XIV

2K 12 0
                                    

🔞SPG🔞

__________________________________

Lumipas ang ilang araw at ilang linggo, na parang di ako nasasanay sa trabaho na meron ako.

Nakapag padala ako ng pera sa pamilya ko, pero alam kong hindi pa iyon sasapat para sa kanila.

Matapos ang ilang gabi na pang gagamit sa akin ng iba't-ibang tao, naniniwala ako na masasanay na lang din ako sa ganitong trabaho katulad ng iba.

"Mukhang may paborito na si mama rainbow natin HAHAHAHAHA" natatawang wika ni Rikki habang nakaupo sa sofa at kumakain ng popcorn

"True paano ba naman kasi itong mga nakaraang araw madaming customer ang isa dyan tapos di nang libre, apaka daya" wika naman ni Jeya

"Ay di ba yan si Aey, A. K. A Black HAHAHAHA" Sabat naman ni Josefa sa gilid ko

Umiling lang ako sa kanila "Hayaan nyo sa susunod manlilibre ako, wag lang muna ngayon"

"Nako kailan kaya yun?" Tanong ni Rikki "Sana lang wag pumuti ang uwak bago mo kami malibre"

"Maiba nga tayo, bakit pala rainbow pangalan ni mama" pag iiba ni Josefa

"Siguro dahil bakla sya?" Patanong na sagot ni Rikki "Yung flag ng LGBTQ diba?"

"Sa sobrang hilig nga nya sa rainbow yung mga nicknames natin galing sa rainbow" sagot ni Jeya "Ako si Blue, si Josefa Red, ikaw naman Rikki Violet"

"O e bakit si Aey black?" Tanong ni Josefa

"Ewan ko, oo nga no?" Tanong ni Rikki habang nginunguya ang kinakain nya

"Wala nang kakwenta kwenta yung pinag uusapan nyo" sagot ko at tumayo "Ano ba gusto nyong kainin at mag luluto na ako, nag aalas siyete na May pasok pa tayo"

"Ay wow ngayon ikaw na nag kukusa kumilos para mag handa sa pagpasok natin" wika ni Rikki

Hindi ko ito pinansin at nag simula na mag hanap ng lulutuin sa loob ng refrigerator.

Simula nang mag trabaho ako doon bilang puta ay halos bantayan na din ni Miss Rainbow ang aming timbang, halos araw araw din kami nito sinasabihan na mag ingat at wag papabuo at mag ingat sa iba't-ibang sakit na pwede namin makuha.

Aaminin ko, may parte sa akin na nandidiri sa aking sarili at sa aking trabaho, pero kung ito lang ang alam ko kung saan matutulungan ko ang pamilya ko, gagawin ko.

Simula ng mangyari ang unang araw ko, aaminin ko, nakakaipon ako dahil sobra sobra pa ang aking kinikita sa isang araw. May sa ilang Linggo pa lang ako pero nakakapag padala na ako sa pamilya ko sa probinsya, gusto ko alisin sila sa buhay na mahirap.

"Omy goodness, black, kanina pa nag hihintay ang papa mo" wika ni miss Rainbow ng pumasok ito sa aming dressing room sa loob ng bar

"Si Mr. Yu?" Wika ko ng masanay ako sa isang matandang lalake na nag hihintay sa akin ilang araw na din

Ito ang kustomer ko na hindi ako binibigo sa pag bibigay ng malaking tip sa tuwing sya ay nakakaraos sa akin.

"Aba eh, sino pa ba? Oo pag dating nga dito ikaw agad ang hanap" wika nito at tumabi sa gilid ko "Nako mga girls, sabi ko na nga ba itong si Black ang swerte sa team ko, ilang linggo pa lang sya pero grabe na makahatak ng kustomer, paano full package na e"

"Nako mama, yan din ang sabi mo sakin nung bago pa lang ako" wika ni Rikki sa gilid habang ako ay abala sa pag aayos ng aking buhok

"Iba naman yun, Nak, iba din itong si Black" wika ni Ms. Rainbow at tumayo sa likod ko at hinimas ang aking buhok "Galingan mo, baka dito mo na mahanap ang aahon sayo sa hirap"

Ang Puta (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon