X

2.4K 14 0
                                    

May dalawang Linggo na nang mag simula ako sa aking trabaho bilang freelancer, sobrang hina at wala akong benta kahit isa. Paubos na din halos ang aking pera na natitira.

"Josefa" tawag ko ng makita si Josefa na ayos na ayos, di ko din kasi sya nakita kagabi na umuwi "Bago yan a, nag mamake up ka na?" Tanong ko habang kumukuha ng maiinom sa loob ng ref

"Wala kang pake" wika nito bago nag patuloy sa pag lalakad papasok sa kwarto

Napatingin ako sa sa entrance ng aming tinutuluyan ng sabay na pumasok si Jeya at Rikki.

"Ano ang nangyari kay Josefa?" Tanong ko

Huminga ng malalim si Rikki "Sya na lang ang tanungin mo" sagot ni Rikki "Mauna na ako sa kwarto"

Pinagmasdan ko si Rikki na nag lakad palayo bago ako tumingin kay Jeya na nag lakad papalapit sa akin.

"Tumawag kagabi si Janna kay Josefa, sumugod daw ulit si Aling Anna sa inyo, tinatanong kung kailan ka mag babayad ng utang"

Huminga ako ng malalim at umupo sa upuan.

"Di ko alam kung saan pa ako kukuha ng pera" wika ko

"Gusto sana kita pahiramin, pero may pinag kakagastusan din kasi ako" tinap ni Jeya ang balikat ko

"Ayos lang, makakahanap din ako ng paraan"

"As of now, Aey, Josefa needs you"

Napatingin ako kay Jeya "Bakit?" Tanong ko

"You better ask her" narinig ko ang paghinga ng malalim ni Jeya "Mag papahinga muna ako" wika nito bago nag lakad papasok sa kwarto nila ni Rikki

Napakagat ako sa labi ko at tumayo bago pumasok kaa loob ng aming kwarto.

Pagbukas ko pa lang ng pintuan ay narinig ko ang mahinang hikbi ni Josefa habang nakakulong ito sa kanyang kumot.

Dahan dahan akong lumapit at umupo sa gilid ng kanyang kama.

"Josefa" tawag ko "Ano ang problema?"

"Wag mo muna ako kausapin, Aey" wika nito na may garalgal sa boses

"Sige, pero kung need mo ng makakausap nandito lang ako" wika ko "Hindi kita pipilitin na mag open ng prob..." Di natapos ang aking sasabihin ng bigla syang umupo sa mula sa pag kakahiga at humarap sa akin

"Maiintindihan mo ba ako kung sasabihin ko sayo na nag pagamit ako dahil sa pera? Maiintindihan mo ba ako kung malalaman mo na ako sila Jeya at Rikki ay iisa na?"

"Josefa..."

"Ayaw ko ng ganitong buhay Aey, alam mo yan, gusto ko mabili yung mga bagay na gusto ko at kailangan ko na hindi iniisip kung may matitira pa ba sa aking pera, kung sa tingin mo ginawa ko ito para sa luho ko, nag kakamali ka, sinakripisyo ng magulang ko ang kalabaw namin na natitirang hanap buhay nila para sa akin, para suportahan ako sa pag alis ko at nadamay ka pa"

Napayuko lang ako at hindi mahanap ang tunay na salita na kailangan ko sabihin para kay Josefa.

"Magaling kang mag tago Aey, pero yung nararamdaman mo, alam kong di mo matatago alam kong galit ka at sinisisi ako, patawarin mo ako, ako ang dahilan kung bakit ka nandito"

"Josefa..."

"Makinig ka at intindihin ako, Aey, huwag mo sana ako husgahan kung ako man ay isang naging puta, malaki ang pangarap ko at kung ito man ang sulosyon para umangat ako kasabay ng pamilya ko, pasensya na kung magiging bingi ako sa mga magiging payo mo"

Niyakap ko si Josefa "Oo nagalit at nainis ako sayo, pero may pagkakamali din naman ako, patawarin mo din sana ako" naramdaman ko ang pag ganti ni Josefa ng yakap sabay hagulgol ng iyak. Kinalas ko sya sa pagkakayakap bago huminga ng malalim "May sakripisyo tayo na kailangan gawin para sa ating pamilya"

Ang Puta (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon