay ko "Nako salamat sa dyos"

"Congrats Janna" wika ko

"Salamat Ate"

Masayang nag usap ang nanay ko at ang sumunod kong kapatid patungkol sa iskolar na nakuha nya.

Hindi na rin naman sya mahihirapan sa pag pasok.

Masasabi ko bilang isang ate nila ay maipagmamalaki ko sila dahil sa mga naabot nila habang bata pa sila.

Matalino si Janna, talentado si Joseph at ganun din si Irene.

Simpleng pamumuhay lang ang meron kami. Isang mag sasaka ang tatay ko habang ang nanay ko naman ay isang mag sasaka din at kung minsan labandera.

Kung minsan naman ay tumutulong kami ng kapatid ko sa pag sasaka.

Bata pa lang kami ay natuto na kami mag banat ng buto. Kung hindi kasi kami kumayod ay hindi kami makakakain, yun na din yung way para mabili namin ang iba pa namin pangangailangan dito sa bahay.

Kung tutuusin suwerte pa kami kung minsan na kahit kamote ang nakahain sa hapag, may nakakain kami.

Masaya na din kami sa mga bagay na meron kami, sa mga bagay na nakukuha namin. Maliit man iyon ay nag papasalamat kami dahil kahit papaano ay nakuha namin ang bagay na iyon.

Nga pala... Ako si Apolline Apricity Marquez o kung tawagin nila na Aey.

Wala naman ako masasabi tungkol sa akin, wala akong maipagmamalaki kundi ang pamilya ko at ang mga kapatid ko.

Hindi din naman ako katulad nila na matalino at talentado.

Panganay din ako kung kaya minsan kahit hirap na din ako sa buhay na meron kami, pinapangako ko sarili ko na bibigyan ko ng maginhawang buhay ang pamilya ko.

Yung hindi na kailangan mangutang ng magulang ko, yung hindi na kailangan mag saka ng tatay ko, yung hindi kailangan labahan ng nanay ko ang damit ng ibang tao.

Pinapangako sa sarili ko na mag susumikap ako para sa susunod hindi na kamote ang nakahain sa hapag.

Pinapangako ko na sa susunod hindi na namin kailangan mag siksikan sa bahay.

Pinapangako ko sa sarili ko aangat ako, ang buong pamilya ko.

Halos hating gabi na at abala ako sa pagawa ng ilang takdang aralin ko. Gamit ang gasera na syang nag silbing ilaw sa madalim naming bahay.

Pinasadahan ko ng tingin ang tatlo kong kapatid na mahimbing na natutulog sa lapag.

"Ate gusto ko ng laruan" napangiti ako ng mag salita si Joseph habang natutulog

Ang Puta (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon