VI

5.8K 15 3
                                    

Tinignan ko si Josefa na paikot ikot sa labas habang sinusubukan na kontakin ang babae na kausap namin. Inabot na kami ng halos palubog ng buwan.

"Kung ako kasi sa inyo nanahimik na lang ako sa probinsya" napatingin ako sa nag salitang pulis "Mas maganda ang buhay sa probinsya, Iha"

"Hindi naman po kami makikipag sapalaran kung maayos ang buhay namin sa probinsya" sagot ko

"Kung sabagay, pero hindi din maayos ang buhay sa ibang lugar iha" wika muli ng pulis

"Chief!" Tawag ng isang pulis sa kausap ko "Ito na po ang report" kinuha ng cheif ang binigay na folder ng isang pulis

Binuksan nya ito at binasa "Tsk. Tsk. Tsk. Sya nanaman" tinignan ako nito "Ito sya hindi ba?"

Tinignan ko ang tinuro ng lalake sa folder "Opo" panigurado ko "Sila po yan"

"Alam nyo ba, itong babaeng ito, ay marami ng reklamo laban sa kanya? Katulad nyo ay tinakbo din nya ang pera, sa kasamaang palad ay nahuhuli sya ngunit nakakapag piyansa, pero itong mukha nya ay hindi nya talaga mukha, nag pabago na ng mukha yan" wika ng pulis "Hindi na din kami magugulat kung mag babago nanaman sya ng mukha"

"So wala na po bang pag asa na maibalik ang pera namin?" Rinig kong tanong ni Josefa

"Sa ngayon ay hinahanap na ulit sya ng mga pulis, pero hindi ko masasabi na maibabalik agad ang pera nyo" sagot ng pulis "Kung ako sa inyo bumalik na muna kayo ng probinsya at kami na muna ang bahala sa kaso na ito"

"Hindi po kami pwede bumalik ng probinsya sir, hiniram lang po namin ang pera, ako po sinanla po namin ang kalabaw namin para lang May pambayad kami" wika ni Josefa

"Wala ba kayong kakilala dito sa Maynila na pwede nyo pag tuluyan? Wala din naman trabaho dito sa Maynila kung tutuloy kayo dito" sagot ng pulis

"Josefa! Aey!" Napatingin ako ng May tumawag sa pangalan namin "Gosh ano nangyari?" Wika nito ng makalapit sa amin

Tinignan ko ito mula ulo hanggang Paa. Ibang iba sya sa dati.

Halos pag tinginan sya ng pulis dahil sa suot nya na kulang na lang ay mag hubad sya. Halos puro kulorete ang mukha nya, ang kapal ng lipstick, basta ibang iba sya sa kung paano namin sya nakilala noon.

"Jeya?" Wika ko "Ikaw ba yan?"

"Oo tinawagan ako ni Josefa" sagot ng kaibigan namin "Ano ba ang nangyari?" Napatingin sya sa pulis at halos bumakas dito ang gulat, napatingin ako sa chief na kausap namin kanina, halos di ito makatingin ng diretso kay Jeya, napakagat ako sa labi ko

"Na scam kami, beb" wika ni Josefa "Tinakbo ng babae ang pera namin, pupunta sana kami ng ibang bansa"

"Ano?!" Napatingin sa akin si Jeya "Gosh Aey, pati ikaw?" Huminga ito ng malalim "Ano ang plano nyo ngayon?"

"Sinabihan ko sila na umuwi muna sa probinsya, jey-miss" wika ng pulis

"Hindi nga kami pwede bumalik sa probinsya" wika ni Josefa, tumingin ito kay Jeya "Beb tulungan mo kami"

Huminga ulit ng malalim si Jeya "Sige doon muna kayo sa tinutuluyan namin"
__________________________________

Halos umikot ang mata ko ng makarating kami sa tinutuluyan ni Jeya, malaki ang bahay at halos pag pasok mo ay sasalubong sayo ang dalawang hagdan at malaking chandelier sa gitna.

Katulad ni Jeya, ay ganun din ang mga damitan ng ibang babae.

"Oh Jeya!" Tawag ng isang babae

Naka-panty lang ito at naka spaghetti strap na damit.

"Hey!" Bati ni Jeya at nag beso sila "Girls this is Rikki, sya yung friend ko dito, Rikki, sila yung mga kababata ko sa probinsya"

"Bagong babae?" Tanong ni Rikki

"Hahahaha Hindi, matino yang dalawa" natatawang wika ni Jeya "ikaw na muna nag bahala sa kanila a, May customer kasi ako, alam mo na si Kano"

"Tiba tiba ka naman, o'sya sige ako na muna bahala dito sa dalawa, basta balato a"

"Sige" tinignan kami ni Jeya "Sumama muna kayo kay Rikki, mabait yan, May trabaho pa kasi ako e"

"Sa kalagitnaan ng gabi?" Tanong ko

"Ah ehem, di ba nila alam?" Rinig kong bulong ni Rikki "O'sya umalis ka na, ako na bahala dito"

"Sige salamat, una na muna ako girls" tumungo lang kami ni Josefa

"Sunod kayo sa akin" wika ni Rikki bago mag lakad

Habang nag lalakad naman ay halos bumuka ang bunganga ni Josefa, maski ako ay sobrang namamangha sa bahay. Para kang nasa palasyo.

May pinasukan kaming isang silid at parang isang bahay din ang laki nito. May sariling sala at kusina din. May apat na upuan sa dining table.

"Okay" napatigil kami sa pag lalakad ng humarap si Rikki "Di ko alam kung hanggang kailan kayo pwede manatili dito, kasi halos lahat ng babae na makita nyo dito ay iisa lang ang trabaho, kumbaga ito na ang dorm namin, kung tutuusin bawal ang outsider dito, pero dahil kaibigan kayo ni Jeya ay dito muna kayo pansamantala" wika nito "May dalawang kwarto dito, sa isang kwarto dalawa ang kama, doon kayo sa isang kwarto mag salo"

Nag lakad ulit ito at sinundan namin "Ito ang Kusina, malamang, ang dining table and then..." Nag lakad ulit sya "Ito ang powder room... Ito naman ang magiging kwarto nyo and then ang toilet and bath" pumasok kami ni Josefa sa kwarto, sakto lang sa dalawang tao ang silid

May dalawang study table at sa bawat kama May lamp. Pinakita din sa amin ang aming palikuran.

Hinawakan ko ang kama at sobrang lambot nito. May aircon din at sobrang liwanag.

Sobrang layo sa nakasanayan kong tirahan.

"So ayun, hindi libre ang pag tira dito, lahat siempre may bayad" wika ni Rikki

"Mag hahanap kami ng trabaho" wika ni Josefa

"Psh, hindi ganun kadali mag hanap ng trabaho, tandaan nyo nasa Pinas kayo kung saan sobrang taas ng kuwalipikasyon, kung gusto mo malakihang kita, kailangan tapos o tungtong ka sa kolehiyo, pag May Pinag aralan naman kailangan ng karanasan sa trabaho na papasukin mo" wika nito sabay upo sa kama "Kung sabagay, pag kukuha ka nga ng valid id kailangan May valid id ka hahaha" tawa nito, nag tinginan kami ni Josefa "*Ehem* so yun nga, nasa Pilipinas tayo kung saan, pag mahirap ka imposible na mangarap ka ng malaki, imposible na makuha mo iyon, nasa pinas tayo kung saan ang pangarap ay pang mayaman lang" tumayo ito "O'sya kailangan ko na ng beauty rest, kayo na bahala sa sarili nyo at malaki na kayo" wika nito bago nag lakad palabas

Huminga ako ng malalim at tinabi ang gamit ko at umupo sa kama, sa sobrang lambot nito ay halos lumubog ako.

Napatingin ako kay Josefa na malakas at malalim na bumuntong hininga bago nito nilagay ang gamit nya sa gilid at pumasok sa palikuran.

Halos matulala naman ako sa malayo.

Tama ang sinabi ni Rikki. Pag mahirap ka, suntok sa buwan na matupad mo ang mga pangarap mo. Hindi makatarungan ang mundo, oo nasa iisa tayong mundo kung saan parehas ng hangin, parehas ng paligid, parehas ng lupa na timatapakan, pero hindi tayo pare-pareho ng landas na tinatahak.

Masyado malupit ang mundo, malupit ang buhay.

Wala e, pinanganak akong Pilipino at sa Pilipinas ako nakatira kung saan ang lahat ng bagay ay pang mayaman lang.

To be continued

Ang Puta (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon