XX

925 6 0
                                    

Hindi ko alam kung saan patungo itong daan na tinatahak namin, ang sabi lang ni Ms. Rainbow, na sa oras na May sagot na ako, pumunta lang ako sa kanya at may mag hihintay sa akin para ako ay sunduin.

Nang bumaba ang driver ay bumaba na din ako.

Nasa isang gusali kami sa isang lugar na di ko alam.

Sumunod lang ako sa lalake habang ito ay nag lalakad.

Sya din yung lalake na kasama namin ma trap sa elevator.

"Ano pala pangalan mo?" Tanong ko sa kanya

Tumingin ito sa akin "Rohan"

"Ang ganda ng pangalan mo a" nakangiti kong wika "Nga pala, matanong ko lang, ilang taon ka na nag tratrabaho kay Mr. Tob?"

"Kababata ko si Mr. Martinez" wika nito "Bata pa lang ako sa kanya na ako nag tratrabaho"

"Edi kilalang-kilala mo na sya"

"Higit pa sa inaakala mo, ma'am"

"Paano sya maging amo?"

Ngumiti lang ito bago nag simulang mag lakad muli.

Tumapat kami sa isang malaking pintuan bago tumingin sa akin.

"Malalaman mo din, Ms. Black"

Binuksan nya ang pintuan bago nya ako inaya pumasok.

Pumasok ako at sumalubong sa akin ang mahabang lamesa at maraming upuan.

Ito yung nakikita ko sa mga telebisyon na parang conference room or meeting room.

Lumapit ako sa malaking salamin.

Nasa mataas na palapag pala kami. Kita dito ang malawak na syudad.

Gusto ko yung mga tanawin na ganito, nakaka gaan ng damdamin.

"So you are here?"

Tumingin ako sa likod ko at nakita ko sya na prenteng nakaupo.

Huminga ako ng malalim "May I know about the contract?"

Hindi ito nag salita at pinagulong lang sa lamesa ang folder papunta sa akin na agad ko nahawakan.

Kinuha ko ito at binasa ulit.

Naka saad dito na magiging babae ako nito sa tatlong buwan, sagot na nito ang lahat ng gastusin ko maski sa pamilya ko.

Nagulat din ako nang mabasa ang pangalan ng magulang at mga kapatid ko maski kung saan eksakto kami nakatira, mula dito sa Maynila pati na rin sa probinsya.

Hindi na ako magugulat sa koneksyon ng estranghero na ito.

Ang hindi lang nakasaad dito ay kung ano ang dahilan kung bakit May Kontrata ganun na pwede naman nya ako tawagan mula sa club.

"It's too hassle to do that" napatingin ako sa kanya "You should be here by 8 in the morning and I will introduce you as my fiancé"

"Fiancé?" Nag tatanong kong wika "Akala ko ba babae lang?"

"Do you have any objection with that?"

"For 3 months, just for 3 months"

Tumayo ito at nag salin ng alak na nasa lamesa "12 weeks and 92 days"

3 months nga, jusko, mema sabi lang itong lalakeng ito.

"So kailan ako mag sisimula" tumingin ito sa akin, oo nga pala English dapat "When c-"

"Today" wika nito

So marunong sya mag Tagalog?

Wala na naman ako magagawa dito, nandito na ako, bahala na lang talaga kung ano ang mangyari, sana gabayan pa rin ako ng diyos sa aking mga kagagahan sa buhay.

Ang Puta (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon